top of page
Search

Hindi rin nakatiis ang ilang manlalaro ng Philippine Basketball Association (PBA) at may ilan din silang mga ipinaabot na mensahe hinggil sa nagaganap na malawakang protesta sa Estados Unidos matapos masawi ang isang African-American na si George Floyd sa mga kamay ng mga puting police officer ng Minneapolis.

Nagpahayag ng pagsuporta si San Miguel point guard Chris Ross sa kanyang Instagram account sa mga nagpoprotesta dahil sa ‘diskriminasyon’ sa mga itim, habang nagre-retweet ng mga videos at ipinaliliwanag ang sitwasyon sa U.S.

“For those of you that aren’t informed…” kasabay ng pagpapakita ng tweet ng isang Ava Duvernay.. “Before you say those things that you don’t truly understand or think that thought you’ve been trained to think, listen to this and dig deeper.#13th#JusticeforGeorge.”

Sa isa pang hiwalay na tweet, ayon kay Ross, “Riots do not develop out of thin air! Certain conditions continue to exist in our society! A RIOT IS THE LANGUAGE OF THE UNHEARD! It’s failed to hear the promises of freedom & justice have not been met! As long as America postponed Justice these riots will happen! (Please listen)” makaraan ay ipinaskel ang tweet ni Martin Luther King III.. “My fathers words are just as relevant now as they were back them. Please listen and share. “

Dugtong pang tweet ni Ross, “When Kaepernick takes a knee in silent protests there is a problem! When people riot there is a problem! I guess you guys just wants us to stay silent!!"

Sa tweet naman ni Ginebra veteran Joe Devance, “You guys are the reason this will continue to happen. I wish there could be another way.”

Nagbahagi rin ng makahulugang mga tweets sina Meralco Bolts player Chris Newsome, Aaron Black, Kobe Paras laban sa racism at police brutality sa U.S. kung saan pawang mga black American ang diumano'y madalas na naaapi.

 
 

Sasagot sa mga isyung kinakaharap ng industriya ng sports ang dalawa sa mataas na pinuno ng pampalakasan sa pagbabalik ng lingguhang Philippine Sportswriter Association (PSA) Forum, Martes, sa isang virtual online session.

Haharap sina Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez at Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino sa 10:00 am forum na mapapanood ng live sa Zoom video conference.

Sa unang pagkakataon matapos ang mahigit sa 70 taong pamamahayag ay pansamantalang hindi mapapanood ng harapan sa isang lugar ang forum dulot ng mga pag-iingat kontra COVID-19.

Nakahandang sagutin ng mga opisyales ang hinggil sa kasalukuyan at kinabukasan ng sports sa bansa sa gitna ng pandemic.

Mapapanood ang naturang sports program ng Live sa PSA Facebook page na fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at sabayang masasaksihan sa Radyo Pilipinas 2 sa sariling Facebook page nito.

Pamumunuan ni PSA president Tito S. Talao ang sports program na apat na buwan ding hindi nasilayan dulot ng lockdown.

 
 

Nakatitiyak na ang ibang boxing expert na tatakbo lang sa ibabaw ng ruwedang parisukat si Terence “Bud” Crawford sakaling makaharap na si Manny ‘Pacman’ Pacquiao dahil iindahin nito ang tama ng mala-martilyo ni Thor sa lakas ng kamao ni Pacman.

Taglay pa diumano ni Pacman ang “it” factor na parang rambol bata at makikipagsabayan ng lakas ang fighting Senator at saka nito patitihayain sa gitna ng ring nang ganun kabilis sa mga maagang round pa lamang ang mamang itim. At oras na sapian na ng takot si Terence ay doon na ito tuluyang patutumbahin ng Pinoy, ayon sa analisa ni Brian Douglas ng Nowboxing.

Nagpakitang-gilas noon si Crawford upang mapansin lang ng top fighters sa kanyang dibisyon tulad ni Pacman, pero tila nagkakamali siyang hamunin ang isang tila mainit pang tubig, kahit itanong pa kay Keith “One Time” Thurman.

Sabi ni Thurman, malayo ang kaibhan ni Pacman kay Terence. Hindi pa raw niya mismong nakakalaban si Crawford, pero kung nais ng mamang itim na maging makasaysayan ang laban dapat ay dumaan muna sa pakikipaglaban sa kanya.

Sa rami ng mga nakababatang fighters ngayon na atat makalaban si Pacman nang dahil sa kikita ng limpak-limpak o kaya naman ay maging tanyag pa, dapat ay harapin muna ng mga ito ang mga gaya ng kalibre nina Deontay Wilder o Tyson Fury.

At kung hindi rin siya daraan sa mga kamao nina Thurman, Danny Garcia at Shawn Porter, malabo niyang matibag si Pacman.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page