top of page
Search

Maghaharap ang best players sa isang match-ups kung saan ang pinakamalulupit sa mundo ay magtatagisan sa pagitan ng LaLiga Santander at LaLiga SmartBank simula sa Hunyo 11 na itatampok ng BEIN Philippine Sports.

Kinumpirma ng LaLiga na magbabalik ang araw-araw na laro ng football sa Spain pero closed-door ito at hindi pa puwedeng pumasok ang mga manonood.

Tampok sa bakbakan ng football ang Athletic Club vs. Atletico de Madrid at ang Valencia Derby vs. Levante UD. Ayon kay LaLiga president Javier Tebas tatlong mga laban ang sasabak araw-araw, depende sa kondisyon ng klima at kailangang sundin ang mga health protocols ng mga players, staffs at personnels ng laro upang makaiwas sa coronavirus disease.

Ang unang slots na lalaruin ay idaraos sa Hilagang Espanya, habang maganda ang panahon ng buwan ng Hunyo at Hulyo. Dagdag dito kapag maayos ang klima, daragdagan ang laro kapag weekend. May 40 mga laro ang planong idaos kada isang linggo.

Ang Sevilla FC vs. Real Betis ay maglalaban sa Huwebes, Hunyo 11, maging ang Elche C.F. vs. Extremadura UD, CF Fuenlabrada vs. CD Tenerife at Malaga vs. SD Huesca sa Hunyo 12.

 
 

Bago nagkaroon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) at sinara ang mga paliparan, tahimik na umuwi si Mohamed Pare ng Saint Clare College of Caloocan, ang kasalukuyang Most Valuable Player ng National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU), sa kanyang bayan ng Mali. Ito ay para tanggapin ang alok na maging bahagi ng kanilang pambansang koponan na lalahok sa FIBA Afrobasket 2021 qualifiers ngayong taon subalit pumutok ang krisis sa COVID-19.

Natunugan ng Federation Malienne de Basketball ang mahusay na nilaro ni Pare, isang 6’7” na sentro, sa nakaraang NAASCU at PBA D-League kung saan parehong kampeon ang Saint Clare. Inabot ng halos dalawang araw ang kanyang lakbay mula Maynila patungong Hong Kong, Addis Addaba at nagwakas sa Bamako, ang kabisera ng Mali sa Kanlurang Aprika.

Nabunot ang Mali sa Grupo D kasama ang Algeria, Rwanda at Nigeria, ang pumangalawa sa Tunisia noong huling Afrobasket 2017. Nakatakda sa Nobyembre ang mga unang laro at magkikita sila muli sa Pebrero upang malaman ang unang tatlo sa grupo na tutuloy sa Afrobasket 2021 na gaganapin sa Kigali, Rwanda.

“Malaking pagkakataon ito kaya pumayag ako na umuwi siya at nangako sa akin si Mohamed na babalik siya para sa NAASCU,” wika ni Coach Jinino Manansala. Subalit bunga ng kasalukuyang sitwasyon, pinaghahandaan ni Coach Manansala at ng Saints ang posibilidad na depensahan ang kanilang korona gamit ang purong Pinoy na koponan.

Ang Mali ay isa sa mga umuusbong na bansa sa Basketball. Noong nakaraang 2019 FIBA Under-19 World Cup sa Gresya, ginulat ng Mali ang lahat matapos pumangalawa sa higanteng Estados Unidos.

 
 

Isa si Charlotte Hornet owner at Chicago Bulls legend Michael Jordan sa hanay ng mga atleta, coaches at sports executives ng U.S. ang nagluksa, ‘nagalit’ at sumama ang loob sa pagkamatay ng isang kalahi nilang si George Floyd.

“I am deeply saddened, truly pained and plain angry,” saad niya sa isang statement kahapon. “I stand with those who are calling out the ingrained racism and violence toward people of color in our country. We have had enough.”

Si Floyd ay isang black man na namatay nitong nakaraang linggo sa Minneapolis matapos siyang tuhurin sa leeg ng isang white police officer sa loob ng 8 minuto na naging dahilan ng pagkasawi nito at pagsiklab ng malawakang kilos protesta sa siyudad at iba pang parte ng Estados Unidos.

“I don’t have the answers, but our collective voices show strength and the inability to be divided by others,” ani Jordan. “We must listen to each other, show compassion and empathy and never turn our backs on senseless brutality. We need to continue peaceful expressions against injustice and demand accountability. Our unified voice needs to put pressure on our leaders to change our laws, or else we need to use our vote to create systematic change. Every one of us needs to be part of the solution, and we must work together to ensure justice for all.”

Kaisa ni Jordan sa protesta ng dahil sa ‘diskriminasyon’ ng black people sina LA Clippers Doc Rivers at Phoenix Suns Monty Williams, dalawa pang black coaches na iginigiit ang agarang pagbabago. “We have allowed too many tragedies to pass in vain,” saad ni Rivers. “This isn’t an African-American issue. This is a human issue. Our society must start getting comfortable with the uncomfortable conversation and do the right thing. Silence and inactivity are not acceptable anymore. Now is the time to speak."

Nakisama rin sa prayer vigil sina Mavericks owner Mark Cuban sa Dallas kasama sina players Justin Jackson, Los Angeles Lakers superstar Lebron James na naglabas ng video kahapon sa social media hinggil sa matahimik pero dinagsa na protesta sa Denver at Washington, D.C.

Si George Floyd ay isang 46-anyos na African-American na inaresto ng pulisya noong Mayo 25 at dinaganan ng tuhod ni police officer Derek Chauvin, 44-anyos makaraan ay kinasuhan ng murder. Nagsimula ang lahat sa diumano’y pekeng $20 bill ni Floyd na inireklamo ng isang grocery store. Nang siyasatin siya ng pulisya ay pinosasan ay nanlaban umano ito at natuhod sa leeg nang madapa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page