top of page
Search

Dahil na rin sa walang kasiguruhang sitwasyon na kinakaharap dulot ng coronavirus pandemic, tatlumpung (30) mga student-athletes ng University of Santo Tomas ang pinagsabihan na mawawalan ng kanilang scholarships sa susunod na term.

Kaugnay naman nito, ang iba pang mga student-athletes ay ibinalik sa training pools kaya't nananatiling kuwalipikado pa rin sa 50-percent tuition discount, ayon sa ulat ng official school paper ng unibersidad na - Varsitarian.

Nauna nang inanunsiyo ni UST Rector Fr. Richard Ang O.P. na itutuloy ang mga scholarships na ibinigay para sa second semester ng academic year 2019-2020 hanggang Disyembre.

Batay sa inilabas sa Office of Admission website ng UST, ang Santo Tomas Academic Scholarship at San Martin de Porres Equity Scholarship na lamang muna ang tanging io-offer para sa Academic Year 2020-2021.

Aalisin pansamantala ang Santo Domingo de Guzman scholarship na para sa mga student-athletes at mga nag-excel sa music and arts gayundin ang San Lorenzo Ruiz scholarship.

Samantala, hindi pa nagbibigay ng pahayag ang pamunuan ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) kung saan kabilang ang UST hinggil sa kanilang plano para sa UAAP Season 83 na nakatakda sanang magbukas sa darating na Setyembre.

 
 

Mas tiwala sa pagkakataong ito si World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Terrence “Bud” Crawford na malaki ang posibilidad na makatapat nito si eight-division world titlist Manny “Pacman” Pacquiao matapos ng ilang taong paghihintay.

Kinakailangan lang munang maghintay ng ilang buwan ng American unbeaten welterweight upang mapinalisa ang inaasam na laban ng kapwa kampeon ng 147-lbs na may hawak ng World Boxing Association (WBA) belt, dahil na rin sa nangangapang ekonomiya.

“We’ve been in contact with Bob (Arum), and Manny and them,” saad ni Crawford sa panayam dito ng “The Ak And Barak Show,” na napapakinggan sa DAZN at SiriusXM. “They want the fight. We want the fight. So basically, we’re trying to figure out the money situation. You know, with this pandemic going on right now, it’s kinda hard to put on a big fight and no audience, and not knowing how you’re gonna get your return back. So, you know, we’ve gotta figure out all the details with that first before we can do that.”

Inihayag din ni Top Rank owner Arum sa boxingscene.com na naghahanap na ito ng investors sa iba’t ibang panig ng mundo na interesadong tustusan ang Pacquiao-Crawford fight. Subalit, hindi gaanong umusad ang mga pakikipag-ugnayan sa iba dahil na rin sa umiiral na problema sa Covid-19.

Nais ni Crawford (36-0, 27KOs) na hindi madehado sa magiging laban nila ni Pacquiao sakaling walang mga live audience na manonood, ito ang pangunahing iniisip ng bawat panig dahil hindi pa malaman kung kikita ang mangyayaring salpukan nila dahil sa nagaganap na pandemya.

“He can’t even fight right now, you know, so it’s not just me. If that fight presents itself, it’s gonna be more money than I ever made in my career to date, probably. You know, so I think that fight can get made, worked out however it will be. You know, but at the same time, you know, he’s dealing with the same issues that I’m dealing with. Every top fighter is dealing with the same issue. You know, it’s not like I’m the only one dealing with this,” eksplika ni Crawford.

Marami mang mga boksingerong puwedeng makalaban ni Crawford kabilang na si dating IBF titlist Kell Brook (39-2, 27KOs) ng England, pinangangamnbahan pa rin nito kung sa paanong paraan kikita ang bawat boksingerong lalaban.

“You know, when you look at all these other fighters and who they gonna fight, how they gonna get paid, you know, that’s the big dilemma right now. The fighters in England and overseas, you know, they can’t come over here to fight, so they stuck over there. So, what about them? You know? So, it’s all messed up right now.”

 
 

Sa pagsisimula ng NBA season sa Hulyo 31 na lalaruin ng 22-team format sa Orlando, Florida, nagtakda ng timeline para sa teams na ang huling posibleng petsa para sa Finals Game 7 ay idaraos ng Oktubre 12.

Inaasahang matatanggap ni NBA Commissioner Adam Silver ang proposal para mapagbotohan na sa NBA Board of Governors ngayong Huwebes.

Inaasahan din na kasunod nito ang NBA draft at opening ng free agency sa Oktubre. Hanggang ngayon ang NBA at National Basketball Players Association ay nag-uusap pa sa detalye ng format kung saan ang liga na rin ang bubuo ng istruktura ng mga return-to-play ideas.

Aagahan na rin ng NBA ang plano kasama ang regular-season, play-in at playoff games para sa 16 na teams na kasalukuyang hawak ang playoff position – at anim na team na sasabak sa anim na games para pumasok sa 8th seed ng bawat conference.

Ang mga team na ito ay ang New Orleans, Portland, San Antonio, Sacramento at Phoenix sa Western Conference – at Washington sa East, saad ng source sa ESPN.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page