top of page
Search

ni GA @Sports | November 24, 2023



ree

Tila maiiwan sa ere ang nag-iisang eight-division World champion Manny “Pacman” Pacquiao sa mga nakalinya at planong sabakan na laban sa Disyembre at sa susunod na taon matapos magkaroon ng kanya-kanyang naunang upakan ang mga inaasahang makakasagupa sa mga nakatakdang bakbakan.

Muling lumabo ang inaantabayanang rematch kontra kay undefeated-retired at five-division World titlist Floyd “Money” Mayweather matapos nitong ianunsyo ang pagkakaroon ng laban muli kay John Gotti III imbes sa nilulutong mega-bout fight kay Pacman, na kinumpirma mismo ng Filipino boxing legend na susubukang maganap ngayong Disyembre.

Nauna ng sinabi ng 44-anyos na future boxing Hall of Famer na nakikipag-usap na ang parehong panig para sa itinutulak na exhibition match sa bansang Japan matapos itong makapanayam ng international media sa Saudi Arabia sa laban nina Tyson Fury at Francis Ngannou.

Maging ang boxing program na Showtime ay inilahad ang malaking intensyon na hawakan ang laban nina Pacquiao at Mayweather bilang panghuling programang ipapalabas sa ere sa Estados Unidos.

Kicking Off Super Bowl Weekend – unfinished Business. See You Guys In Las Vegas. More Details Coming Soon!” saad ni Mayweather sa kanyang Instagram post na nagpapahayag ng kanilang rematch, kung saan nagtapos No Contest ang laban nitong Hunyo 11 sa FLA Live Arena sa Sunrise, Florida matapos magkagulo ang bawat panig na nauwi sa malawakang awayan na nagtamo ng ilang injury sa marami.

Nangangamba namang maudlot ang tinatayang $25 million na banatan kay muay thai at kickboxing legend Buakaw Banchamek sa Enero sa Thailand dahil sa nakatakdang laban nito sa Rajadamnern Stadium sa Bangkok sa Disyembre 2 bilang parte ng event na RWS: Legend of Rajadamnern Muay Thai Series, habang katatapos lang nitong makipagbasagan ng mukha kay Saenchai nitong Nobyembre 4 sa bareknuckle bout.

 
 

ni GA @Sports | November 24, 2023



ree

Mga laro sa Sabado (Philsports Arena)

2 n.h. – Cignal vs NXLed

4 n.h. – Akari vs Petro Gazz

6 n.g – Chery Tiggo vs F2 Logistics


Nananatiling mayroon pang linaw ang tsansa ng Akari Chargers na makapasok sa semifinals matapos madaling walisin ang walang panalong Galeries Tower High Risers sa bisa ng straight set 25-14, 25-21, 25-19 sa pambungad na aksyon ng nalalapit na pagtatapos ng preliminary round ng 6th Premier Volleyball League (PVL) Second All-Filipino Conference kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Bumanat ng kabuuang 12 puntos si dating De La Salle Lady Spiker middle blocker Fifi Sharma mula sa 10 atake kasama ang dalawang blocks, habang nakatulong nito si Faith Nisperos sa 12pts mula 10 atake kasama ang siyam na excellent digs. Sumaklolo rin sa produksyon sina Aleona Denise “Dindin” Manabat at Erika Raagas ng tig-siyam puntos, habang may 10 excellent receptions ang huli, gayundin ang 11 excellent sets ni Janel Maraguinot.

We’re still trying to use remaining games so we can build our confidence kase we came from consecutive loses kaya medyo mabigat din yun for the team and the team’s moral so unti-unti namin and step-by-step nire-rebuild, so I feel like this is a good achievement for the team kase nga yun, kaase naka-produce kami ng talagang convincing win,” pahayag ng 5-foot-11 middle blocker sa kanyang unang taon sa pro-league.

Umaasang malalampasan ng Akari ang mga nalalabing laro kontra sa Petro Gazz Angels sa Sabado at Creamline Cool Smashers sa susunod na Huwebes upang makausad sa susunod na round sa siksikang agawan sa gitna ng team standings matapos umangat sa kanilang ikalawang sunod na panalo para maitala ang 5-4 kartada katabla ang Petro Gazz sa ika-anim at ikapitong spot.

 
 

ni MC / @Sports | November 18, 2023



ree

Ginamit ng Magnolia Hotshots ang lakas sa unang quarter upang talunin ang NorthPort Batang pier sa bisa ng 112-74 na pananambak sa PBA Commissioner's Cup kagabi sa Big Dome.


Kargado ng kabusugan sa gas ang Magnolia nang dominahin ang Batang Pier na halos nanambak ng 38 puntos bago tuluyang kunin ang ikatlong tagumpay na panalo.


Umasa ang Hotshots sa tikas ni Arvin Tolentino, kung saan ay hindi napantayan ng Batang Pier ang lakas ng Hotshots bagamat nakalamang pa ang Pier sa 2 puntos sa first half.


Pero nagawang pigilan ng Magnolia ang NorthPort sa 8 puntos sa unang quarter at umalagwa pa sa 28 puntos na kalamangan.


Ginanahan pa ang Batang Pier sa second quarter, pero sina Tyler Bey at Ian Sangalang ang namahala para sa kontensiyon ng Hotshots' 56-30 bilang halftime lead.


Tumulong pa sina Paul Lee at Jio Jalalon pagdating ng third period na lalong nagpalubog sa NorthPort at iangat ang kalamangan ng Hotshots sa 31 puntos.


Samantala, tuluyan ng sinipa sa kontensyon ng Cabstars-City of Cabuyao ang Philippine Christian University Dasmarinas-SASKIN sa kuntensyon kasunod dominanteng ng straight set sa iskor na 25-11, 25-19, 25-19, sa 2023 Spiker’s Turf Invitational Conference kahapon sa Paco Arena sa Maynila.


Mas pinaigting rin ng Cabstars ang kanilang pwesto sa solong ikalawang posisyon sa Pool B tangan ang 3-1 kartada, kabuntot ang VNS Griffins (2-1), habang pinangungunahan ng EcoOil-La Salle sa malinis na 3-0 marka. Mapapalayas naman sa kuntensyon ang PCU-Dasma na may 0-4 rekord.


Actually, hanggang ngayon dama namin yung sakit ng pagkatalo namin sa VNS eh so yun yung nagmotivate sa amin today,” wika ni Cabuyao coach Kitty Antiporta, na nakabawi sa dikdikang five-set na laro kontra sa Griffins nitong nagdaang Miyerkules.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page