top of page
Search

Bigyang-daan natin ang pagpapatuloy sa pagtalakay sa mahalagang kaganapan sa Astrology ngayong March 19, 2020. Muli, mula March 19 hanggang March 31, ang tatlong Astrological planets na sina Mars, Jupiter at Saturn ay magsasama-sama sa pagbibigay ng kanilang sinag na tatanglaw sa lupa sa madaling-araw o bago sumikat ang Haring Araw.

Tulad ng nasabi na, may kani-kanyang panahon ang lahat ng nangyayari. Kumbaga, there is time for everything at ito rin ay nagsasabing “timing is everything”.

Ito ay nagpapaalala sa ating lahat na kahit anong gawin mo, kapag wala sa tamang “timing” ay mahihirapan at mabibigo ka lang. Sa ganitong katotohanan, ipinababatid sa lahat na magandang isabuhay ngayon ang kahulugan nina Marte, Jupiter at Saturno.

Si Marte ay katumbas ng tapang at lakas ng loob kaya ngayon ang tamang panahon para maging matapang at malakas ang loob. Dapat nating tandaan na maraming tapang at lakas ng loob ang mga nasayang dahil sa maling panahon ito nagamit.

Kaya marami ang nagsasabing hindi dahil malakas at matapang ay magtatagumpay na sa buhay. Kumbaga, sangkatutak ang bilang ng matapang at malakas ang loob, pero nalugi lang ang kanilang negosyo.

Si Jupiter ang planeta ng masaganang buhay na kalakip ng katuparan ng mga pangarap. Ibig sabihin, dumating na ang tamang panahon kung kailan aani ng kasaganahan kapag sineryoso ang mga pangarap.

Marami ang nagsasabi na kapag may pangarap, gaganda ang buhay, pero marami rin ang nakaranas na may pangarap ka kaya lang, wala pa ring napala. Pero muli, sa panahon ngayon, sa March 19 hanggang 31, muli nating bigyang-buhay ang ating mga pangarap dahil ngayon ang tamang panahon para seryosohin ang ating mga pangarap.

Si Saturno naman ay katumbas ng kung sino ang naghihintay ay magtatagumpay. Ito ay nagsasabi rin kung sino ang mainipin ay mabibigo.

Muli, dumating na ang tamang panahon kung saan ang mga mapaghintay ay makikitang natatanaw na ang magagandang kinabukasan na guguhit sa kanilang kapalaran. Kaya isabuhay natin ang pagiging mapaghintay at itakwil ang pagkainip, as in, inip na inip na ang tao kaya nawawalan na siya ng pag-asa at ito ang hindi dapat mangyari sa ating buhay.

(Itutuloy)

 
 

Salaminin natin ang panaginip ni Leonino na ipinadala sa Facebook Messenger. Dear Professor, Napanaginipan ko na tumaya ako sa lotto at hindi ako nanalo. Sa tunay na buhay, palagi akong tumataya pero hindi rin ako nananalo. Nakakatawa kasi kahit sa panaginip ay hindi ako tumatama. Ano ang ibig sabihin nito? Hihintayin ko ang sagot ninyo. Maraming salamat!

Naghihintay, Leonino

Sa iyo Leonino, Nakakatawa nga yata ang panaginip mo dahil maging sa panaginip ay hindi ka nananalo. Bakit hindi mo ikonsidera na huminto na? Ang pahabol na suhestiyon ay ipunin mo sa latang lalagyan ang mga pera na sana ay itataya mo.

Kapag medyo marami na, ibili mo ito ng bagay at ang susunod na payo ay ibenta mo sa iyong kakilala o sa isang malapit sa iyo ang binili mong ito.

Kapag nagbebenta ka, ito ay pagtitinda at ang nagtitinda ay kailangang kumita kaya dagdagan mo nang konti ang presyo ng ibebenta mo kung saan ang idinagdag mo ay ang tutubuin mo.

Ganu’n nang ganu’n ang gawin mo at magugulat ka na ang sana ay itinaya mo sa lotto na hindi nakabalik sa iyo ay puwedeng magpayaman sa iyo.

Pero bago mo ito gawin, may isang bagay na gusto kong ipagawa sa iyo kung saan tayaan mo ang mga numero ng iyong kaaway, kagalit o kontrabida sa buhay mo.

Subukan mo dahil ito rin ay pormula ng tagumpay na nagsasabing ang ating mga kaaway ay lihim na nakatutulong sa atin para tayo ay magtagumpay.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 

Salaminin natin ang panaginip ni Maricar na ipinadala sa Facebook Messenger. Dear Professor, Ano ang ibig sabihin kapag nanaginip ng kuto? Pinatay ko ‘yung kuto kasi makati sa ulo.

Naghihintay, Maricar

Sa iyo Maricar, Araw-araw, may mga nakakasama tayo, minsan, ang iba sa kanila ay nakatutulong sa atin at minsan naman, ang iba ay nagpapasakit sa ating ulo kaya sa huli, ‘yung nagpapasakit ng ating ulo ang inilalarawan sa panaginip na kuto. Dahil dito, ang kuto sa panaginip mo ay taong nagpapasakit ng iyong ulo.

Ang pinatay sa mundo ng panaginip ay hindi aktuwal na pagpatay, bagkus, ito ay nagsasabi na tapusin mo na ang pakikisama mo sa kanya.

Sa buhay ng tao, ang magandang makasama ay ang mga taong napagkukunan ng inspirasyon, gayundin ang mga taong nagpapalakas ng loob natin at ang mga taong nakatutulong sa ating mga kailangan sa buhay.

Sila ang hanapin mo at kapag nakita mo na sila, huwag mo na silang hayaang mawala pa sa buhay mo.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
RECOMMENDED
bottom of page