top of page
Search

Salaminin natin ang panaginip ni Lorie na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Lumalangoy ako pero mababaw lang ang tubig. May mga isda na nakikipaglaro sa akin, tapos umulan nang malakas at bumaha pero sa lugar ko ay mababaw lang. Naguguluhan ako sa panaginip ko, ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Lorie

Sa iyo Lorie,

Sa buhay ng bawat tao, may mga pangayayaring minsan ay mahirap maunawaan tulad ng iyong mararanasan na mababaw lang ang pangarap mo pero ang nakagugulat ay yayaman ka dahil kapag nakikipagpalaro sa tao ang mga isda, ito ay nagsasabing ang mga suwerte ay dadapo sa buhay mo.

Ang malakas ang ulan at bumaha sa panaginip mo ay mga pangyayaring mararanasan ng karamihan na masasabi ring mga kamalasa at kapag ito ay nangyari na sa paligid, ito ay walang epekto sa iyo.

Dahil sinasabi ng panaginip mo na sa kabila ng masasamang pangyayari sa mundo, ikaw ay makikitang patuloy na nagpapakasasa sa magagandang kapalaran.

Mayroon lang na mahalagang bagay ka na dapat malaman na ang mga isda na simbolo ng magandang kapalaran at kayamanan ay isang bagay na banal na ang ibig sabihin ay lumayo ka sa anumang masama nang sa gayun ay patuloy kang pagpapalain at bigyan ng mga biyaya ng langit.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 

Salaminin natin ang panaginip ni Shiara na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Ano ang ibig sabihin ng panaginip na nakasakay sa barko, tapos biglang may ipo-ipong lumabas sa dagat?

Naghihintay,

Shiara

Sa iyo Shiara,

Ang nakasakay sa barko ay naglalarawan ng katuparan ng pangarap sa buhay. Noon pa man ay iginuguhit na ng mga dakilang alagad ng sining ang paglalayag ng tao sakay ng sasakyang pantubig o pandagat na iniuugnay sa hangaring magtagumpay sa buhay.

Ito ay isang pakikipagsapalaran sa malalayong bayan kung saan ang naglalayag ay may positibong pananaw na hindi magtatagal ay makahaharap na niya ang katuparan ng kanyang mga pangarap.

Noon pa man, kinikilala ng tao na may panganib sa dagat, kumbaga, ang maglalayag o maglalakbay ay dapat nakahandang makaranas ng pagsubok na sa huli ay kanyang malalagpasan.

Ito ang kahulugan ng panaginip na itinatanong mo kung saan inaasahan ng nanaginip na makakamit niya ang anumang mga mithiin niya sa buhay.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 

Bigyang-daan natin ang ilang bagay na puwedeng isabuhay ngayong may COVID-19 pandemic.

Marami sa mga sinasabing new normal ay hindi naman talaga bago dahil hindi rin ito isasabuhay ng mga tao. Kumbaga, new normal lang ang mga ito dahil sa COVID-19 at kapag wala nang COVID-19, wala na rin ang sinasabi nilang new normal.

Gayunman, may mga bagay na nasa new normal na mananatili nang matagal at maaaring maging panghabambuhay. Ito ang ating pinag-uusapan ngayon na pagtatanim ng mga gulay at halamang pagkain. Bilang karagdagan, narito pa ang kaalaman tungkol sa pagtatanim ng mga gulay.

Alam n’yo ba na ang petchay ay maaaring anihin pagkatapos ng labing-apat na araw? As in, may petchay ka nang magagamit sa mga lutuing gusto mo.

Subukan mo ito, pero dapat noon pa lang ay iminungkahi na ito ng mga awtoridad dahil ngayong sobra na sa isang buwan ang lockdown, ilang 14 days na ang nasayang kung saan dapat ay may mga petchay noon pa sa bahay.

Gusto mo bang magnegosyo at mabilis na kumita ng pera? Eto na, hindi ito scam dahil may yaman sa pagtatanim ng petchay at dahil 14 days lang ay puwede na itong anihin, hindi ka magtataka kapag humakot ka ng pera sa mga petchay na pananim mo.

Ang petchay ay dapat anihin sa nasabing bilang ng mga araw dahil sa ganitong mga araw, ang petchay ay pinakamasarap at kung lalagpas sa 14 days bago anihin, ang dahon ng petchay ay papait at kapag pinahaba pa ang mga araw na hindi inaani, ito ay matigas at makunat na.

Kaya muli, dapat na malapit lang sa bilang na 14 days ang pag-ani ng mga dahon ng petchay para kumita ng maraming pera.

Ang maganda pa sa petchay ay kung hindi naman ibebenta ay puwedeng bawasan lang ng ilang dahon ng petchay, kumbaga, kukuha lang ng kailangan sa pagluluto, kaya kung may tanim kang petchay tiyak na hindi ka mauubusan ng supply.

Dahil kusang nagkakaroon ng bagong mga dahon ang tinalbusang mga petchay, hindi pa naman tapos ang lockdown at sa totoo lang ay magugulat ang mga tao dahil akala ay luluwag na ang mga awtoridad, pero lalo pang maghihipit ang mga ito, partikular sa mga namamalengke.

Pero kung may tanim na gulay tulad ng petchay, kahit hindi na umalis ng bahay ay may maluluto ka na.

Itutuloy

 
 
RECOMMENDED
bottom of page