top of page
Search

Salaminin natin ang panaginip ni Henry na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Nakikipagbarilan ako sa mga terorista at hinahabol nila ako. Lahat ng aking kasamahan at kakampi ay namatay na dahil sa crossfire. Sana ay masagot n’yo ang kahulugan ng panaginip ko. Salamat!

Naghihintay,

Henry

Sa iyo Henry,

Alam mo, mahirap paniwalaan na ang buhay ng tao ay mas gumaganda at sumisigla kapag nasa kanya ang tatlong bagay. Una, ang horror tulad ng pelikula. Ikalawa, drama at ang ikatlo ay aksiyon.

Horror, drama at aksiyon ang nagpapaganda at nagbibigay ng saya sa tao. Kapag wala ito, ang buhay niya ay tulad ng field of snow na ang ibig sabihin ay walang kuwenta ang kanyang buhay.

Alam mo, ito ang hindi napapansing dahilan kung bakit best-selling movies ang horror. Dahil tulad ng nasabi na, mahirap paniwalan na kailangan ng tao sa buhay niya ang horror. Kaya hindi nawawala ang drama sa mga T.V. at pelikula ay dahil dito kumikita nang malalaki ang mga producers.

Gayundin, ang aksiyon ay hindi puwedeng mawala sa buhay ng tao dahil kapag wala nito, siya ay parang puno ng halaman na habambuhay nang nakatayo sa iisang lugar.

Sa horror, drama at aksiyon, ang katawan ng tao ay naglalabas ng hormone na adrenaline.

Ang adrenaline ay tinatawag ding survival hormone kung saan ang tao ay magkakaroon ng kakaibang lakas at bilis ng katawan at isipan. Kapag natutulog ang adrenaline sa katawan ng tao, siya ay mananamlay, mawawalan ng gana mabuhay at hindi na rin siya makikipagsapalaran sa mga hamon ng kanyang kapalaran.

Kaya mahirap mang tanggapin, siya ay mapabibilang sa mga bigo sa buhay. Hindi ito dapat mangyari sa iyo kaya sabi ng iyong panaginip, lagyan mo ng aksiyon ang buhay mo, hindi sa pamamagitan ng paglaban sa mga terorista kundi sa paglaban sa mga kinatatakutan mo sa buhay. Ang pahabol na payo ng iyong panaginip ay higit kailanman, ngayon mo kailangan na maging matapang.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 

Salaminin natin ang panaginip ni Jazz na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Nagtitinda ako sa palengke ng manok at maraming bumibili sa akin dahil mahal ang karne ng baboy at baka. Masaya ako at sabi ko sa sarili ko, natagpuan ko na ang masuwerteng negosyo para sa akin.

Sa totoo lang, sumubok akong magsari-sari store, pero nalugi ako dahil ang daming utang ng mga kapitbahay namin. Naawa naman ako kaya hanggang ngayon, hindi ko sila sinisingil. Matagal na akong suki ng BULGAR, kaya sana, masagot n’yo ang aking tanong.

Naghihintay,

Jazz

Sa iyo Jazz,

Mukhamg natsambahan mo ang sagot sa tanong kung ano ang masuwerteng negosyo para sa iyo. Hindi mo man nabanggit na ito ay mahalagang tanong sa iyong buhay, sure naman na ito ay naitanong mo, lalo na nang malugi ang sari-sari store mo.

Kaya ang payo ay subukan mong magtinda ng manok dahil ayon sa panaginip mo, ito na ang magpapayaman sa iyo.

Ayon naman sa karanasan, ang awa ay hadlang sa pagpapaunlad ng hanapbuhay. Oo, naawa ka pero kapag naapektuhan ang iyong negosyo, ‘yun ay mali na. Ibig sabihin, ang ibinigay mo sa iyong kapwa nang dahil sa awa ay hindi dapat makaapekto sa iyong negosyo. Ang malaking pagkakamali ng mga negosyante ay nagagalaw nila ang pera ng negosyo at maging ang puhunan ay kanilang napapakealaman.

Muli, magtinda ka ng manok dahil ito ang payo ng iyong panaginip.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 

Salaminin natin ang panaginip ni Odette na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Nagkabalikan kami ng ex-boyfriend ko. Ang nakatutuwa sa panaginip ay nagkaiyakan muna kami bago nagkaayos.

Paano mangyayari ‘yun, eh, may asawa na siya at ako ay may bagong boyfriend? Sa panaginip lang ba kami magkakabalikan?

Naghihintay,

Odette

Sa iyo Odette,

Siguro, ang iniisip mo na imposibleng mangyari sa tunay na buhay na nagkabalikan, as in, kayo ay muling magmahalan. Bago natin sagutin kung puwedeng maging kayo ulit, magandang malaman mo na ang mga panaginip ay nakabase sa tunay na buhay.

Dahil dito, oo ang sagot sa tanong kung kayo ay muling magmamahalan. Kaya ang iniisip mong ito ay imposible at mas maganda na harapin ang mga susunod na araw kung saan kayo ng ex-boyfriend mo ay masaya at maligayang magkarelasyon.

Imposible ba sa may asawa na siya ay may karelasyon? Alam mo na ang sagot, ‘di ba? Lalong hindi imposible na ang dating minahal ang siyang kanyang makakarelasyon.

Eh, ang may boyfriend, imposible bang makipagbalikan sa kanyang unang minahal? Alam mo na ang sagot, ‘di ba?

Muli, mas magandang ihanda mo ang iyong sarili sa mga araw muli kayong magmamahalan ng ex-boyfriend mo.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
RECOMMENDED
bottom of page