top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 22, 2021



ree

Nagpositibo sa COVID-19 ang dalawang miyembro ng Beks Battalion na sina Chad Kinis at MC Calaquian.


Ayon sa YouTube vlog ni Chad, kuha ito noong March 19 at ini-release noong March 20. Marami raw ang nagtataka kung bakit walang bagong vlogs ang Beks Battalion kaya napagdesisyunan nina Chad na ipaalam sa publiko ang rason.


Saad ni Chad, “Akala nila, nag-away-away kami, nagwatak-watak kami… hindi po ‘yun totoo. Hindi po kami naghiwa-hiwalay, hindi po kami nag-away-away. Wala pong samaan ng loob. "Pero tama po kayo. For now kasi, hindi po talaga kami magkakasama rito sa bahay ng Beks Battalion.


‘Yun lang po, magkakahiwalay po kami ngayon dahil na rin po sa isang reason. ‘Yung dahilan pong ‘yun ay… ito, kaya po kami magkakahiwalay ng bahay, kasi kailangan pong mag-quarantine ng bawat isa po sa amin. Nagkaroon po ng COVID outbreak dito sa bahay.


“Actually, hindi namin talaga dapat ‘to gagawin o iba-vlog. We wanna do it in silence ‘yung pag-quarantine namin, kaya lang, siyempre, hindi po maiwasang may mga nagtatanong.” Ayon kay Chad, unang nagka-COVID ay ang kasama niya sa pagba-vlog na si Tonton, miyembro rin ng Beks Friends.


Saad ni Tonton, “Ang naramdaman ko lang kasi, sakit ng ulo. Sumakit lang ‘yung ulo ko. Parang normal lang na mawawala ‘yan, inuman lang ng gamot, wala na. Totoo naman, nawala agad. So hindi ko naisip na COVID pala ‘yun.” Aniya ay hindi rin umabot ng isang araw ang naramdaman niya kaya hindi rin nila napansin na sintomas na ‘yun ng COVID.


Saad pa ni Chad, “Kaya po nagkaroon ng outbreak dito sa bahay kasi hindi po namin napansin na may sintomas na pala si Tonton.” After daw ni Tonton ay si Chad naman ang nagpositibo sa COVID. Aniya, “Nanghiram po kasi ako ng lip balm kay Tonton. Kasi unang-una, magkasama kami sa bahay. Nag-lip balm ako and after several days, nilagnat ako.


Agad-agad, nag-quarantine ako rito sa bahay. ‘Di agad ako lumabas.” Nagkaroon din daw si Chad ng baradong ilong pero hindi siya nawalan ng panlasa at pang-amoy katulad ni Tonton. Nu’ng nagpa-swab test daw siya para sa isang taping, positive ang result nito.


Bago raw lagnatin si Chad ay nagkasama-sama pa sila at nag-dinner kaya hinikayat niya ang iba pa nilang miyembro na magpa-test nang malaman niyang positibo siya sa COVID-19. Saad ni Chad, “Nu’ng nag-RT-PCR po lahat, negative si Tonton. Ibig sabihin natapos niya ang quarantine niya pero meron po siyang antibodies. Kasi ipina-check po natin ang antibodies ni Tonton.


Kay Tonton talaga galing ‘yung ano, kasi siya po ‘yung nagkaroon ng antibodies para sa COVID. So ibig sabihin, nagkaroon na siya talaga. “Siguro, kung hindi ako nanghiram ng lip balm, hindi ako mahahawa kasi lahat po, negative naman, eh, si MC, si Lassy, lahat po, negative sa RT-PCR.” Sa vlog din na ‘yun, sinabi ni Chad na katulad ni Tonton ay nagnegatibo at gumaling na siya sa COVID-19.


Aniya pa, "Ako rin po, negative na rin po ako, cleared na rin po ako, may antibodies na rin po ako.” Ngunit nagkaroon daw muli ng exposure kaya nag-quarantine silang muli at sumailalim sa RT-PCR. Saad ni Chad, "Nag-check po ulit si Kuya MC at Kuya Lassy. Negative po si Kuya Lassy, pero nag-positive po si Kuya MC."


Aniya pa, "Kami po, we follow the protocols, we follow the rules but still, nalusutan kami ng kalabang 'di nakikita... Si Kuya MC, okay naman po.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page