top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 4, 2021



ree

Nilinaw ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na ang iginawad na compassionate special permit (CSP) sa Sinopharm COVID-19 vaccines noon ay para lamang sa 10,000 doses na inilaan sa Presidential Security Group (PSG) at hindi pa aniya napag-aaralan ng FDA ang itinurok na unang dose kay Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, Mayo 3.


Ayon kay Domingo, "'Pag sinabing compassionate special permit, hindi po 'yun authorization na ibinigay ng FDA. In this case, ’yun pong head ng PSG hospital, siya ang nagga-guarantee na inaral niya ang bakuna and they take full responsibility for it. Sa amin po dito sa FDA, ‘di pa po namin na-evaluate ang bakunang 'yan."


Gayunman, epektibo pa rin ang naturang bakuna laban sa COVID-19, lalo’t wala pang iniulat na adverse event mula sa mahigit 3,000 miyembro ng PSG at asawa ng mga ito na unang nabakunahan.


Iginiit pa ni Domingo ang ginawang pag-e-evaluate ng World Health Organization (WHO) sa mga bakuna ng China, kung saan lumalabas na halos kapareho lamang nito ang Sinovac.


Aniya, "Unang-una, safe ang vaccine kasi inactivated virus katulad ng Sinovac… Continuing pa rin ang evaluation nila for this vaccine, pero so far, maganda naman po ang nakikitang mga resulta."


Sa ngayon ay nananatiling naka-pending ang approval para sa emergency use authorization (EUA) ng Sinopharm.


“Hanggang ngayon, pending case pa po ‘yan,” paglilinaw pa ni Domingo.


Maliban sa Sinovac COVID-19 vaccines ng China ay ang mga bakunang AstraZeneca, Sputnik V at Pfizer pa lamang ang pinahihintulutang iturok sa bisa ng EUA na iginawad ng FDA.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 2, 2021



ree

Hinihikayat ni Senator Panfilo Lacson na paigtingin pa ng Department of Health (DOH) ang ‘information campaign’ hinggil sa mga bakuna kontra-COVID-19 upang mahimok magpabakuna ang publiko.


Aniya, "What our officials including Health Secretary Francisco Duque III should do is to improve the public's trust in vaccines, instead of just announcing when the vaccines will arrive.”


Matatandaang iniulat kahapon ang pagdating ng initial 15,000 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccines. Kamakailan lang din nu’ng dumating ang mga bakunang Sinovac at AstraZeneca. Sa kabuuang bilang ay 4,040,600 doses ng mga bakuna na ang nakarating sa bansa.


Samantala, mahigit 1,809,801 indibidwal pa lamang ang mga nabakunahan kontra-COVID-19, kung saan 246,986 ang mga nakakumpleto sa dalawang doses at 1,562,815 naman para sa unang dose.


Paliwanag pa ni Lacson, "If very few Filipinos are willing to be vaccinated, the vaccines that actually arrive may go to waste."


“Kausapin natin ang mga kababayan natin, magkaroon tayo ng information campaign. Magtiwala kayo sa bakuna kasi sa ngayon, wala tayong ibang makakapitan kundi ang bakuna," panawagan pa niya.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 28, 2021



ree


Naudlot uli ang pagdating sa ‘Pinas ng initial 15,000 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccines na inaasahan sana ngayong araw, Abril 28.


Ayon sa Qatar Airlines, hindi nakalapag sa tamang oras sa Doha, Qatar ang eroplanong may dala ng mga bakuna na inaasahang manggagaling sa Moscow papuntang ‘Pinas.


Nauna nang naudlot ang pagdating nito nu’ng Linggo dahil sa ‘logistic concerns’.


Inaasahan namang darating bukas ang 480,000 doses ng Sputnik V, bilang bahagi ng 500,000 doses na iaaloka ng Russia Gamaleya Research Institute sa ‘Pinas.


Sa ngayon ay 3,525,600 doses ng bakuna na ang dumating sa bansa, kabilang ang 3 milyong doses ng Sinovac at 525,600 doses mula sa AstraZeneca.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page