top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Jan. 4, 2025



Photo: Philip Salvador at Sen. Jinggoy Estrada - IG


Papasok na rin pala sa pulitika ang misis ni Sen. Jinggoy Estrada na si Ms. Precy Ejercito.

Nalaman namin ito dahil sa pakiusap ni Sen. Jinggoy sa ibinigay niyang post-Christmas party for the entertainment press na suportahan ang kanyang misis na first nominee ng BFF (Balikatan of Filipino Families) Partylist.


Pag-amin ni Sen. Jinggoy nang makausap namin, “Well actually, ayaw niya talagang tumakbo, eh, sabi ko, siya na siguro ‘yung magiging model ng pamilyang Pilipino. Siguro, it’s about time na maging active na rin siya sa politics para marami kaming matulungan.”


At dahil napag-usapan na ang pulitika, nahingi namin ang reaksiyon ni Sen. Jinggoy sa pagtakbo na ring senador ng kanyang BFF (best friend forever) na si Phillip Salvador, na unfortunately, nasa magkaiba silang partido.


Sagot ni Sen. Jinggoy sa tanong namin kung bakit ‘di niya inimbitahan si Kuya Ipe na sa partido nilang Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) umanib, “Wala naman akong karapatan. Iba ‘yung partido ko, eh. I do not belong to any party. I only belong to the Pwersa ng Masang Pilipino.”


And when asked kung ano’ng maipapayo niya sa kaibigan ngayong nagbabalak nga itong makasungkit ng isang puwesto sa Senado tulad nila nina Sen. Bong Revilla, Jr., Sen. Lito Lapid at Sen. Robin Padilla, “Well, siyempre, alam mo, ‘pag wala kang experience sa national campaign, you have to strive more. Lalo na siya, baguhan, baka mahirapan pa.


So, konting sipag lang,” ang binitawang pahayag ng senador.


Samantala, gustung-gusto palang bumalik sa showbiz ni Sen. Jinggoy pero dahil malaki ang itinaba niya, aminado siyang mahihirapan siya.


Pero kung may tamang project daw ay willing naman siyang mag-produce uli para makatulong sa mga taga-industriya.


At habang ‘di pa siya nakakabalik sa showbiz, panoorin na lang daw muna siya sa kanyang weekly show sa Facebook, ang Jing Flix with Kuya Jing na nagbibigay-tulong at aliw sa ating mga kababayan.



Hindi man pinalad na maging champion sa Star In a Million, naging maganda naman ang buhay ng dating finalist ng singing contest na si Garth Garcia, na balik-‘Pinas para sa kanyang birthday show ngayong gabi sa Aromata Bar and Resto sa QC na produced ng kanyang good friend na si Ms. Anna Puno.


First time naming nakapanayam ang singer sa Doon Thai and Asian Fusion Resto na pag-aari ni Ms. Anna Puno nu’ng Dec. 31 at nalaman naming concert producer na rin pala si Garth sa USA bukod sa pagiging businessman.


Naikuwento niya sa amin na ang madalas niyang kuning performer doon ay ang Soul Diva na si Jaya na may ilang taon na ring iniwan ang ‘Pinas para sa US na tumira kasama ang pamilya.


Nag-e-enjoy naman daw du’n si Jaya na kilalang-kilala ng mga kababayan natin at wala pa rin daw itong kupas, ayon kay Garth. At dahil mabenta nga ru’n si Jaya kaya malabo pa raw na bumalik ito ng ‘Pinas.


Ang dream concert daw ni Garth sa USA ay mapagsama-sama sina Martin Nievera, Gary Valenciano, Regine Velasquez at Pops Fernandez.


Maganda pa rin naman daw ang reception ng mga Pinoy doon sa mga Filipino singers, pero mas kakaiba raw talaga ang appreciation na natatanggap nila rito sa ‘Pinas kapag nagpe-perform sila kesa sa ibang bansa, kaya ginusto niyang mag-birthday concert dito para makasama na rin ang mga kapamilya at kaibigan.


Kakantahin ni Garth sa kanyang birthday show ang mga awit mula sa kanyang unang album, pati na ang ilang kanta mula sa kanyang US releases. 


Nakatapos na siya ng limang albums, kabilang ang dalawa sa ilalim ng Ivory Music dito sa Pilipinas at tatlo sa sarili niyang label sa US, ang Star Link Music.  


Ang 4th Impact ang special guest ni Garth Garcia sa kanyang birthday show ngayong gabi sa Aromata Bar and Resto.


Well, sana nga’y mas maging matagumpay pa sina Garth at Ms. Anna Puno sa pagdadala ng mga Pinoy performers abroad para makatulong din sa ating mga local singers na mabigyan ng show at raket doon.

 
 

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Jan. 4, 2025





Napuno ng intriga at chika ang social media matapos ang breaking news tungkol sa hiwalayan nina Jak Roberto at Barbie Forteza, ang kilalang ‘JakBie’ couple na iniidolo ng marami. 


Ayon sa isang super reliable source na malapit kay Jak, ang dahilan umano ng kanilang hiwalayan ni Barbie ay si David Licauco — ang on-screen partner ng aktres at ka-love team sa tatlong teleserye na sobrang click sa masa.


BarDa chemistry o totoong landian na? Matagal nang napapansin ng mga fans ang nakakakilig na chemistry nina Barbie at David, pero ayon sa mga Marites sa production, parang may something daw talaga sa dalawa. Sweet na sweet umano ang dalawa sa set — sabay kumakain, nagpapakitaan ng paandar na food at gifts, at may mga moments pa raw na tila sobra ang closeness.


Ang highlight ng chismis? Isang viral photo kung saan magkayakap sina Barbie at David habang natutulog sa set. 


Ayon kay Barbie, “Hugot lang po ‘yun sa pagod, walang malisya.” 

Pero sa mga fans ng JakBie, parang ang hirap paniwalaan. 


Si Jak naman, aminadong nasaktan sa litrato. 


“Masakit makita ang ganu’n, pero iniintindi ko na trabaho lang,” ani Jak sa isang nakaraang panayam.


Aminado siya na hirap sa mga intimate scenes nina Barbie at David. 


“Sino ba’ng hindi magseselos kung ang mahal mo, niyayakap at hinahalikan ng iba kahit trabaho lang?” ang pak na pak na linya ni Jak. 


Ang masaklap, hindi na niya pinanood ang teleseryeng Pulang Araw (PA) dahil hindi raw niya kinaya ang closeness ng dalawa. 


Ngunit sa kabila ng selos, nanatiling matatag si Jak noon. 


“Kahit ano’ng sakit, titiisin ko para kay Barbie,” ani pa niya. Pero sa huli, tila napagod din si Jak sa laban.


Endgame na nga ba ng JakBie? 


Ngayong hiwalay na sina Jak at Barbie pagkatapos ng 7 taon, marami ang nagtatanong —kasalanan ba talaga ito ni David? May mga nagsasabi na professional lang ang relasyon nina Barbie at David, ngunit ang ibang fans, hmmm… suspicious pa rin.


Sa mga nakaraang panayam, paulit-ulit na sinabi ni Barbie na mahal niya si Jak. 

“Si Jak ang forever ko,” ani Barbie dati. Pero ngayon, mukhang nagbago na ang ihip ng hangin. 


Ayon sa chika, mukhang masyado nang malapit sina Barbie at David sa isa’t isa. Si David naman, bilib na bilib kay Barbie, at sinabing inspirasyon niya ito sa pagiging mas mahusay na aktor.


What’s next for Jak? Habang usap-usapan na baka lumipat ng network si Jak, nagbigay siya ng pahayag noon na lalaban siya para sa pagmamahalan nila ni Barbie. 


Habang hinihintay ng lahat ang kasagutan, isang bagay ang sigurado—hindi pa tapos ang kuwento ng JakBie at BarDa. 


Ano sa tingin mo, mema lang ba ang mga chika o charot na realness na ito?


Abangan ang susunod na kabanata! 


‘Yun na! Ambooolancia!.. #ChairmanNgChikahan #MaritesInChief #Talbog


 
 

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Jan. 3, 2025





Mainit na usap-usapan ngayon ang hindi pagsipot ni Barbie Imperial sa recent family gathering ng mga Gutierrez na dinaluhan ng mga prominenteng miyembro tulad nina Ruffa Gutierrez, Annabelle Rama, Eddie Gutierrez, Raymond Gutierrez, at iba pang kapatid at mga anak. 


Napansin ng marami na absent si Barbie, na kilalang laging present sa mga okasyon ng pamilya Gutierrez, mula sa Italy trip hanggang sa burol ng hipag ni Richard. 


Kaya naman, maraming haka-haka ang lumutang — may kinalaman daw ito sa umano’y isyu sa pagitan nina Richard Gutierrez at John Estrada, co-star ni Barbie sa Batang Quiapo (BQ).


True kayang may ‘something’ kina John at Barbie? 


Sa likod ng kamera, ayon sa mga tsismosa’t tsismoso sa set, super close raw ang dalawa. Lagi raw silang magkasama tuwing break, at may mga eksena pa na todo-kulitan. 


Isang insidente ang nagpainit lalo sa usapan — nang biruin ni Barbie si John na gusto niya ng liempo. Aba, hindi nagpatalo si kuya mo! Nagpa-feast agad si John para sa buong cast at crew. Ang generous, ‘di ba? Pero sabi ng iba, baka raw hindi lang simpleng generosity iyon.


Dagdag pa ng isang source, mukhang hindi ito ikinatuwa ni Richard, na may mga sinasabing pamatay na tingin tuwing magkasama ang dalawa. 


Hala, selos alert! May bulong-bulungan pa nga na sinubukan daw ni Richard na pag-usapan ang isyu sa executive producer ng kanilang proyekto. Ang chika?


Gusto raw ni Richard na ilipat si Barbie sa kanyang sariling show o kaya naman ay ipa-exit ang karakter nito sa BQ. Ang lala, ‘teh!


Tahimik si Sarah Lahbati, pero may alam kaya? Sa kabila ng mga isyu, dedma lang ang asawa ni Richard. 


Hindi rin nakatulong na kilalang chick magnet si John Estrada. Mula sa kanyang mga relasyon kina Janice de Belen at Priscilla Meirelles, madalas na siyang laman ng balita. Kaya naman ang closeness niya kay Barbie ay madaling nagiging tsismis. 


Dagdag pa rito, si Barbie mismo ay hindi ligtas sa intriga dahil sa kanyang past relationships kina Diego Loyzaga at JM de Guzman.


Habang mainit ang usapan, hati rin ang reaksiyon ng mga fans. Ang iba, natutuwa sa chemistry nina John at Barbie. Pero ang iba, hindi maalis ang duda na baka may namamagitan na nga sa dalawa. 


Sa kabila ng drama, patuloy pa ring tinatangkilik ang BQ dahil sa solid nitong kuwento at talented cast. Pero ang tanong — hanggang kailan magiging smooth ang production kung may mga ganitong palasak na isyu?


Habang hinihintay ng lahat ang official na pahayag nina Richard, John, at Barbie, ang chika off-cam ay parang mas exciting pa kaysa sa mismong palabas. 


Abangan ang susunod na kabanata, mga Ka-BULGARians! 




Ang 2024 ay taon ng drama, tagumpay, at pasabog para kay Gerald Santos. 

Hindi natin maikakaila, ang isyu ng sexual abuse na bumalot sa kanya ang tila nagpaalon muli ng pangalan niya sa kamalayan ng mga Pinoy. Totoo, walang script, walang plano, at lalong walang orchestrated na drama. 


Matagal nang sugatan si Gerald, pero sa kabila ng lahat ng hirap, kinimkim niya ito at ipinagpatuloy ang laban. Hanggang sa dumating ang sandali na kailangang magsalita — at doon nagising ang sambayanan.


Sa mga ganitong panahon, doon mo makikita kung sino talaga ang kakampi mo. May mga totoong kaibigan daw pero tumalikod noong pinakamadilim na yugto ng buhay ni GeraldPero heto ang twist, ngayong Pasko, nagparamdam ulit sila! Aba, ang saya, ‘di ba? 

Salamat naman sa Diyos, deadma na lang sa kanila. 


Kakaunti lang ang ganitong mga tao sa buhay ni Gerald. At sa kabilang banda, mas marami ang mga tunay na kaibigan at supporters na hindi bumitaw. 


Grabe, 18 years na si Gerald sa showbiz, at sa totoo lang, hindi siya mapapantayan. Ang kanyang Grateful concert sa Music Museum nitong 2024 ay punumpuno ng emosyon at talento. Punuan ang venue, mga Mare! At dahil sa tagumpay na ito, nabigyan si Gerald ng Aliw Award bilang Best Male Performance in a Concert.


Hindi lang ‘yan! Isa pang milestone ang naitala ni Gerald noong Setyembre. Aba, winner siya bilang Best Actor in a Movie Musical para sa pelikulang Al Coda (AC) sa Wu Wei International Film Festival (WWIFF) sa Taipei, Taiwan. International award, mga ‘teh! Sino ang makakapigil sa kanya?


Sa larangan ng pag-arte, patapos na si Gerald sa kanyang bida-kontrabida role sa Ayaw Matulog Ng Gabi (AMNG). At, may mga bagong script pang dumarating para sa kanya. Tila walang tigil ang blessings, in fairness!


Sa music, todo rin ang pasabog. Na-record ni Gerald ang kantang Hamon para sa biofilm ni Mayor Marcos Mamay, na isinulat ng legendary composer na si Vehnee Saturno. Nakaabang din ang Walang Tigil (WT), isang composition ni Doc Willie Ong mismo, at siyempre, siya rin ang nag-record.


Pero ang pinakaintriga? Ang upcoming single niya na Hubad. OMG mga sis, sexy ang peg! Composed by future hitmaker MacMac Gan, ito ay inaasahang magpapainit ngayong January, 2025. Prepare na, dahil iba ang Gerald Santos na maririnig dito.


Nasaktan at dumapa man si Gerald sa mga panahon ng pagsubok, pagpasok ng 2025, ready na si Gerald para sa major concert na Courage sa SM North EDSA Skydome. Isa itong proyekto na pinlano pa sa huling quarter ng 2024. Laban kung laban, ‘di ba?

Hindi man madali ang naging 2024 para kay Gerald, napatunayan niyang hindi siya basta matitinag. 




 
 
RECOMMENDED
bottom of page