top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | July 6, 2025



Photo: Maine Mendoza - TVJ Official IG


Uy, marami naman ang nakapansin last Saturday sa Eat…Bulaga! (EB!) na dedma lang at halos hindi nagsasalita si Maine Mendoza sa portion ng Sugod Bahay kung saan naman nandu’n si Miles Ocampo.


“Sana, hindi na lang siya (Maine) nagpakita sa segment o sumama kina Bossing Vic, Allan K, Paolo at Tito Sen. Babad na babad kasi ang split shots sa TV screen between the studio group at ‘yung nasa Sugod Bahay. 


“‘Pag kasi nakukuhanan ng kamera ang mga expression ni Maine, halata mong parang nagmamaldita habang nag-e-enjoy makipagkulitan sina Wally, Jose at Miles sa mga tao sa kabilang side ng TV screen,” komento ng mga nakapanood.


May hirit pa silang ang daldal-daldal daw at wala lang kay Miles ang mga ganap at eksena sa remote telecast, kumpara raw sa parang tuod at nakatayo lang na si Maine sa studio.


Mukha naman daw ‘taped’ ang naturang Sugod Bahay segment last Saturday dahil ang bilis-bilis daw nakabalik sa studio ng tropa nina Jose at Miles gayung sa Rodriguez, Rizal daw ito ginawa.


“Sa portion kasi ng Pinoy Henyo ay biglang umapir sina Miles at Jose,” sey ng netizen.

“Nasa same portion din sina Maine at Paolo, pero halatang may distansiya at no communication/reaction sina Maine at Miles, FYI (for your info) lang,” hirit pa ng netizen.


‘Yun na!



Ayon sa abogado ni Gretchen Barretto, wala pa raw sa plano ng kampo nila ang magsampa ng kaso laban sa whistleblower na si alias Totoy.


Sinabi ni Atty. Alma Mallonga na mas magpopokus sila sa pakikipag-coordinate at cooperate sa Department of Justice (DOJ) sa mga ginagawa nitong imbestigasyon sa kaso nga ng mga ‘lost sabungeros’.


Batay pa sa official statement na inilabas ni Atty. Mallonga, simpleng investor lang si Gretchen sa negosyo na kasama si Atong Ang, isa na rito ang e-sabong (online cockfight). Wala raw itong partisipasyon sa operation ng e-sabong at hindi kailanman nag-operate ng anumang sabungan, hence wala itong knowledge sa isyu ng mga nawawalang sabungeros.


Ang pagbanggit ni alias Totoy na member umano ang aktres ng tinatawag na “Alpha” group ng Pitmaster at isa sa mga mastermind ng mga ‘lost sabungeros’ ay isa umanong suspicion at bahagi ng illogical reasoning.


Sa ngayon nga ay ‘yun ang masasabing ‘panig at sagot’ ni Gretchen sa isyu lalo’t itinuturing na nga sila ni Papa Atong na mga suspect sa kaso.



GAIN nga rin daw ni Julia Barretto ang isyu ngayon between Miles at Maine.

Mas dumadami at lumalaki nga raw ang exposure nito sa Eat… Bulaga! (EB!) at halatang binibigyan ito ng magagandang moments.


“Halos sa maraming segment, nandu’n s’ya (Julia),” obserba pa ng mga nanonood.

Anyway, mukha naman talagang nag-e-enjoy si Julia at na-rediscover nito ang passion sa hosting.


Pero nakaka-excite rin ang mga balitang natuloy na rin pala ang meeting ni Julia with Enrique Gil, ang masasabi nating original leading man niya sa TV series.

Mayroon daw niluluto na proyekto para sa dalawa.


Tom, knows mo ‘yun? SIGAW NI CARLA: EX KO NG 7 YRS., NARCISSISTIC AT INABUSO ANG ASO KO!


MULI na namang pinag-uusapan si Carla Abellana dahil sa bagong post nito.

Paano kasi, malinaw ang pagbulgar nito sa kanyang “ex” na umano’y narcissistic at nang-abuso raw sa kanyang alagang aso.


“I had 3 dogs back then (now I have 6), one of which was the most abused by my narcissistic ex. It took 7 years and half for me to wake up and I still regret not getting out earlier,” bahagi pa ng post ni Carla.


Sari-sari uli ang komento at hati ang reaksiyon ng mga netizens. May mga nagsasabing mukhang may ‘kakaiba’ raw sa mental health ng aktres dahil sobrang tagal umano ang 7 years para i-tolerate ang sinasabi niyang ‘pang-aabuso’ sa pet niya ng kanyang ‘ex’.


Para naman sa mga pet lovers, sobra nilang na-admire ang pagmamahal ni Carla sa mga alaga dahil ginawa pa niyang 6 ang dati’y 3 lang na dogs niya.


Pero nagkakaisa ang lahat sa pagkomento na tila sobra nga raw nagmahal ang aktres sa kanyang “ex” para paabutin pa ng 7 years ang relasyon gayung ‘narcissistic’ pala ito at hanggang ngayon ay iniisip pa niya ang mga pangit nitong nagawa.

‘Kaloka lang!


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 5, 2025



Photo: Carla at Tom


Noong mga nakaraang post ni Doña Lolit Solis ay hindi ko na magawang isulat dahil nararamdaman ko na nahihirapan na siya at mabigat na ibalita ang bawat sakit na nangyayari sa mahal kong kaibigan.


Ang simpleng dahilan lang ng pagbabalita ko kay Doña Lolit ay paalala sa mga taong kaibigan niya na huwag siyang pabayaan sa mga pangangailangan niya, lalo na kapag nasa hospital siya. Hindi ko malilimutang isulat ang mga pagpapasalamat ni Lolit sa mga doctor at sa lahat ng tumulong sa kanya, lalo na si Senator Bong Revilla, Jr..

Ito ang huling post sa Instagram (IG) na ibinahagi ng aming namayapang kaibigan na si Doña Lolit Solis…


“Salve, sobra akong grateful talaga sa pagdalaw n’yo sa akin sa hospital. Talagang hindi ko akalain at my age, du’n pa ako mako-confined at magkakasakit.


“Nagkaroon nga tuloy ako ng anxiety attack dahil hindi ko akalain na at my age, mahihiga ako sa hospital bed.


“Tuwang-tuwa ako talaga nang dumaan ang grupo nila Jun Lalin, Ian Fariñas, Gie Trillana, Anna Pingol, Randolf at Salve para tingnan ang kalagayan ko. So grateful for my friends na talagang tiningnan ang kalagayan ko.


“Medyo hindi ako talaga sanay sa hospital scenario kaya culture shock para sa akin ang mga nangyayari.


“Everytime I wake up in the morning, shock ako na nasa ibang kuwarto ako. Kaya nga minsan gulat ako paggising. Kaya tuloy parang at a lost ako tuwing gigising. ‘Pag umaga, parang hinahanap ko ‘yung magulong kuwarto ko. Ewan ko ba, basta I feel everything happening is new to me.


“‘Kaloka dahil talagang nagtataka ako na now ako nagkaganito. I feel like crying pero wala na akong magagawa #classiclolita.”


Ito naman ang karugtong ng huling post ni Doña Lolit, “Buti na lang at ang babait ng mga doctors ko, Dr. Florante Muñoz, Dra. Linga, Dr. Mora at Dra. Nema Evangelista, talagang inalagaan nila ako at hindi iniwan.


“Ang hirap pala ng maysakit. Hopeless, helpless, weak ka. Para bang hindi mo alam where and what to do. I feel it was already late for me para magkaroon ng ganitong episode sa buhay.


“Pero alam mo naman si GOD, alam n’ya when or where ibibigay sa ‘yo ang mga bagay. So grateful na ngayon older na ako nangyari ito.


“Meron na ako ng pasensya at wisdom na tanggapin mga bagay. I feel sad, weak, but hopeful. Wishing na sana gumaling ako agad at maging active uli. I love life. I love my works. I love my friends. I live life like everybody else. But if being sick is a sacrifice I have to experience, it was an eye opener for me.


“Like going thru the medical procedures, mga ginagawa sa ‘yo sa hospital, lahat new sa akin. Pero in all gratitude, SALAMAT sa staffs ng FEU Hospital dahil napaka-caring nila, talagang spoiled patient ang feeling ko.


Hindi ako nagsisi na nagpaalaga sa FEU Hospital. I feel very special dahil sa alaga ng staffs lalo na ng mga doctors. 


“Kaya nga tiyak ako na gagaling agad ako. Para lang ako nagbakasyon, sleep over ng ilang araw. Pero ganu’n pala ang feeling nang nasa hospital.


“Minsan nga gusto ko umiyak dahil sa self-pity. Pero talaga sigurong ganoon ang buhay, dumarating mga bagay sa oras ng hindi mo alam.


“Kaya nga natawa ako nang mabasa ko issue ng PRIME water na sangkot mga VILLAR. At this point na dapat mas bigyan-pansin ni Carla Abellana ang mas ibang malaking bagay, heto at

tubig ang mas binibigyan niya ng importansiya.


“Mas mabigat pa ang tubig kesa lagay ng puso niya kay Tom Rodriguez. Hitsurang mag-asawa o magkaroon ng anak, ‘prime water’ ang concern ni Carla. Dahil s’yempre, prime si Tom, bagay sa issue ni Carla. Hahaha!”


Ito na ang huling post ng aming kaibigan sa IG.

God bless you, Lolit. Rest in peace, Doña Lolit naming mahal.


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | July 5, 2025



Photo: Gretchen Barretto - IG


Ayon nga kay DOJ Secretary Boying Remulla, considered ‘suspects’ na sina Gretchen Barretto at Papa Atong Ang sa naging rebelasyon ni alyas Totoy o Dondon sa isyu ng mga ‘lost sabungeros’.


Sa recent update matapos na marinig naman ang side ng high-profile na negosyante at madalas ding laman ng showbiz news dahil sa mga kaibigan nito rito, rumesbak ito ng mga sari-saring kaso laban sa nagpiprisintang state witness.


Sa naturang presscon last July 3, sinagot ni Ang ang mga usapin habang nagprisinta naman ng mga kontra isyu kay alyas Totoy ang magaling at palaban ding abogado na si Atty. Lorna Kapunan. 


Ilan na nga rito ang mga kaso ni alyas Totoy na alleged rape, pagpatay, pagnanakaw and so on na kahit sa kilalang bangko na Metrobank ay may kinakaharap pala itong kaso, making him, according to Atty. Kapunan, ‘the most guilty’ sa standard and under the rule ng pagiging isang state witness.


Hindi rin nakalusot ang GMA-7 sa naging komento ni Papa Atong na ginawa nga siyang kontrabida without even reaching out to him sa kontrobersiyal ding Lost Sabungeros documentary film na kanilang ginawa.


Sari-sari siyempre ang reaksiyon at pulso ng publiko sa napakakontrobersiyal na usapin lalo’t umaabot nga raw sa mahigit 100 katao ang naging biktima rito.


“Sana nga, at the end of the day, ‘yung totoong hustisya at katotohanan ang manaig at maparusahan ang mga tunay na salarin,” ang nagkakaisang buhos ng emosyon ng lahat.



Speaking of Gretchen, wala pa nga rin itong anumang pahayag na inilalabas o sinasabi pero ayon sa ilang common friends na aming napagtanungan, may mga kaso ring ihahain ang aktres laban kay alyas Totoy.


“Very damaging. Gretchen has to respond using the proper venue,” sagot ng aming kausap na nag-confirm din na nangangamba rin si Gretchen sa kanyang buhay.


Hirit naman ng ilang may galit sa aktres, “She seems to enjoy that kind of life. ‘Yung laging hinahabol ng iskandalo. The fact na nakikipagnegosyo siya sa mga maituturing na ‘underworld characters’ should make her liable sa mga gayang iskandalo.”

Kaugnay nito ang muling pagbuhay sa naging papel niya noon sa 1994 Manila Film Festival (MFF) fiasco.


Dahil nagluluksa nga rin ang industriya sa pagyao ni Manay Lolit Solis last July 3, kasabay ng naturang presscon ni Papa Atong Ang, muling lumutang sa socmed (social media) at mga group chats ang minsa’y naging iskandalo nila noon.

Iniuugnay kasi sa pagkakasangkot ngayon ni Greta sa lost sabungeros ang minsa’y pagiging ‘whistle blower’ ng aktres para lumabas ang katotohanan sa naturang fiasco.


Nagpapasintabi po kami sa pagbanggit kay Manay Lolit na very dear din sa amin at ninang din ng aming anak, pero sa nangyayari ngayon kay Greta, talagang may lalabas at lalabas na kagayang isyu, to prove or disprove her innocence or her real or actual participation sa recent and damaging ‘ika nga na scandal na ito.



AND yes, speaking of Manay Lolit, isa nga rin ito sa mga earliest ‘nanay-nanayan’ namin sa industry since our start in the biz in 1986, with then our original mentor-friend Ate Luds or Inday Badiday.


Si Ate Luds nga ang nag-introduce sa amin kay Manay Lolit na proud adviser namin noon habang nag-aaral pa kami sa UP Diliman. 


Being a UP Diliman student herself na nag-LOA (leave of absence at hindi na bumalik in the late ‘70s), lagi siyang mabait sa amin at supportive sa mga showbiz engagements namin. Lagi rin niya kaming pinapayuhang magtapos ng pag-aaral at gawin lang ‘hobby’ ang showbiz raket, etc..


Never naming nakatampuhan ‘yan kahit pa noong kasagsagan ng mga bouncing checks legal cases namin (tumayo lang po akong witness para sa ilang famous celebrities na nagkaso) at siya ang rason kung bakit naging paborito ako ng yumao na ring si Tito Alfie Lorenzo (ang pinakabardagul sa akin in the 

‘90s).


We continue to be Manay Lolit’s dear friend at ginawa ko pa nga siyang ninang ng anak ko dahil malaki rin ang naging papel niya sa pagkakaroon ko ng anak. At kahit hindi ako dumidikit sa mga usaping pralala or anumang PR showbiz-related events na involved siya, lagi siyang may oras para sumagot sa aming mga inquiries lalo na sa mga personal na isyu.


Ako rin ang nagdala sa kanya sa Albay, Bicol kasama noon sina Pareng Ricky Lo, Manay Ethel Ramos at Isah Red para sa isang bonggang event na sobra niyang na-appreciate. Ngayon, magkakasama na sila sa heaven.


At nitong mga nakaraang taon na nagda-dialysis na siya, madalas na sa phone lang kami nagkakausap at nagpaplano kasama na nga dapat ang ‘meeting with the current First Lady Lisa Marcos’ sa tulong ng ilang common friends sa Malacañang.

O, hayan, baka naman may mang-intriga pa, ha? 


Taos-puso ang aming pagdarasal, pakikiramay at pagbibigay ng aming huling respeto sa isang tunay na palaban na nanay sa showbiz, isang tunay na tao na behind her malulutong na tsismis at halakhak ay mapagkakatiwalaan sa mga personal na laban and yes, alam ang ibig sabihin ng ‘in and out of showbiz’.


Bon voyage, Manay Lolit. Thank you for the great friendship, the respect and love. Baunin mo po ang masasaya nating samahan.

Hindi ka namin makakalimutan! Rest in Peace po.



MARAMI rin ang nagulat sa tila pagiging ‘patola’ na rin daw ni Anne Curtis sa mga bashers.


Although never nating nakilala si Anne na mahilig pumatol sa mga nega items, this time around ay tila nagpasampol na rin ito.


Nang may nang-bash kasi kay Anne hinggil sa panalo nito sa isang award-giving body bilang Best Female TV Host of the Year, tinaasan ito ng kilay ng marami dahil suwerte na nga raw na mapanood si Anne bilang female host sa It’s Showtime (IS) ng once a month.


“Naku, absentee host ‘yan, paanong nanalo ‘yan ng award?” komento ng mga bashers.

“It’s about quality over quantity,” simpleng tugon naman ni Anne sabay imbitang muli siyang mapapanood sa IS kinabukasan. Hahaha!


Sa amin, simple lang ang sagot. Dahil nga sa may ipino-promote na bagong pinagbibidahan na drama series si Anne, mas need niyang pag-usapan sa ngayon.


Talking about the 2020 Korean series na It’s Okay Not To Be Okay (IONTBO), pressured siyempre si Anne dahil siya ang bida rito kasama sina Joshua Garcia at Carlo Aquino at sina Rio Locsin, Agot Isidro, Enchong Dee at Xyriel Manabat among others.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page