top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 15, 2021



ree

Bukod sa pagka-come out ni Raymond Gutierrez kamakailan, may matindi palang pagsubok na pinagdaanan ang pamilya Gutierrez.


Nabasa namin ang post kahapon ni Ruffa Gutierrez sa kanyang Instagram account kung saan kasama ng picture nila ng kanyang Daddy Eddie ang caption na: "The weeks leading up to my departure for the U.S. was tough. I experienced a tornado of emotions which I kept exceptionally private.

"This much I can share: Dad had an operation and it was a success. He has been cleared of prostate cancer. Thank you, Lord!"


Kasunod nito ay pinasalamatan ni Ruffa ang mga naging dahilan para maging successful ang operation ng kanyang ama, gayundin ang mga nagdasal para sa kaligtasan nito.

"Our family would like to thank ALL the doctors and nurses who took care of Dad at St. Luke’s Quezon City. Special mention to the BEST urologist and anaesthesiologist, Dr. Steve & Joyce Lim. He is on the road to a full recovery thanks to your expertise and pag-aalaga.

"Sa mga nagdasal para kay Dad, maraming salamat. You know who you are.

"Sending LOVE to everyone who’s trying their best to heal from things they don’t discuss. Keep the faith, pray and stay strong."

 
 

SA TWITTER KA NAGTATANONG.


ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 08, 2021



ree

Na-bash na naman si Senate President Tito Sotto dahil lang sa kanyang simpleng tweet sa Twitter account niya last Aug. 5 na ganito ang nakasaad: "Out of 6,879 Covid positive cases the other day, how many did they test for Delta variant? All? Where? What lab?"


Kung uunawain ang mensahe ni Tito Sen, tipong duda at kinukuwestiyon nito ang kredibilidad ng figures na inilalabas ng DOH kaugnay ng COVID cases at Delta variant na mas pinangangambahan ngayon.


Sa reply section ng kanyang tweet, may mga netizens na um-agree naman kay Sen. Tito dahil mukhang duda na rin sila kung bakit napakabilis ng pagtaas ng cases ng Delta variant pero wala namang ibang detalyeng inilalabas ang Dept. of Health.


Sabi ni fathermucker, "Wala po eh, kung 'yung COVID na 'yan, 'di naman na-isolate ng CDC, eh, sa paanong paraan po magkaka-variant?! It's about control lang po... COVID is hoax po."

Pero may ilan namang binash si Tito Sen dahil naturingan daw itong nasa posisyon, bakit sa Twitter pa nagrereklamo?


Sabi ni @nettky, "Government official ka, di alamin mo? Magtulungan, 'wag puro salita."

Agree rin si @Bhyron, "Ask yourself, provide us the info. May access ka, 'di ba? Senador ka. Tanungin mo ba naman ang Twitter."


From userlynn9, "Tito Sen, pumunta ka sa Davao, mag-attend sa meeting ng amo mo para malaman mo. Hindi dito sa Twitter ka nagtanong kasi lumabas ka na eng-eng dito."


Isang Juan dela Cruz naman (troll account kaya?) ang nagsabing, "Gunggong! Senator ka and you’re asking these questions on Twitter? Gamit-gamit din ng kukote 'pag may time."


Feeling namin, gusto lang marinig ni Tito Sen ang opinyon ng bayan kung tulad niya ay duda rin sa mga nangyayari ngayon.


Pero may punto rin ang mga netizens na since nasa posisyon naman ang aktor-pulitiko, eh, umaksiyon na siya at 'wag puro tweet lang.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 1, 2021



ree

Marami ang nagulat at nagtaka kung paano napapayag si Daniel Padilla na tanggapin ang role sa Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather is Fine) na isa sa mga pelikulang lalahok sa 74th Locarno Film Festival na gaganapin sa Switzerland mula sa Agosto 4 hanggang 14.


Hindi kasi ang reel and real-life partner ni Daniel na si Kathryn Bernardo ang leading lady niya sa pelikula kundi ang baguhang si Rans Rifol, bagama't kasama rin naman nila ang magaling at respetadong aktres na si Ms. Charo Santos.


Sa ginanap na send-off presscon ng FDCP (Film Development Council of the Phils.) last Friday para sa mga Filipino delegates na magko-compete sa Locarno Filmfest, natanong si Rans kung sa tingin ba niya ay susuportahan ng KathNiel fans ang pelikula nila ni DJ gayung hindi nga si Kathryn ang kasama ng aktor sa movie.


Pag-amin ni Rans, natutuwa siya dahil sa social media, ang dami naman daw nagpahayag ng suporta sa movie nila ni DJ at sinabing excited na nga raw silang panoorin ang pelikula kahit wala sa cast si Kathryn.


Well, good kung ganu'n! Eh, kasi 'di ba, nu'ng si Kathryn ang gumawa ng movie with Alden Richards titled Hello, Love, Goodbye, may mga nagbanta pang ibo-boycott ang movie dahil hindi si Daniel ang partner ng aktres.


Anyway, happy si Rans at puring-puri sina Daniel at Ma'm Charo dahil napakagaan daw katrabaho ng mga ito at very supportive and down-to-earth.


Samantala, ang Kun Maupay Man It Panahon na idinirek ni Carlo Francisco Manatad ay kalahok sa Concorso Cineasti del Presente (Filmmakers of the Present Competition) section ng 74th Locarno Filmfest.


Ilan pa sa mga pelikulang lalahok sa iba't ibang category sa Locarno Filmfest ang documentary na Aswang ni Alyx Ayn Arumpac, ang short films na Excuse Me, Miss, Miss, Miss ni Sonny Calvento at Next Picture ni Cris Bringas, at Sam ni Direk E Del Mundo.

Lalahok naman ang producer na si Stelle Laguda sa Open Doors Lab, isang producer-centric training program na may anim na araw para sa walong filmmakers upang mahasa ang kanilang kakayahan at kamalayan sa international marketplace.


Para sa karagdagang impormasyon sa Locarno Film Festival 2021 at sa mga kalahok na pelikula at proyekto, bisitahin ang kanilang opisyal na website sa www.locarnofestival.ch.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page