top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 18, 2021



ree

Hindi na nakapagpigil si Robin Padilla at sinagot ang mga nang-iintriga sa closeness niya kay Sen. Bong Go na right-hand at confidante ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Pati kasi 'yung pagbati nila ng kanyang anak na si Isabella kay Sen. Bong Go ay binigyang-kulay ng mga anti-DDS at inaakusahan si Robin na ginagamit ang friendship nila ng senador para makinabang sa gobyerno.


Sa isang Instagram post ni Robin, inilagay niya sa caption ang kanyang nasasaloob sa mga nag-aakusa sa kanya dahil nga sa friendship nila ni Sen. Go.


Aniya, "A friend is a friend

"But i am no political Friend nor a business Friend.

"I am a personal friend without poltical and business benefits.

"I love and support my friends because they love me and they support me but never for political nor business matters."

May matapang ding hamon si Binoe sa isang ex-senator na aniya, "One ex-senator was threatening me of an investigation when his time comes, I said he is very welcome, if he finds out anything truthful that I gained money or power in my friendship then I will cut both of my hands publicly as an example and my guilt, but if he is wrong he should cut both of his hands for accusing me of lies.


"Never judge me nor my statements nor my advocacy projects as a propaganda of the administration because I am not connected to them nor I am employed by them."


Dagdag pa ni Robin, imbes nga raw maging asset ay liability pa ang pagiging close kay Sen. Bong Go.


"In truth it is more difficult to deal with the agencies of government because of that friendship. Sa akin pa nga mas mahigpit dahil nakabantay lahat at nag-aantay sa isang pagkakamali ko.

"This birthday greetings for Senator Bong Go was from the bottom of our hearts, we were not paid nor forced to make it.

"Isabela knows her ninong because her ninong regularly sends her suha/grape fruit because it's her favorite that is why she remembers him."


Ohhhh! So, kung may naibibigay man si Sen. Bong Go sa pamilya ni Robin ay suha lang naman pala!


'Yun, oh!

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 11, 2021



ree

May ilang naintriga at nag-aalala na baka hindi na nga bumalik si Megastar Sharon Cuneta rito sa 'Pinas dahil sa sinabi niyang nae-enjoy na niya ang masarap na buhay ngayon sa Amerika.


Kaya naman, good news para sa mga Sharonians ang naging pahayag ni Sen. Kiko Pangilinan sa interview sa kanya ni Ms. Karen Davila sa programa nitong Headstart sa ANC kahapon.


Ipinalinaw kasi ni Karen kay Sen. Kiko ang naging pahayag ni Mega na gusto niyang "mag-stay na for good" sa United States.


Sagot ni Sen. Kiko, “She has work options there, that's where she’s coming from. But she also said na home is where her family is, her husband and her children.”


Naniniwala raw si Sen. Kiko na kaya sila tumagal nang 25 years ng Megastar ay dahil sa 'give and take' relationship nila.


“We’ve been married 25 years. It’s always a give and take and I know love conquers all, so for me, that’s not an issue."


Samantala, isa pang nakikita naming sikreto kung bakit kahit 25 yrs. na ang relasyon nina Sharon at Kiko ay "stronger together" pa rin sila ay dahil sa pagiging 'joker' na rin ng senador.


Eh, si Mega pa naman, mega-bungisngis, 'di ba, kaya konting joke lang ng kanyang mister, bentang-benta na sa kanya.


Biro kasi ni Sen. Kiko bago magtapos ang interview sa kanya ni Karen, “Ayun, after 25 years, patay na patay pa rin sa akin (si Sharon).”


Ang sweeeeeet!


Mas maganda namang marinig na "patay na patay" sa kanya si Mega, kesa 'yung gustung-gusto na siyang patayin, 'di ba?


Charot!


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 05, 2021



ree

Kinumpirma ni Atty. Ferdinand Topacio na tuloy na tuloy na ang comeback film ni Claudine Barretto sa kanyang Borracho Film Production at reunion movie na rin ng aktres sa ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez.


Co-producers ang Borracho Films at Viva Films sa movie na ang final title raw (hopefully, pagkatapos ng tatlong unang naisip na titles) ay Deception.


Dapat pala ay magsisimula nang mag-shooting sina Claudine at Mark para sa movie ngayong June 5, pero ayon kay Atty. Ferdie, nakiusap si Clau kung puwedeng ma-move na lang sa June 10 dahil na-expose raw ito sa isang kamag-anak na COVID positive kaya naka-quarantine ngayon si Claudine at kahapon nga ang scheduled swab test.


Kung magnenegatibo ang resulta ng test kay Clau, tuloy na sila ng shooting sa June 10, pero kapag nagpositibo ang aktres, siyempre ay made-delay na naman ang shooting dahil kailangan itong mag-quarantine hanggang sa magnegatibo sa COVID.


Basta ang tiniyak ni Atty. Ferdie ay tuloy na tuloy ang movie dahil umoo na rin naman sa kanya si Claudine at inaayos na nga raw ang advance talent fee nito.


Muntik pala kasing hindi matuloy ang Deception dahil nagkaroon ng tampuhan sina Atty. Ferdie at Claudine.


Nabuking sa Zoom presscon ng movie na nang magalit si Atty. Ferdie kay Clau, nasabi nitong papalitan niya na ang aktres ng sinuman kina Jodi Santamaria, Cristine Reyes at Julia Montes.


Pero tawa lang nang tawang depensa ni Atty. Ferdie, lasing lang daw siya nang masabi 'yun.


Good thing, nagkaayos na rin naman sila dahil ang tunay na magkaibigan daw, nagkakatampuhan man, nagkakaayos din dahil marami na silang pinagsamahan.


Well, abang-abang na lang tayo sa mga susunod pang pangyayari dahil for sure, lagi namang may update si Atty. Ferdie.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page