top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | March 14, 2024



ree

Handang-handa na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos na dalhin ang kanilang pitong taong relasyon sa kasalan.


Sa segment na "Fast Talk Back" ng programang "Fast Talk With Boy Abunda" noong Miyerkules, tinanong sina Gabbi at Khalil kung sino ang tatlong couple na kanilang hinahangaan ngunit kailangang sagutin ang tanong sa loob lamang ng limang segundo.


“Anne (Curtis), Erwan (Heussaff),” sagot ng dalawa na naabutan agad ng time limit.

Ibinahagi rin ni Khalil na pinag-uusapan nila ni Gabbi ang tungkol sa kasal ngayong matagal na silang magdyowa.


“It’s actually something that we talk about a lot. I’m not sure if that is something that is healthy? We both think it is,” sabi ng aktor.


“Same naman kasi talaga kami ng end goal. And even at the start of this relationship, why waste time on someone you don’t want to end up with, right?” dagdag ni Gabbi.


"From the get-go I feel like we were aligned that we wanted to keep this relationship special for the future," dugtong pa ng aktres.


Ayon pa kay Gabbi, simpleng seremonya lamang ang nais niyang kasalan.

“I want it to be very intimate. A very quiet wedding,” anang aktres.


"I'm not afraid to talk about it kasi that's part of life and it's such a beautiful thing,” dagdag pa niya.


Unang nagkakilala sina Gabbi at Khalil sa debut ni Julia Barretto noong 2015. Nagsimula silang mag-date noong 2017.


 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @Showbiz News | March 3, 2024



ree


Pumanaw na ang batikang aktres na si Jaclyn Jose sa edad na 59 nitong Linggo, Marso 3.


Ayon sa inisyal na ulat mula sa ilang kaibigan ng aktres, nahulog si Jaclyn sa hagdan sa kanyang tinitirhan.


Ang nakatatandang kapatid ni Jake Ejercito, ama ng apo ni Jaclyn kay Andi Eigenmann na si Ellie, na si Sen. Jinggoy Estrada ang sumaklolo at nagsaayos ng funeral service nito sa Arlington Chapels.


Abangan ang iba pang mga detalye sa www.bulgaronline.com/entertainment


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 14, 2024



ree

Inispluk ni Yassi Pressman na masaya siya ngayon kay Camarines Sur Gov. Luigi Villafuerte.


Nagbigay ng konting detalye ang aktres tungkol sa kanyang love life ngayon.


Sey ni Yassi patungkol kay Luigi, "He just makes me really happy."


"My heart is really, really full right now." dagdag ng aktres.


Hindi pa nililinaw ng dalawa kung ano ang real score sa kanila ngunit matatandaang inamin ni Yassi nu'ng nakaraang taon na kinikilala pa nila ng gobernador ang isa't isa.


Sinimulan din ng dalawa ang pagpasok ng 2024 sa pagbisita sa Vietnam.


Wala pa namang pormal na kumpirmasyon sina Yassi at Luigi sa kasalukuyan habang isinusulat ang artikulo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page