top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 10, 2024



ree

Finally! Natuloy na ang collab nina Luis Manzano at social media influencer na si Kween Yasmin o mas kilala ngayon dahil sa kanyang tulang “Esophagus, esophagus” matapos itong mag-guest sa vlog ng TV host na ‘Luis Listens.’


Talagang excited si Luis sa kanilang collab dahil nu'ng 2022 niya pa raw inaaya si Kween para makipagkulitan dito.


Nausisa rin sa guesting ni Kween Yasmin ang kanyang buhay at doon na niya ibinahaging kahit pala very funny siya sa social media ay napilitan siyang tumigil sa pag-aaral dahil sa bullying.


Pagkukwento niya, siya raw ay college nu'ng itinulak siya ng kanyang kaklase sa hagdanan na dahilan para tuluyan niyang iwan ang kanyang pag-aaral.


Though, malungkot ang naging pangyayaring 'yun sa buhay ni Kween Yasmin, naging funny naman ang kanyang guesting sa vlog ni Luis.


Nagpalitan pa ng mga hirit ang dalawa na talagang kinagat ng mga netizens dahil natural ang atake ng parehas na komedyante.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | April 10, 2024



ree

Nilinaw na ni Jeff Moses ang kasalukuyan niyang relasyon sa aktres na si Jillian Ward.


Sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" noong Martes, sinabi ng Sparkle artist na hindi niya nililigawan ang kanyang co-star dahil matalik na magkaibigan lamang sila.


“Wala pa po ako sa ganoong mindset, and I know, same with Jill, pero hinahayaan ko lang,” anang aktor.


“Hindi naman natin alam kung ano'ng mangyayari bukas, ganyan. So parang kumbaga chill lang. Chill lang ako,” dagdag niya.


Sinabi ni Jeff na kasalukuyan siyang nakatuon sa kanyang sarili, kaya hindi pa niya alam kung manliligaw siya kay Jillian balang-araw.


“Hindi ko rin masabi, eh, kasi ngayon talaga, parang nagpo-focus ako sa sarili ko, siyempre na nandito ako sa industriya, a very competitive na business,” aniya.


“So ayun po, nagpo-focus ako sa work, sa career ko, and for sure, si Jill, sa nakikita ko, 'yun din 'yung priority niya. Work, family, ganyan. So parang ako, hindi ko iniisip muna 'yun,” dagdag ng aktor.


Magkasama sina Jillian at Jeff sa sikat na GMA Afternoon Prime series na "Abot-Kamay na Pangarap."


Inihayag ni Jillian noong nakaraang taon na sila ni Jeff ay "sobrang close."


Noong Pebrero, sinorpresa naman ni Jeff si Jillian ng regalo para sa Valentine's Day.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 8, 2024



ree


Nagkaroon muli ng bonding ang mga members ng legendary ex-K-Pop group na 2NE1 na sina Sandara Park at Minzy.


Sa Instagram, ibinahagi ng K-pop star na si Dara ang isang video clip ng pagsayaw nila ni Minzy sa kantang “Clumsy” ni Fergie, sa Greenbelt, Makati.


“Clumsy sisters in Manila,” saad ni Dara sa caption.


Sa ngayon, wala pa silang inaanunsiyo na dahilan ng kanilang pagbisita sa Manila.


Gayunpaman, iniisip ng mga fan na sila ay nagre-recording para sa isang bagong vlog o palabas.


Marami ring fans ang nakakita kina Dara at Minzy sa Laguna, pati na rin sa Rockwell, Makati.


Hindi ito ang unang pagkakataon na nakita ang dalawang K-Pop idol na magkasama. Noong Hulyo ng nakaraang taon, nagsama silang muli para sa isang dance challenge sa TikTok. Sinayaw nila ang "Festival," na isa sa mga kanta mula sa debut solo EP ni Sandara.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page