top of page
Search

ni Jenny Rose Albason (OJT) @Special Article | April 2, 2023



Sa gitna ng mainit na marital controversy sa pagitan ng mag-asawang John Estrada at Priscilla Meirelles, naglabas sa social media ang vlogger-influencer na itinuturong third party sa celebrity couple na si Chiyo dela Vega ng inspirational messages.


Itinatanggi ni Chiyo ang mga paratang na ibinabato ngayon sa kanya, pero sa caption ng kanyang isang deleted post ay nabanggit niya na isang beses lang daw siyang "nakatikim."


Naglabas ng maraming reaksiyon ang mga netizens tungkol dito. Ang iba ay inaakusahan si John, habang ang iba naman ay hindi na nagulat dahil sa mga past records ng aktor.


Well, sa gitna ng mga akusasyon kay Chiyo ay tila nagpo-promote pa ito ng positivity sa kanyang Instagram Stories.


Sey nito, “Be a good person in real life. None of these social media sh*t matters.”


Share pa niya, “No matter how educated, talented, rich or cool you believe you are, how you treat people ultimately tells all. Integrity is everything.”


Gayunman, tila hindi ito pinakinggan ng mga netizens, bagkus, ito pa mismo ang naging ningas sa lumalagablab na isyu ngayon.


Sa ngayon nga ay durog na durog ang social media influencer sa mga ibinabato sa kanya ng madlang pipol.


Saad ng ibang netizens… "Ikaw ang walang integrity, class and delicadeza! The nerve."


"The design is very cheap."


"It shows how hypocrite she is by posting quotes such as that."


Dagdag pa ng isa, "You have no business posting quotes about integrity when yours is non-existent. Ipako sa krus 'yung nangaliwa, but John Estrada is a celeb and everyone knows he is married. So she is as culpable as the cheater."


Idinadamay na rin ng mga netizens ang animo'y "retokadang" mukha ni Chiyo.


Komento nila, "Check n'yo before and after pic n'yan ni ateng, hindi n'yo makikilala, promise, hahaha! Napakalayo, grabe!" at "Halos mabura na mula sa filter ah, lol!"


Sey pa ng isa, "Puro mula sa face app ang filter sa fez."


Samantala, wala pa ring imik si John Estrada sa isyung pinagdaraanan nila ngayon ng asawang si Priscilla.


Matatandaan na kumalat din ang chat conversation nina Priscilla at Chiyo sa social media, kung saan ay nabangggit din ng beauty queen na pupunta siya sa Cebu sa April 6 kasama ang kanyang buong pamilya at mister para ma-meet ang influencer.


Save the date, 'ika nga ng mga netizens.


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 2, 2023



May chemistry pala sina Kylie Padilla at Gerald Anderson kahit first time lang nilang nagkasama sa First Summer Metro Manila Film Festival entry ng Mavx Productions na Unravel.


Inamin naman ni Kylie na kinikilig siya kay Gerald na matagal na pala niyang idol, maging ang dating ka-love team nitong si Kim Chiu. Pinapanood pa nga raw ni Kylie ang mga movies noon ng KimErald.


Kaya nu'ng ma-interview namin sila after ng screening ng Unravel na ang kuwento ay tungkol sa mental health issues, tinanong namin si Kylie kung may chance bang ma-fall siya kay Gerald kung single ito.


Natawa lang ang aktres kaya sinalo ni Gerald ang tanong at pabirong sumagot na kami raw ang may chance sa kanya.


Oh, ha? Ang safe ru'n ni Gerald, devah?


Basta watch n'yo na lang ang Unravel sa April 8 para maka-relate kayo sa sinasabi naming malakas ang chemistry nila sa movie na idinirek ni RC delos Reyes at isinulat ni Senedy Que.


Vlogger-businesswoman na si Anna Magkawas,

TV host na rin




Tv host na rin ngayon ang vlogger-social media influencer at businesswoman na si Ms. Anna Magkawas na CEO ng Luxe Beauty and Wellness group.


First time naming na-meet si Ms. Anna last Friday nang ipakilala siya ng Makers Mind Media Production team ni Mr. Gerry "Mr. Freeze" Santos bilang segment host ng Negosyo Goals na napapanood sa AllTV tuwing Linggo, 11:30 AM.


Maraming nagsabing look-alike ni Maja Salvador si Anna at ang aktres din pala ang idol ng businesswoman-turned TV host.


Hindi makapaniwala si Anna na napili siya ni Ms. Ivy Ataya (CEO ng Makers Mind Media Production) na maging segment host ng Negosyo Goals dahil dati ay sa TikTok lang daw siya nagsasalita at sa kanyang YouTube vlog, pero ngayon, mapapanood na rin siya sa show hosted by Mr. Gerry Santos.


Bilang parehong negosyante, na-feel daw ni Sir Gerry na swak sila ni Ms. Anna, bukod sa nakita raw niya ang pagiging totoong tao nito at napakanatural. Na-inspire rin daw siya sa success story ni Anna kaya naisip niyang isama sa Negosyo Goals na ang layunin nga ay makapagbigay-inspirasyon sa marami na magtayo ng negosyong magpapaunlad sa kanilang buhay.


Tinanong namin si Ms. Anna kung willing ba siya sakaling may mag-offer na i-feature ang life story niya sa TV, pero aniya, hindi pa siya handa sa ngayon dahil feeling niya, 'di pa niya naaabot ang peak ng tagumpay, although unti-unti na rin niyang naaabot ang kanyang mga pangarap.


Ang mga negosyanteng sina Small Laude at Alice Eduardo naman ang dream niyang mai-guest sana sa kanyang segment na Ka-Negosyo with Anna dahil alam niyang maraming mai-impart ang dalawa tungkol sa kanilang success story.


So, tutukan lang every Sunday, 11:30 AM ang Negosyo Goals sa AllTV nang makakuha ng mga tips kung paano nga ba magiging matagumpay na negosyante.


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 2, 2023



Nagulat kami at medyo napaisip sa kuwento ng ilang kasamahang entertainment press sa inasal daw ng mister ni Toni Gonzaga na si Direk Paul Soriano sa nakaraang presscon ng Pinay Hollywood actress na si Vanessa Hudgens na ginanap last Friday, March 31 sa BGC.


Ang nakarating sa aming info, nagsalita nga raw ang mister ni Toni na "I don't need the press."


Kaya namin nasabing nagulat kami at napaisip ay dahil bagama't medyo mysterious at reserved ang tingin namin kay Direk Paul sa ilang beses na namin itong na-interview, na ang huli nga ay sa presscon ng MMFF 2022 entry nina Toni at Joey de Leon na My Teacher, hindi namin ma-imagine na kayang sabihin ni Direk Paul 'yung "I don’t need the press."


Ang pagkakakilala kasi namin sa kanya ay well-respected, educated at professional, lalo't taong-gobyerno na rin siya ngayon bilang Presidential Adviser on Creative Communications ni P-BBM.


Pero bago pa siya na-appoint sa posisyon, ang showbiz na ang mundong ginagalawan ni Direk Paul, bukod sa aktres-TV host-model-producer din ang misis niyang si Toni at maging ang hipag na si Alex Gonzaga.


Ilang proyekto na ang ginawa ni Direk Paul mapa-TV o movies na humaharap siya sa press people para humingi ng tulong na mai-promote ang kanyang mga ginawa.


At nu'ng maging Presidential Adviser siya, humarap din siya sa press people para maipakilala ang sarili at ang bagong posisyong hawak niya.


Todo-pasalamat din sina Direk Paul at Toni nu'ng presscon ng My Teacher at panay ang pakiusap na tulungan sila ng press na maipalaganap sa lahat ang kanilang entry sa MMFF 2022.


So, saan kaya nanggagaling ang hugot na ito ni Direk Paul Soriano kung totoo mang binitawan niya ang mabigat na pahayag na ito sa nakaraang presscon ni Vanessa Hudgens?


Sa ngayon ay wala pa kaming naririnig na paglilinaw kay Direk Paul, pero nakakalungkot na may mga naririnig na kaming feedback na gusto siya-silang iboykot ng press people kung saka-sakali man daw na muling magpatawag ng presscon ang direktor-producer o maging ang misis niyang si Toni Gonzaga.


Negang-nega ang imahe ngayon ni Direk Paul Soriano at kung hindi niya malilinis ang kanyang pangalan, baka lumiit ang mundong kanyang ginagalawan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page