top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 28, 2021



ree

Hinimok ni Senator Risa Hontiveros ang Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na maglabas ng guidelines hinggil sa ‘automatic travel ban’ na ipinatutupad ng bansa sa mga biyaherong galing India dahil sa lumalaganap na kaso ng COVID-19.


Aniya, “Kesa mangolekta tayo ng COVID-19 variants, dapat matagal nang naglatag ng protocols at guidelines ang IATF sa pag-impose ng mga automatic travel ban base sa mga findings ng ibang bansa na available naman sa publiko.”


Dagdag pa niya, “Laging napakabagal kundi last minute ang desisyon. Kaya lahat na ng COVID variants sa mundo ay kumakalat na rito sa Pilipinas. 'Wag naman tayong maging welcoming committee ng bagong variants.”


Kaugnay ito sa pagbabawal ng ‘Pinas na makapasok sa bansa ang mga biyaherong galing India, buhat nang maitala sa nasabing bansa ang 350,000 na nagpositibo sa COVID-19 sa loob lamang ng isang araw, kung saan maging ang Indian variant ay laganap na rin sa halos 17 na bansa.


“Walang kalaban-kalaban ang mga bata sa double-mutation na ito, ni hindi sila puwedeng mabakunahan. May mga taong nakahiga na sa daan sa labas ng ospital. Are these not concerning to the Health Secretary? Hihintayin pa ba natin matulad sa India?” dagdag ni Hontiveros.


Sabi pa niya, “We should have learned from the very first COVID-19 cases of 2020, who were all travelers from China, that travel bans make all the difference. As long as COVID-19 is around, we have to remain vigilant and act fast.”


Samantala, maging ang mga Pinoy galing India ay pinagbabawalan na ring makapasok sa bansa, ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire.


Paliwanag pa ni Vergeire, “Napagdesisyunan that even our fellow Filipinos, hindi muna natin papapasukin for this temporary period. This is just so that we can be able to ensure na ma-guard natin ‘yung borders natin.”


Sa ngayon ay lumagpas na sa isang milyon ang kaso ng COVID-19 sa bansa, kung saan 71,675 ang active cases mula sa 7,204 na nagpositibo kahapon.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 14, 2021



ree

Suportado ni Senator Risa Hontiveros ang pagpapatawag ng Department of Foreign Affairs (DFA) kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian upang iutos na alisin nito ang mga illegal Chinese vessels na namamalagi sa Julian Felipe Reef na sakop ng West Philippine Sea.


Ayon sa pahayag ni Sen. Hontiveros ngayong Miyerkules, "I laud the Department of Foreign Affairs for summoning Chinese Ambassador Huang Xilian and taking him to task with regard to the escalating tensions in the West Philippine Sea."


Dagdag pa niya, "I thank the DFA for stressing our 2016 Hague victory and for making it clear, directly to the Ambassador that China’s sweeping territorial claims are without legal basis."


Batay naman sa opinyon ng ilang eksperto, ang pagdagsa ng mga Chinese vessel sa West Philippine Sea ay paraan ng China upang ipitin si Pangulong Rodrigo Duterte para huwag na nitong ituloy ang relasyon ng 'Pinas sa Amerika.


Samantala, nilinaw naman ng Palasyo na walang isusukong teritoryo ang Pilipinas.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 24, 2021



ree

Nanawagan si Senator Risa Hontiveros sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Employees Compensation Commission (ECC) upang gawing ‘occupational disease’ ang COVID-19 para mabigyan ng insurance at iba pang benepisyo ang mga empleyadong pumapasok sa trabaho, batay sa pahayag niya ngayong Miyerkules, Marso 24.


Aniya, “Workplaces and mass transportation are the new hotspots of virus transmission. Dapat nang aksiyunan ng gobyerno ang panawagan na gawing occupational disease ang COVID-19 to ensure that the workers who will contract the disease while at work or in transit will be compensated under the national policy for employment injury benefits.”


Dagdag pa niya, “Pinabalik ang manggagawa sa trabaho pero kulang na kulang ang pag-aalagang ibinibigay ng gobyerno. Huwag natin silang tratuhing parang imortal.


Hindi curfew o checkpoints ang kailangan kundi garantisadong proteksiyon sakaling mahagip o tamaan sila ng virus.” Iginiit din niya na posibleng nakukuha ng mga empleyado ang virus sa tuwing bumibiyahe sila sakay ng pampublikong transportasyon kaya dapat lamang ikonsidera ang ginagawa nilang sakripisyo upang mabigyan ng karagdagang benepisyo.


“Hindi pa huli ang lahat para ituwid ang pagkakamali. Huwag lang puro lip service ang excellent performance. Kung magpapatuloy ito, itinutulak lang ang mga manggagawa sa bingit ng walang-katapusang pangamba, sakripisyo at pagkagutom,” sabi pa niya.


Matatandaang inihain ni Sen. Hontiveros ang Senate Bill 1441 o Balik Trabahong Ligtas Act nu’ng nakaraang taon na layuning masaklaw ng PhilHealth ang mga benepisyo ng bawat empleyadong pumapasok sa trabaho sa gitna ng pandemya, kabilang ang mga contractual, contract of service, probationary at job order.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page