top of page
Search

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | October 26, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Aurea na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,


Napanaginipan kong nag-away kami ng mister ko. Nagalit ako sa kanya, tapos pinagpupukol ko siya ng mga pinggan kaya nabasag ang mga ito. Tapos hindi naman galit sa akin ‘yung mister ko sa panaginip.


Sa totoong buhay, nag-aaway kami pero paminsan-minsan lang at hindi ko naman inihahagis ang mga kasangkapan namin. Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,

Aurea


Sa iyo, Aurea,


Sa buhay may-asawa, normal na nag-aaway, kaya masasabing hindi normal kapag walang away. Kumbaga, dumarating sa buhay nila na sila ay hindi nagkakaunawaan.


Minsan, ang pag-aaway ay grabe tulad ng nangyari sa iyo sa panaginip na pinaghahagis mo ang mga plato at nabasag ang mga ito. Pero ang totoo, sa buhay ng mga Pinoy, parang normal lang din ito noong hindi pa nauuso ang mga pinggang plastic.


Pero ngayon, uso na ang mga kasangkapang plastic at bihira na sa mag-asawa ang grabe kung mag-away. Bakit kaya? Minsan, ang sagot pero puwedeng hindi totoo ay mas pinipili na lang ng mag-asawa na magplastikan.


Halimbawa ay hindi galit, ‘yung kunwari ay okey lang at nauunawaan ang asawa, kumbaga, mas marami ngayon ang nabubuhay sa pagkukunwari.


Kaya lang, masama ang naging epekto ng buhay na kunwarian lang dahil dumami ang bilang ng mga nagkakasakit. Ito ay ayon sa mga sikolohista na ang madalas na sanhi ng pagkakasakit ng mga Pinoy ay nag-uugat sa kanilang pagkukunwaring sila ay okey lang.


Ang panaginip ay nagsasabing matagal na kayong hindi nag-aaway ng mister mo kaya paniwalaan mo man o hindi, miss na miss mo nang awayin ka ng mister mo.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | October 25, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Kennent Joy na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Napanaginipan ko na sumakay ako ng single na motor, tapos kung saan-saan ako pumunta. Ang ipinagtataka ko ay hindi naman ako marunong mag-drive ng motorcycle sa totoong buhay. Pero sa panaginip, ang bilis kong magpaandar sa high-way, tapos kapag nasa siyudad, mabagal lang na para akong namamasyal.

Pupunta sana ako sa lagpas sa Metro Manila, kaya lang, naubos na ‘yung fuel, tapos iniwanan ko na lang sa kalsada ‘yung motor ko, tapos nagising na ako.


Naghihintay,

Kennent Joy


Sa iyo, Kennent Joy,

Masasalamin sa panaginip na malaya nang nagagawa ng mga tao ang gusto nilang gawin o malaya nang napupuntahan ang kanilang gustong puntahan.

Isang malinaw na senyales ito na nawala na ang takot mo sa COVID-19, kaya kung sino pa ang unang aabante ang buhay, ang sagot ay lalamang ka sa isa sa mga ito.

Totoong sa panaginip, hindi naman kinakitaan ng tungkol sa trabaho o kabuhayan, pero ang pagiging malaya ng tao ang paunang palatandaan na siya ay magtatagumpay sa anumang larangan na kanyang gustong tutukan.

Kalayaan ang susi ng tagumpay. Ang kawalan ng kalayaan naman ay susi rin, pero susi ng kalungkutan at kawalan ng pagsulong ng personalidad at mismong buhay.

Malaya na ang tao dahil pumayag na ang mga awtoridad na maglakbay kahit saan, kaya ang payo, samantalahin mo ito para sa pagpapaunlad ng iyong buhay.

Sa una, dahil sabik ang mga tao, kung anu-ano ang kanilang ginagawa at kung saan-saan sila pupunta tulad ng nangyari sa panaginip mo, pero sa huli, may tututukan na silang aktibidad at para sa iyo, pagpapaganda ng kabuhayan ang iyong dapat pagkaabalahan.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | October 23, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Severe Karissa na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,


Hindi ako mapakali sa panaginip ko, kaya sana ay masagot at mapansin n’yo ako dahil mahilig akong magbasa ng mga panaginip sa BULGAR dahil ito ay gabay para sa lahat.


Noong nakaraang buwan, nabasa at napanood ko ang prediction ni Nostradamus na magkakaroon ng zombie next year na mag-uumpisa sa Russia. Hindi ko masyadong iniisip ‘yun, kaso ilang beses na akong nanaginip ngayon ng zombie, pero binabalewala ko naman.


Pero kanina, may nakita na naman akong prediction sa YouTube. Hindi tuloy ako mapakali kahit alam kong nand’yan si God at hindi Niya tayo pababayaan, pero nag- aalaala pa rin ako.


Noong isang araw, nagising ako nang alas-6:00 ng umaga, tapos natulog ako ulit at bandang alas-7:00 ng umaga, nagsimula ang panaginip kong nasa isang building ako at sa isang kuwarto, pumasok ang mga zombie. Sa takot ko, nakalabas ako ng kuwarto, tumakbo ako at may nakita akong hagdan, tapos tumalon ako.


Naghihintay,

Severe Karissa


Sa iyo, Severe Karissa,


Alam mo, iha, noong unang panahon, walang zombies sa Western world at dito rin sa atin. Kaya lang naman nauso at inilagay sa diksiyunaryo ang zombies ay dahil sa mga sumikat na pelikula tungkol dito.


At dahil patok na patok ang pelikula kapag tungkol sa zombie, dumami nang dumami ang mga palabas na ganito ang tema. Sa pagdami ng mga best-selling movies na zombie, natanim sa kamalayan ng maraming tao na ang zombie ay totoo.


Kaya ngayon, tulad mo na may zombie sa panaginip ay dahil nar’yan sa iyong malalim na kamalayan ang paniniwala sa mga palabas o pelikula tungkol sa zombies.


Sa panaginip, ang may nakitang zombies ay nagsasabing muling babalik sa buhay mo ang mga multo na iyong nakaraan tulad ng zombies na iyong kinatatakutan.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
RECOMMENDED
bottom of page