top of page
Search

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | January 11, 2021



Salaminin natin ang panaginip ni Karen na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,


Gusto kong malaman kung negative o positive ang kahulugan ng panaginip ko. Ganito kasi ‘yun, sa panaginip ko, nasa gilid kami ng kalsada, tapos may mga dumating na gumaganap ng ati-atihan sa parada. Tapos pagtapat sa amin, may mga inihagis silang candies at barya. Hindi naman ako namulot, pero may nahagip ako sa hinagis nilang perang papel at P1,000 pa nga yata ang nakuha ko, kaso nang tingnan ko, peke pala ‘yung P1,000 at may P500 bill pa sana.


Tapos nang maglakad ako, nakakita ako ng piso, kaya pinulot ko dahil nakalabas ang tao, tapos naiwan na ako ng mga kasama ko kaya sumunod na lang ako. Tapos napagsarahan na ako ng gate ng bahay, kaya umakyat na lang ako para makapasok at ang inaakyat ko ay ‘yung ginawang bahay na nagsisimula pa lang buuin kung saan naroon pa ang mga kahoy. Ano ang kahulugan ng mahabang panaginip kong ito?


Naghihintay,

Karen


Sa iyo, Karen,


Sa buhay ng tao, lalo na sa pakikipagsapalaran niya sa ibabaw ng mundo at larangan ng pag-ibig, marami siyang nararanasan na nagtuturo sa kanya ng moral lesson o mga aral sa buhay kung saan ang mga ito ay magagamit niya sa next level ng kanyang pakikipagsapalaran hanggang marating niya ang magandang buhay na kanyang pinakahinahangad.


Ayon sa panaginip mo, sa paghahanap mo ng tamang tao na mamahalin at magbibigay sa iyo ng magandang kinabukasan, makaka-encounter ka ng madaling hingan, galante at para siya na yata ang iyong kailangan.


Kumbaga, matutulad ka sa maraming Pinay na nakuha ng mga foreigner dahil ang huli ay bigay nang bigay at malalaki ang ibinibigay. Kaya lang, sa huli, ang mga Pinay na ganito ang nararanasan ay nakagugulat at hindi makapaniwala na ang foreigner na kinahulugan ng loob nila ay biglang hindi na nakikipag-ugnayan sa kanila.


Maaaring hindi ka maniwala, pero ito ay pangkaraniwan nang nangyayari kung saan ang unang dahilan ay hindi naman talaga seryoso ang dayuhan at siya ay nakatagpo na ng bagong girlfriend na magpapasaya sa kanya.


Ipinapayo ng panaginip mo na ang piliin mo ay simpleng tao. ‘Yun bang hindi mayaman o mapera, pero nagsisikap sa buhay. Ang masuwerteng balita mula sa iyong panaginip ay nagsasabing hindi ka mahihirapan na hanapin siya dahil anumang sandali ay darating siya sa iyong kapalaran. Muli, simpleng tao lang, hindi mayaman o mapera, pero nagsisikap sa buhay. Ito ang sinasabi ng iyong panaginip upang magkaroon ka ng isang maligaya, maunlad at panghabambuhay na pamilya.


Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | January 10, 2021



Salaminin natin ang panaginip ni Monique na ipinadala sa Facebook Messenger.


Dear Professor,


Ganito ang napanaginipan ko na nais kong bigyan n’yo ng interpretasyon. Matagal nang patay ang tatay ko at sa aking panaginip, nasa simbahan kami ng Baclaran at nandu’n ‘yung ataul niya at minimisahan siya dahil araw na ng libing nya. Ano ang ibig sabihin nito? Maraming salamat sa inyong magiging tugon.


Naghihintay,

Monique

Sa iyo, Monique,


Alam mo, iha, hindi lang ang mga buhay ang nahihirapan dahil sa panaginip, makikitang ang mga patay o kaluluwa ng patay ay naghihirap din. Ito ang natatagong katotohanan sa iyong panaginip.


Pero ‘di ba, sa patay, ang sinasabi natin ay “Rest In Peace” kaya inaasahan din naman na sila ay nasa payapa na, as in, sa kapayapaan. Kumbaga, dahil nasa langit na sila, masaya na silang kapiling ang Dakilang Manlilikha.


Kaya lang, iha, sa Sagradong Aklat, may nakasulat na nagsasabing, “May isang kaluluwa na nakikiusap kay Amang Abraham na siya ay makabalik sa lupa dahil ang gusto niya ay makausap ang kanyang mga mahal sa buhay.”


Kinukulit niya si Abraham dahil hindi siya mapakali at matahimik, kumbaga, hindi siya “Rest In Peace,” kaya ang iyong napanaginipan ay malamang na base sa mga nangyayari kung saan naroon ang mga namayapa ng kaluluwa na namatay na.


Pero bakit kaya ganu’n na lang ang pangungulit niya? Bakit kaya hindi siya matahimik?


Dahil ayon sa mismong nakasulat, ang gusto ng kaluluwa niya ay sabihin sa mga mahal niya sa buhay na nasa lupa na mabuhay sila sa kabaitan, kabanalan at tamang landas. Kaya lang, hindi pumayag si Abraham at kanyang sinabi, “Nasa lupa ang kautusan,” kumbaga, ang dapat na lang ay sundin ng tao ang mga batas at utos ni God.


Ito rin ang mensahe ng iyong panaginip, na ang gusto ng tatay mo ay bumuti ang buhay n’yo, lumayo sa masama at huwag magkasala. Kumbaga, kahit nasa kabilang buhay ang tatay n’yo, mahal na mahal pa rin niya kayo.


Kaya ang pahabol na mensahe ng panaginip mo ay nagsasabing magsikap kayo nang sa gayun ay gumanda ang buhay n’yo dahil ang inyong ama ay hindi matatahimik kapag may nakikita siyang isa o ilan sa mga mahal niya sa lupa na walang direksiyon ang buhay at ayaw magsikap.


Kumbaga, matutupad ang sinasabing “Rest In Peace” sa kaluluwa ng tatay mo kapag maayos na ang inyong buhay at maunlad na ang bawat miyembro ng inyong pamilya.


Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | January 9, 2021



Salaminin natin ang panaginip ni Alona na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,


Palagi akong nananginip sa aking naging dating kasintahan. Hindi kasi maganda ang naging paghihiwalay namin dahil may nalaman akong pinaggagawa niya na gumagamit siya ng itim na mahika at sigurado ako na gumagamit siya ng gayuma.


Inobserbahan ko ang mga kilos niya nang mahigit isang taon, pero palagi ko siyang napapanaginipan at paminsan-minsan ay naaamoy ko siya. Nanaginip din ako na may nakita akong mga tao sa sementeryo, ‘yung dalawang lalaki ay nakatalikod, ‘yung dalawang babae naman ay nakatingin sa akin at ‘yung isang babae ay may hawak na itim na kandila.

Sana ay malaman ko ang kahulugan ng mga panaginip kong ito para matahimik na ang aking isipan.


Naghihintay,

Alona


Sa iyo, Alona,


Ang “Itim na Mahika” o “Black Magic,” mayrooon ba nito? Parang mayroon dahil ang nakasulat sa Sagradong Aklat na naging kasaysayan ni Moises ay sa kanyang pakikipaglaban sa mga mangkukulam sa Ehipto, siya ay gumamit ng Divine Magic at ang mga mangkukulam na kalaban niya ay gumamit naman ng Black Magic.


Kaya totoo ang dalawang sangay ng mahika dahil hindi naman puwedeng sabihin na ang nakasulat sa Bible ay mga kasinungalingan.


Pero tayong mga Pinoy, madalas na ligaw na ligaw ang ating paniniwala. Inaakala natin na black magic ang ginagawa ng iba dahil ang mga ito ay kakaiba. Akala din natin, dalawa lang ang klase ng mahika, pero ang totoo, hindi lang dalawa ang uri ng mahika dahil may iba pang mahika.


At ang isa pang klase ng mahika ay ang “Natural Magic”, na tinatawag ding Mahika ng Kalikasan.


Ano ba ang pagkakaiba ng tatlong nasabing mga mahika? Ganito ‘yan:


Ang Divine Magic ay ginagawa ng mga taong banal na may malakas na espirituwalidad. Ang Black Magic naman ay ginagawa ng mga taong sumasamba kay Satanas na sobrang sama ng espirituwalidad.


Ang Natural Magic ay ginagawa naman ng mga Pantas, sila ang mga tao na alam ang sikreto ng kalikasan, kaya sila ay masasabing mataas ang antas ng karunungan.


Samantala, mabalik tayo sa panaginip mo kung saan inobserbahan mo pala ang dating kasintahan mo, pero nakita mo ba siyang sumasamba kay Satanas?


Gumagamit ba siya ng Krus na Baliktad? Minumura ba niya si God? May altar ba siya na ang mga nakalagay ay imahe na may mga sungay? Sobrang hilig ba niya sa sex at may kakaibang ginagawa ba siya na may kinalaman sa kanyang sex life o sobra ba siyang makamundo?


Kung hindi naman, huwag kang magagalit dahil siya ay hindi nagpa-practice ng Black Magic. Kung ganu’n, ano ‘yung mga nakita mo na kakaiba nang siya ay obserbahan mo?


Ang nakita mo ay ang ginagawa ng mga taong nag-aakala na Black Magic ang kanilang pinaggagawa, eh sa totoo lang, akala lang niya ‘yun.


Maraming Pinoy ang ganu’n. Akala nila ay Black Magic ang kanilang kaalaman, pero ang totoo, muli, hindi naman.


Hindi ba, iha, may tinatawag na “Diyos-diyosan?” Ito ang mga Diyos na hindi tunay, kaya nga Diyos-diyosan ang tawag sa kanila. May tinatawag na Bulaang Propeta, at sila ay hindi naman tunay na propeta. May mga tunay na balita at sa panahon ngayon, marami ring fake news sa internet at social media. At tulad ng nakita mo sa dating kasintahan mo, ‘yun ay fake na Black Magic, kumbaga, parang totoong Black Magic, pero hindi pala.


Kaya nga ang panaginip mo ay nagsasabi ng isang katotohanan na ang iyong dating kasintahan ay nasa puso mo pa rin. There is a part in your heart na siya pa rin ang nakalagay at ang bahaging ito sa puso mo ay tumitibok-tibok at nagsasabing mahal mo pa rin siya.


Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
RECOMMENDED
bottom of page