top of page
Search

ni Jenny Rose Albason (OJT) | March 19, 2023




Naghain ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban kay Russian President Vladimir Putin at kanyang Children Rights Commissioner na si Maria Lvova-Belova.


Kaugnay ito ng sapilitan nilang pagpapalikas mula Ukraine patungong Russia.


Ayon kay ICC President Piotr Hofmanski, responsable ang dalawa sa war crime, kung saan pinapalikas nito ang mga kabataan.


Iginiit ni Lvova-Belova na aampunin umano ang mga bata ng mag-asawang nasa Russia.


Samantala, responsable umano si Putin sa nasabing war crimes.


Ang nasabing anunsiyo na ito ng ICC ay ilang araw mula nang ilabas ang mga balita na plano ng korte na magbukas ng dalawang war crimes cases na may kaugnayan sa pag-atake ng Russia sa Ukraine.


 
 

ni Jenny Rose Albason (OJT) | March 18, 2023




Nagpaulan ng missile ang Russia sa Donetsk Region sa Ukraine, kung saan 7 ang sugatan at 1 patay sa nasabing pag-atake.


Ayon sa Donetsk Regional Prosecutor’s Office na tumama ang ilang missiles ng Russia sa railway station, sa mga kabahayan.


Ang nasawing biktima ay isang 50-anyos na babae na nakatira sa Pivdenne.


Nagdulot din sa pagkakasira ng hindi bababa sa 30 gusali ang ginawang pagpapaulan ng missile ng Russia.


 
 

ni Zel Fernandez | May 5, 2022



Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na sakaling madamay umano ang Pilipinas sa alitang namamagitan sa Ukraine at Russia ay hindi aniya kailangang tapang ang pairalin kundi maayos na pakikipagnegosasyon.


Ayon kay Pangulong Duterte, sa kasalukuyang tensiyon sa pagitan ng Russia at Ukraine, hindi umano ngayon ang panahon para magtapang-tapangan at sa halip ay dapat aniyang pairalin ang maayos na pakikipag-usap para sa kalinawan at kaligtasan.


Ani Duterte, kung daraanin umano sa tapang ang paghawak sa sitwasyon ay tiyak na bomba raw ang sasalubong sa bansa na wala sa atin. Aniya, ang mga armas na tanging mayroon ang Pilipinas ay nakalaan lamang para sa insurgency problem ng bansa.


Samantalang ang mga armas umanong gagamitin sa panlabas na kaguluhan ay hindi kakayanin dahil wala umanong kakayahan ang Pilipinas na makipagsabayan sa malalakas na bansa.


Anang Punong Ehekutibo, sa diplomasya at negosasyon pa rin aniya dapat idaan ang lahat sakali mang may umusbong na tensiyon sangkot ang Republika ng Pilipinas.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page