top of page
Search

ni Jenny Rose Albason (OJT) | March 23, 2023




Walong Leopard at 2 tanks ang dumating sa Ukraine.


Ayon sa Norweigan Armed Forces na patuloy pa rin ang ginagawang pagsasanay sa mga sundalo na mag-o-operate sa nasabing tanke.


Gawa umano sa Germany ang nasabing tangkeng pandigma, sumunod lamang sila sa hakbang ng ilang mga bansa na magbigay ng mga tangkeng pandigma sa Ukraine upang tuluyang maitaboy ang Russia.


Kung matatandaan ay noong Pebrero inanunsiyo ng Norway na bumili sila ng 54 German Leopard 2 tanks bilang bahagi ng pagpapalakas ng kanilang defense capabilities.


 
 

ni Jenny Rose Albason (OJT) | March 21, 2023




Bumisita si Chinese President Xi Jinping sa Russia para pag-usapan ang mga posibleng hakbang para sa kapayapaan ng Ukraine.


Base kay Chinese President Jinping na ang kanyang panukala kung paano reresolbahin ang krisis sa Ukraine ay sumasalamin sa pananaw ng sanlibutan at naglalayong ma-neutralize ang posibleng consequences.


Ayon sa tagapagsalita ni Russian President Vladimir Putin na magkakaroon din ito ng one-on-one meeting kay Chinese President Xi.


Nais rin ng Chinese President na maipresenta ang China bilang global peacemaker, at maging neutral pagdating sa kinakaharap na problema sa Ukraine.


 
 
  • BULGAR
  • Mar 20, 2023

ni Jenny Rose Albason (OJT) | March 20, 2023




Nakiisa si US President Joe Biden sa Britanya sa pagpapahayag sa naging desisyon ng International Criminal Court (ICC) sa arrest warrant para kay President Vladimir Putin dahil sa nagawang war crimes sa Ukraine.


Base kay Biden, malinaw na nakagawa ng war crimes si Putin.


Inisyu ng ICC ang warrant of arrest para sa pag-aresto sa Russian leader dahil sa umano’y pagdukot at deportasyon ng libu-libong mga batang Ukrainian national patungong Russia.


Iginiit naman ng Russia ang naturang paratang na hindi rin kinikilala ng ICC.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page