top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 5, 2021



ree


Nakumpiska ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 324 endangered giant clam shells na may bigat na 80 tons at tinatayang aabot sa halagang P160 million sa Roxas, Palawan.


Ayon sa PCG, isinagawa ang operasyon sa Barangay VI, Johnson Island noong March 3 sa tulong ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS), Marine Battalion Landing Team 3 (MBLT-3), at Bantay Dagat Roxas.


Nagpaalala rin ang ahensiya na ang pagkuha ng mga endangered giant clams o mas kilala sa tawag na "taklobo" ay ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act No. 10654 o The Philippine Fisheries Code of 1998.


Ang sinumang lumabag sa naturang batas ay maaaring humarap sa kasong administratibo at pagmultahin ng aabot sa halagang P3 million at pagkakakulong nang 8 taon, ayon sa PCG.


Bukod sa mga giant clam shells ay kinumpiska rin ng awtoridad ang nadiskubreng 124 piraso ng illegally cut mangrove trees sa naturang lugar.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 2, 2021



ree


Handang magbitiw sa puwesto si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Wilkins Villanueva kung mapapatunayan diumano na isa sa kanilang tauhan ang nagbenta ng droga sa kapulisan sa madugong buy-bust operation malapit sa isang mall sa Quezon City noong nakaraang linggo.


Hinamon din ni Villanueva na maglabas ng CCTV footage ang sinumang nagsasabing nagbenta ng droga ang PDEA agents sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP).

Aniya, “Magsasalita ka kung may makikita kang ebidensiya na nandiyan. CCTV ang patunay. Magpalabas sila ng CCTV na nagbentahan ang PDEA at pulis. Magre-resign ako right now.


“Magpalabas kayo ng ebidensiya na CCTV na nagbenta ang PDEA at kayo ang bumili. Doon, kaso na ‘yun. I will resign immediately.”


Samantala, kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa insidente.


Noong Lunes, ayon sa Philippine National Police (PNP), nai-turn over na nila ang ilang ebidensiya katulad ng cellphones, mga baril at umano'y boodle money.


Saad pa ni PNP Crime Laboratory Director Brigadier Steve Ludan, “That is all we have now and na-turn over na po ‘yung iba, and the rest we are waiting for the complete turnover of these evidence to the NBI.”


Pahayag naman ni PNP Chief Police General Debold Sinas, “As to the impact of those evidence, pabayaan na lang muna ang NBI ang magsalita.”

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 2, 2021



ree


Hindi muna pinayagang makapagpabakuna ng Sinovac COVID-19 vaccine si Presidential Spokesperson Harry Roque, Jr. sa isinagawang vaccination program sa Philippine General Hospital (PGH) dahil inuna ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) ang mga health workers.


Aniya, “Gusto ko po talagang magpabakuna, kaso hindi po pumayag ang NITAG.

Kahapon po, sa PGH, naghanda na nga po ako.


“Sabi ng NITAG, ang magpapaturok muna [dapat] ay mga medical frontliners. Hindi na ako nakipagtalo. Susunod po ako riyan para wala nang away. Kapag pupuwede na po, kami po ni Dr. Lulu Bravo, mukhang sasabay na ako sa kanila.”


Si Bravo ay 71-anyos na vaccine expert mula sa UP-PGH at UP College of Medicine.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page