top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 6, 2021



ree


Nasunog ang isang 12-wheeler dump truck sa EDSA Cubao Southbound lane, Quezon City ngayong Sabado nang umaga.


Rumesponde ang Bureau of Fire Protection at halos isang oras ding isinara ang EDSA southbound sa Cubao dahil sa insidente.


Ligtas naman ang driver at pahinante ng truck at inaalam pa ng awtoridad ang sanhi ng sunog.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 6, 2021



ree


Pumanaw na ang veteran constitutionalist na si Fr. Joaquin Bernas ngayong Sabado, ayon sa Ateneo de Manila University (ADMU) School of Law.


Kinumpirma ni Ateneo Law School Dean Jose Maria G. Hofileña sa isang memo ang pagpanaw ni Bernas.


Saad ni Hofileña, “The Ateneo Law School community mourns the passing of its Dean Emeritus, Fr. Joaquin G. Bernas, S.J. in the early morning of March 6, 2021.


“We take solace in the knowledge that this was an earthly life filled with meaning and purpose. An earthly life dedicated to service, to standards of excellence, to the greater glory of God.


“Indeed, a man, an excellent man, for others.”


Dagdag pa ni Hofileña, “He has contributed immeasurably to keeping the Ateneo Law School true to its identity and calling. The Ateneo Law School’s debt of gratitude to Fr. Bernas can never truly be fully repaid.


“May he rest in God’s unceasing care.”


Samantala, walang binanggit sa naturang memo kung ano ang sanhi ng pagkamatay ni Bernas.


Si Bernas ay miyembro ng 1986 Constitutional Commission. Siya ay nagtapos ng abogasya sa Ateneo Law School noong 1962. Noong 2004 ay ginawaran siya ng titulong Dean Emeritus ng naturang paaralan.


Nakapagtapos din si Bernas ng Master’s Degree in Philosophy sa Berchmans College, degrees in Licentiate of Sacred Theology sa Woodstock College, at Master of Laws and Doctor of Juridicial Science sa New York University.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 6, 2021



ree


Extended ang state of emergency sa apat na lugar sa Japan — ang Tokyo, Chiba, Kanagawa at Saitama prefectures hanggang sa March 21 dahil sa COVID-19 pandemic, ayon kay Economy Minister Yasutoshi Nishimura.


Sa ilalim ng state of emergency, ipinag-uutos ng pamahalaan na isara ang mga restaurant at bars pagsapit ng alas-8 nang gabi. Kailangan ding manatili sa kani-kanyang tahanan ang mga residente pagkalipas ng alas-8 PM.


Nakatakdang alisin sa state of emergency ang mga naturang lugar sa March 7 ngunit in-extend ito dahil hindi pa rin bumababa sa target na bilang ang kaso ng COVID-19.


Samantala, sa kabuuan ay nakapagtala ang Japan ng 433,000 kaso ng COVID-19 at 8,050 ang bilang ng mga pumanaw.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page