top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 4, 2021


ree


Sasagutin ng ice plant na pagmamay-ari ng pamilya ng ina ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang pagpapalibing at hospital treatment ng mga biktima ng ammonia leak incident na naganap noong Miyerkules sa Navotas.


Umakyat na sa dalawa ang bilang ng mga nasawi at marami ang nasa ospital pa dahil sa naturang insidente sa T.P. Marcelo Ice Plant and Cold Storage.


Pahayag ni Tiangco, "‘Yung hospital bill at saka burial cost ay dapat sagutin ng kumpanya because ang aksidente ay nanggaling po sa kumpanya.


“I have ordered the Navotas City government and Navotas City Hospital to make accounting of all expenses. Normally, we don’t do that. Even if a private company caused a damage, that is shouldered by the city government.


"In this case I will not allow the city government to spend a single centavo, so lahat ng nagastos ng city government d'yan, kailangang bayaran ng kumpanya out of delicadeza kasi nga kamag-anak ko 'yun."


Sisiguraduhin din umano ni Tiangco na bibigyan ng mga may-ari ng ice plant ng assistance ang mga biktima.


Saad ng alkalde, "Ako'y humihingi ng paumanhin du’n sa lahat ng naperhuwisyo. Kahit po ayan ay kumpanya ng nanay ko, kailangan po silang sumunod sa lahat ng regulasyon at sisiguraduhin po nating susunod sila."


Tinatayang aabot sa 50 residente ang isinugod sa Navotas City Hospital at nasa 20 naman ang dinala sa Tondo Medical Center na nakauwi na sa kani-kanyang tahanan. Dalawampung residente naman ang nananatiling under observation sa Philippine General Hospital.


Samantala, inaalam pa rin ng awtoridad ang sanhi ng insidente.


Saad pa ni Tiangco, “What we have to determine whether there was a leak or the tank exploded. I have to get that report from the Bureau of Fire Protection.


“If there are any national government agencies who want to investigate, I welcome you and I encourage you to be the one to investigate so it will be impartial.”


Inihain na rin ang closure order sa naturang planta.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 4, 2021


ree


Isinusulong ni former Speaker Alan Peter Cayetano ang karagdagang cash assistance sa mga pamilyang lubos na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.


Sa House Bill 8697, iminungkahi ni Cayetano at 6 pang mambabatas na gumawa ng Bangon Pamilyang Pilipino (BPP) Assistance Program na naglalayong bigyan ang bawat pamilyang magiging benepisyaryo nito ng P10,000 cash assistance o P1,500 kada-miyembro ng pamilya.


Ang mga prayoridad na maging benepisyaryo ng naturang programa ay ang mga senior citizens, persons with disabilities, solo parents, displaced workers, medical frontliners, pamilya ng mga overseas Filipino workers (OFWs), mga indibidwal na hindi nakatatanggap ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP), Philippine National ID holders, at ang mga vulnerable sectors.


Naniniwala si Cayetano na ang naturang programa ay makatutulong hindi lamang sa mga consumers, kundi pati na rin sa mga suppliers para sa ikabubuti ng ekonomiya ng bansa.


Aniya, "‘Yung P10,000 per family, parang kukuha ka sa kaliwang bulsa, babalik din sa kanan, dahil iikot din ‘yun sa ating ekonomiya.”


Samantala, ang mga kasama ni Cayetano sa pagsulong ng naturang programa ay sina Taguig Representative Lani Cayetano, Camarines Sur Representative Luis Raymund Villafuerte, Jr., Batangas Representative Raneo Abu, Laguna Representative Dan Fernandez, Bulacan Representative Jonathan Sy-Alvarado, at Anakalusugan party-list Representative Mike Defensor.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 1, 2021


ree


Nasabat ng awtoridad ang 22 bags ng marijuana na tinatayang aabot sa P2.5 milyon ang halaga sa isinagawang buy-bust operation sa Angeles City, Pampanga noong Linggo nang gabi, ayon sa Central Luzon police.


Sa pagtutulungan ng Drug Enforcement Unit ng Angeles City at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), naaresto ang dalawang suspek sa Barangay Balibago.


Kinilala ni Central Luzon Police Director Brig. Gen. Valeriano de Leon ang mga suspek na sina Benhur Buenaventura at Marion Raymundo.


Nasa kustodiya na ng PDEA ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page