top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 6, 2021


ree


Nasunog ang isang warehouse sa Barangay Talon Singko, Las Piñas City ngayong Sabado nang umaga, ayon sa Las Piñas-Bureau of Fire Protection (BFP).


Ang naturang warehouse ay ginagamit na partner drop off point ng mga parcels ng online shopping app na Lazada at umabot sa 2nd alarm ang sunog.

Under control na ang apoy pero inaalam pa ng awtoridad ang halaga ng mga nasirang kagamitan, gayundin ang sanhi ng sunog.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 6, 2021


ree


Pumanaw na noong Biyernes ang Canadian actor na si Christopher Plummer na mas kilala sa kanyang pagganap bilang si Captain von Trapp sa blockbuster 1965 musical na "The Sound of Music".


Ayon sa kanyang manager na si Lou Pitt, “Chris was an extraordinary man who deeply loved and respected his profession with great old fashion manners, self-deprecating humor and the music of words.


"He was a National Treasure who deeply relished his Canadian roots. Through his art and humanity, he touched all of our hearts and his legendary life will endure for all generations to come."


Ayon naman sa asawa ni Plummer na si Elaine Taylor, head injury ang ikinamatay nito sa kanilang bahay sa Connecticut.


Si Plummer ay binansagang “Triple Crown of Acting” matapos magwagi ng Oscar, Emmy, at Tony awards sa iba’t ibang ginampanang karakter sa larangan ng film, television at theater.


Noong 1954 ay nagsimula ang career ni Plummer sa theater kung saan lumalabas na rin siya sa ilang televised plays.


Noong 1959, na-nominate si Plummer para sa Tony Awards dahil sa kanyang pagganap bilang si Satan sa “J.B.” na adaptation ng Biblical story.


Sa kaparehong taon ay na-nominate si Plummer sa Emmy Awards sa TV play na “Little Moon of Alban.”


Noong 2011 naman, napanalunan ni Plummer ang Oscar Awards sa kanyang pagganap sa “The Beginners” kung saan siya ang itinanghal na oldest winner sa edad na 82.


Kabilang din sa mga palabas kung saan tumatak ang pangalan ni Plummer sa industriya ay ang “Waterloo,” “The Man Who Would Be King,” at “The Last Station.”

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 5, 2021


ree


Papayagan na ng Manila government ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa ilang eskuwelahang nag-aalok ng medical programs, ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.


Pahayag ni Mayor Isko, “We welcome CEU (Centro Escolar University) for that matter, EAC (Emilio Aguinaldo College), FEU (Far Eastern University), or anybody na may medical school. Malamang sa hindi, papayagan namin.”


Pinag-aaralan din ng local government unit (LGU) na payagan nang magsagawa ng face-to-face classes sa iba pang nursing schools ngunit kailangang masiguro na nasusunod ang mga health protocols at dapat ding payagang magsagawa ng regular na inspeksiyon ang LGU sa mga eskuwelahan.


Sa ngayon, maaari nang magsagawa ng face-to-face classes para sa kanilang medical at allied health programs ang University of Santo Tomas (UST).


Samantala, sasagutin naman ng city government ang regular na swab testing para sa mga medical students na a-attend na ng face-to-face classes.


Saad ni Mayor Isko, “The City of Manila, we have three machines and two laboratories. We can offer [swab test] regularly. Para magkaroon sila ng peace of mind (for their peace of mind), we can submit them to swab testing, and it can be available for free so that it would not add cost to the students.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page