top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 7, 2021


ree


Pumanaw na ang dating world heavyweight boxing champion na nagpataob kay Muhammad Ali noong 1978 na si Leon Spinks sa edad na 67 dahil sa cancer noong Biyernes nang gabi, ayon sa kanyang publicist.


Pahayag ng kanyang publicist, "At the time of his passing his wife Brenda Glur Spinks was by his side. Due to Covid restrictions, only a few close friends and other family were present.


“His final fight was fought with the same skill, grace and grit that had carried him through so many lifetime challenges.


“Leon fought his battle with numerous illnesses resiliently, never losing his trademark smile. Showing true Spinks determination, he never threw in the towel.”


Noong 1976, nagwagi si Spinks ng gold medal bilang light heavyweight sa Olympics na ginanap sa Montreal, Canada.


Noong February 15, 1978, nakaharap ni Spinks si Muhammad Ali sa Las Vegas, Nevada kung saan nasungkit nito ang heavyweight boxing championship. Nabawi naman ni Ali ang heavyweight title nang muli silang magharap 7 buwan matapos ang naturang laban na ginanap sa Superdome, New Orleans.


Taong 1995 nang magretiro si Spinks nang may 26-17-3 record at 14 knockouts.


Samantala, noong 2019, na-diagnosed na mayroong prostate cancer si Spinks at Disyembre ng kaparehong taon ay kumalat na ang cancer sa kanyang bladder.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 6, 2021


ree

Pumanaw na ang dating College of Saint Benilde Blazers cager na si Clement Leutcheu sa murang edad na 25 ngayong Sabado nang umaga, ayon sa Facebook post ng naturang team.


Pahayag ng CSB Blazers, "It is with great sorrow that we are announcing the demise of Clement Leutcheu who passed away this morning.”


Ayon sa news organ ng paaralan, cardiac arrest ang ikinamatay ng 6’7” Cameroonian cager.


Si Leutcheu ay isa sa 4 na banyagang naglaro sa NCAA simula noong Season 92 hanggang 95 bago iimplementa ang pagbabawal sa mga non-Filipinos.


Pahayag naman ni CSB Head Coach Tyler Tang sa kanyang Instagram account, “What a sad day. We will miss you my friend. May your soul rest in peace.”

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 6, 2021


ree

Arestado ang dalawang lalaki sa isinagawang entrapment operation matapos mahuli ang mga ito na gumagawa at nagbebenta ng pekeng travel documents at health certificates, ayon sa Baguio City police.


Kinilala ng awtoridad ang mga suspek na sina Ace Codli Dicca, 25, at Wilfred Lohan Pinyuhan, 22.


Pahayag ni Capt. Marnie Abellanida, information officer ng Police Regional Office Cordillera (PROCOR), “Our police acted on a report about a computer center at the Central Business District that makes and sells travel documents and health certificate. They did an entrapment and they were able to get document for a fee.”


Si Dicca ang may-ari ng computer shop at attendant naman nito si Pinyuhan.


Ayon kay Abellanida, nagpanggap na kliyente ng naturang computer shop ang ilang pulis officers at nagpagawa ng medical certificate. Nakalagay din diumano sa naturang certificate ang pangalan nina City Police Director Col. Allen Rae Co at City Health Services Office Chief Dr. Rowena Galpo.


Sa ilalim ng general community quarantine (GCQ), required ang medical certificate at travel authority sa mga border checkpoints papasok ng Baguio City dahil sa COVID-19 pandemic. Samantala, nasa kustodiya na ng awtoridad ang 2 suspek at nahaharap sa kasong falsification of public documents.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page