top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 15, 2021



ree


Matinding sandstorm ang tumama sa northern portion ng China ngayong Lunes nang umaga dahilan upang ikansela ang daan-daang flights.


Itinaas ng China Meteorological Administration ang yellow alert dahil sa sandstorm na kumalat mula sa Inner Mongolia papunta sa mga probinsiyang Gansu, Shanxi at Hebei na malalapit sa Beijing.


Ikinansela rin ang pagsasagawa ng mga sports at events sa mga paaralan dahil sa insidente.


Normal na umano sa China ang makaranas ng sandstorm tuwing springtime dahil sa ihip ng hangin mula sa western deserts at ang massive tree planting sa ilang lugar ay nakatulong upang mabawasan ang malalang sandstorms ngunit ang pagdami ng mga industriya at pagpapalawak sa lungsod ay nakaapekto rito.


Ayon sa National Meteorological Center, maaapektuhan ng sandstorm ang 12 probinsiya at rehiyon mula sa Xinjiang hanggang sa Heilongjiang.


Pahayag pa ng National Meteorological Center, “This is the most intense sandstorm weather our country has seen in 10 years, as well as it covering the broadest area.”

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 15, 2021



ree


Nagpositibo sa COVID-19 si Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong Lunes.


Ayon kay Roque, nu’ng March 10 ay sumailalim siya sa COVID-19 testing kung saan negatibo ang resulta nito.


Samantala, noong Linggo ay nagpa-test ulit siya para sa nakatakdang pag-uusap nila ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes.


Aniya sa press briefing, "Dito po lumabas na tayo ay positibo.


"Iyong nagkaroon po sa akin ng close contact, I ask you po for your indulgence, pero kinakailangan po kayong mag-quarantine.


"Bukas po iyong magiging case bulletin ng DOH, kasama na rin po ang inyong abang lingkod because as of 11:29 this morning, nakuha ko po ang resulta na positibo po ako para sa COVID."

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 14, 2021



ree

Nagpositibo sa COVID-19 si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Wilkins Villanueva, ayon sa kanyang Facebook account.


Kalakip ng larawan na resulta ng kanyang RT-PCR test, aniya, “As I was preparing for the Senate Inquiry on Monday, I took my RT-PCR at the Chinese General Hospital yesterday as part of the requirement. This morning I received the result. I TESTED POSITIVE.”


Humingi naman ng paumanhin si Villanueva sa mga nakasalamuha niya at aniya, “I'm sorry to all the people that I had close contact for the past days. Please take necessary precaution.”


Dagdag pa ni Villanueva, “I will be back, isolated lang po ako. Please pray for those who were also tested positive. Sana malampasan naming lahat ito. GOD BLESS US ALL!”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page