top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 13, 2021



ree


Nabahala ang mga mayor ng National Capital Region (NCR) at nais nilang umapela sa pamahalaan kaugnay ng muling pagbubukas ng mga traditional cinemas sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ), ayon kay Metro Manila Council Chairman and Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.


Aniya, "Magkakaroon kami ng reservation. Baka mag-appeal kami sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa pagbubukas ng mga sinehan.


"In fact, kausap ko mismo si [Metropolitan Manila Development Authority] Chairman [Benhur] Abalos at ipaparating sa IATF ang aming reservation o manifestation regarding dito sa objection sa pagbubukas ng sinehan.


"Hindi po nagkaroon ng proper consultation tungkol sa specifics ng sinehan. Alam naman po natin na ang sinehan, enclosed po 'yan at mahigit isang oras ang gathering sa loob na air-conditioned."


Inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque kahapon, Biyernes, na simula sa February 15 ay maaari nang magbalik-operasyon ang mga traditional cinemas sa mga GCQ areas, ayon sa IATF.


Pinayagan na rin ang operasyon ng mga driving schools; video at interactive game arcades; libraries, archives, museums at cultural centers; meetings, incentives conferences at exhibitions; limited social events; accredited establishments ng Department of Tourism; at tourist attractions katulad ng mga parke, theme parks, natural sites at historical landmarks.


Nilinaw naman ni Olivarez na sang-ayon ang mga mayor sa desisyon ng IATF na itaas sa 50% ang venue capacity ng mga religious gatherings.


Aniya, "Sang-ayon lahat ng Metro Manila mayors na payagan ang 50% capacity sa mga religious gatherings, provided na 'yung minimum health protocols ipatutupad din po iyan.


"Nakikita naman po natin na open air naman ang ating mga simbahan so 'yun pong contamination, mako-control po 'yun."


Samantala, bukod sa pagbubukas ng mga traditional cinemas, tutol din umano ang mga mayor sa pag-apruba ng IATF sa mga video and interactive game arcades.


Pahayag ni Olivarez, "Isa po naming apprehension, kasi halos dikit-dikit 'yan at saka enclosure. Hindi pa pinapayagan ang mga bata para po lumabas.”


Aniya pa, "Kapag may mga enclosure, d'yan kami may apprehension, 'yung mga fully air-conditioned talaga, based sa consultation sa mga experts.


“'Yung mga open themed parks, halos wala kaming apprehension. Doon lamang sa mga may enclosure.”

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 13, 2021



ree


Patay ang dalawang bata matapos kumain ng nakalalasong alimango na tinatawag na ‘kuret’ sa Sta. Ana, Cagayan.


Kinain ng magkapatid ang naturang alimango bilang almusal noong Miyerkules kasama ng kanilang ama.


Sa isinagawang imbestigasyon ng Santa Ana Police, napag-alamang ang ama ng mga bata ang nakahuli sa mga alimango sa dagat.


Bandang ala-una nang hapon ay nawalan ng malay ang dalawang bata, 5-anyos at 2-anyos, at kaagad na isinugod ng kanilang ina sa ospital. Alas-11 nang gabi ng araw ding iyon ay binawian ng buhay ang 5-anyos at kinabukasan ay pumanaw naman ang kapatid nito.


Nakaranas din ng panginginig ng katawan ang ama ng mga bata kaya isinugod din ito sa ospital.


Pahayag naman ni Police Maj. Ronald Balod na hepe ng Santa Ana Police, “Ayon sa attending physician, ang immediate cause of death ng dalawang bata ay respiratory failure, ang antecedent cause ay severe hypersensitivity at ang underlying cause ay food poisoning.”


Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kaugnay ng insidente.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 12, 2021



ree


Nag-post si Kris Aquino sa kanyang social media accounts ng series of photos kung saan makikitang may mga doktor na nag-eeksamin sa kanya para sa kanyang blood test.


May isa pang ibinahaging larawan si Kris kung saan makikitang may dugo ang kanyang paa.


Kuwento niya, naaksidente siya habang naliligo sa bathtub.


Laman ng post ni Kris, “I think this was Sunday, I soaked in the tub, put my diluted essential oils, and pasensiya na kung weird- nag-obey, naglagay ng malaking uncut rose quartz BECAUSE it’s supposed to help the skin heal.


“Dagdagan na natin ang masamang dulot ng too much googling, my nurse was also playing the Tibetan singing bowl para raw mawala ang lahat ng negativity so I’ll ‘heal’ faster.


“So I got out after 15 minutes, nag-shampoo, used a mild shower foaming cleanser, then got out to dry myself- oh my, my left foot was covered in blood.”


Hindi umano alam ni Kris kung tumama ba ang kanyang paa sa rose quartz dahil wala naman daw siyang naramdaman habang nasa shower.


Aniya pa, “We showed my doctor & I missed daw the vein by less than 1/2 an inch or else nasa ER na ko.”


Titigilan na rin umano ni Kris ang paggamit ng mga rose quartz at ang “Tibetan singing bowls.”


Aniya, “Moral of the story- awat na muna sa rose quartz & tigilan ko na muna ‘yung mga Tibetan singing bowls... Start na ng Year of the Ox- here’s to a healthier year for all of us.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page