top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 27, 2021



ree


Mananatili sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila at 9 pang lugar sa buong buwan ng Marso, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ngayong Sabado.


Ang Metro Manila, Apayao, Baguio City, Kalinga, Mountain Province, Batangas, Tacloban City, Iligan City, Davao City at Lanao del Sur ay isasailalim sa GCQ hanggang sa March 31.


Samantala, ang iba pang lugar sa bansa ay isasailalim naman sa modified general community quarantine (MGCQ).

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 26, 2021



ree


Tanging ang National Bureau of Investigation (NBI) lamang ang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa ng imbestigasyon sa naganap na barilan sa pagitan ng kapulisan at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong Biyernes.


Aniya, "Magandang hapon po. Isang importanteng anunsiyo galing po sa ating Presidente. Nagdesisyon po ang ating Presidente na tanging NBI lang po ang mag-iimbestiga ru’n sa putukang nangyari sa panig ng mga kapulisan at ng PDEA riyan po sa Quezon City."


Apat ang naitalang namatay — 2 pulis, isang PDEA agent at informant sa naturang insidente na naganap noong Miyerkules nang gabi sa parking lot ng isang fastfood establishment sa Commonwealth, Quezon City.


Dahil din sa utos ni P-Duterte, mapapawalang-bisa ang joint panel na binuo diumano ng Philippine National Police at PDEA, ayon kay Roque.


Saad ni Roque, “Iyong mga binuo pong joint panel para imbestigahan ‘yan na binuo po ng PNP at PDEA ay hindi na po magtutuloy sa kanilang imbestigasyon. Tanging NBI lang po, sang-ayon sa ating Presidente, ang magtutuloy ng imbestigasyon.”


Ayon sa ulat, parehong nagsasagawa diumano ng buy-bust operation ang kapulisan at PDEA nang maganap ang engkuwentro kung kaya una nang sinabi ng awtoridad na "misencounter" ang insidente.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 26, 2021



ree


Aprubado at inirerekomenda ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) na gamitin ang COVID-19 vaccine ng China na Sinovac Biotech sa mga health workers, ayon sa Department of Health (DOH).


Noong Lunes, binigyan ng FDA ng emergency use authorization ang Sinovac ngunit hindi anila ito inirerekomenda para sa mga health workers dahil sa umano'y mababang efficacy rate nito na 50.4% dahil sa exposure nila sa COVID-19.


Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang pagbibigay ng Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization sa Sinovac vaccine ay isang katibayan na safe gamitin ang naturang bakuna.


Aniya, “The DOH, the Food and Drug Administration and our panel of experts concurred that current available evidence is enough to establish that the vaccine is safe for use.


“NITAG and the TAG (technical advisory group) has deemed it sufficient to recommend the use of the vaccine for health care workers as it bears to reiterate that our goal for prioritizing health care workers for vaccination is to reduce morbidity and mortality among their group, while they maintain the most critical essential health services.”


Saad naman ni Dr. Maria Consorcia Quizon, member ng NITAG, “[Sinovac] is safe for use for health care workers. We need to protect them. Since ito ang available ngayon, kailangan nating gamitin para sa kanila.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page