top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 28, 2021



ree


Nasunog ang isang commercial-residential building sa Greenhills, San Juan ngayong Linggo nang umaga.


Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog bandang alas-9:45 AM kung saan naapektuhan ang ikalawang palapag ng Annapolis Tower sa Annapolis Street.


Itinaas ang second alarm sa insidente at gumamit ng aerial ladder ang mga bumbero at rescuers upang masagip ang mga residenteng na-trap sa six-storey building.


Bandang alas-10:50 AM nang ideklarang under control na ang apoy.


Kasalukuyan na ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang Bureau of Fire Protection upang malaman ang dahilan ng sunog.


Dumating din si Mayor Francis Zamora sa insidente at aniya sa Facebook Live, “Sa mga minamahal ko pong San Juaneño, nandito po tayo sa Annapolis Street sa Greenhills.


“Kaka-declare lang po ng ating city fire marshall na fire out na po ang sunog dito kung kaya’t sinusuyod na lang ang ibang lugar upang siguruhin na maayos ang lahat. Pero nag-declare na po na fire out.”


Pinasalamatan din ni Zamora ang lahat ng mga rumesponde lalo na ang mga bumbero at rescuers.


Aniya, “Wala po tayong casualties kung kaya ako’y nagpapasalamat sa Diyos, wala pong nasaktan sa araw na ito rito po sa sunog sa Greenhills.”

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 28, 2021



ree


Binigyan na ng emergency use authorization ng United States ang Johnson & Johnson COVID-19 vaccine.


Ayon sa Food and Drug Administration (FDA), highly effective ang single-shot vaccine sa malalang kaso ng COVID-19 kabilang na ang mga bagong variants.


Pahayag naman ni US President Joe Biden, "This is exciting news for all Americans, and an encouraging development in our efforts to bring an end to the crisis.


"But we cannot let our guard down now or assume that victory is inevitable."


Sa isinagawang clinical trials, napag-alaman na ang efficacy ng J&J vaccine laban sa malalang kaso ng COVID-19 ay aabot sa 85.9% sa United States, 81.7% sa South Africa, at 87.6% sa Brazil.


Una nang inaprubahan ng US ang Pfizer at Moderna na parehong mataas ang efficacy rate na aabot umano sa 95%.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 27, 2021



ree


Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang uniform travel protocols, ayon sa Malacañang ngayong Sabado.


Sa ilalim ng uniform travel protocols for land, air and sea ng Resolution No. 101, nakasaad na hindi na kailangang sumailalim ng mga turista sa COVID-19 testing maliban na lamang kung ire-require ng local government unit (LGU) ng lugar na kanilang pupuntahan.


Hindi na rin umano kailangang sumailalim sa quarantine ng mga turista maliban kung may sintomas ng COVID-19.


Mababasa sa Resolution No. 101 na “The IATF approves the uniform travel protocols for land, air, and sea of the Department of the Interior and Local Government.”


Saad din dito, “Testing shall not be mandatory for traveler except if the LGU of destination (province with respect to their municipalities and component cities, and highly urbanized cities [HUCs] and independent component cities [ICCs]) will require testing as a requirement prior to travel, and such shall be limited to RT-PCR.


“No traveler shall be required to undergo quarantine unless they exhibit symptoms upon arrival at the LGU of destination.”


Samantala, mahigpit pa ring ipatutupad ang physical distancing, pagsusuot ng face mask at face shield, atbp. health protocols.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page