top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 1, 2021



ree


Nahilo ang isang male auxiliary staff ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) matapos mabakunahan ng Sinovac COVID-19 vaccine kahapon. Agad din naman itong dinala sa emergency room upang maobserbahan.


Pahayag ni Dr. Ramon Mora, post-vaccination observation team leader ng VMMC, walang dapat ikabahala sa insidente.


“‘Yung isa kasi ru'n kanina, ru’n pa lang sa loob, mukhang anxious na siya, eh. Pero ‘yung takot (nakadagdag-nerbiyos)… kasi nu’ng in-screen naman ‘yun du’n, wala, eh,” paliwanag ni Dr. Mora.


Naglagay na rin ang VMMC ng makeshift tent na nagsisilbing post-vaccination observation station at naka-standby na rin ang mga ambulansiya para sa mga mababakunahang magkakaroon ng matinding reaction.


Sinimulan ang pagbabakuna sa mga empleyado ng VMMC ngayong Lunes.


Samantala, si VMMC Nursing Supervisor Gemma Dr. Colcol ang unang nabakunahan at sinundan siya ng spokesperson ng ospital na si Dr. Johann Giovanni Mea bago nagpabakuna ang iba pang empleyado at opisyal.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 1, 2021



ree


Muli nang bubuksan sa publiko ang The National Museum of the Philippines simula bukas, March 2, matapos isara dahil sa COVID-19 pandemic.


Anila sa kanilang official Facebook page, “The Naitonal Museum of the Philippines welcomes back the public as it, for the first time in almost one year, moves towards gradually reopening its central museums within the National Museum Complex in Rizal Park, Manila, namely the National Museum of Fine Arts, the National Museum of Anthropology, and the National Museum of Natural History.


Tuwing Martes hanggang Linggo ito bubuksan maliban na lamang tuwing religious holidays, simula 9 AM hanggang 12 NN at 1 PM hanggang 4 PM.


Limitado rin sa 100 katao na edad 15 hanggang 65 per session ang papapasukin sa museum building.


Kailangan ding magpa-pre-book muna online sa website ng National Museum bago magpunta.


Nagpaalala rin ang pamunuan ng National Museum na sundin ang mga health protocols katulad ng pagsusuot ng face mask at face shield at pagsunod sa physical distancing.


Samantala, mananatiling sarado ang National Planetarium.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 1, 2021



ree


Wala pang kasiguraduhan kung kailan darating sa bansa ang 3.5 million doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine mula sa COVAX facility, ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. ngayong Lunes.


Sa isinagawang press briefing at official launching ng vaccination drive ng pamahalaan sa Philippine General Hospital (PGH), sinabi ni Galvez na ang global supply shortage ng bakuna ang isa sa dahilan ng pagkaantala ng pagdating nito sa bansa.


Aniya, "Wala pa pong definite date. Nakikita natin ang reality on the grounds, acute po ang global shortage of supply."


Ngayong araw, Marso 1, dapat ang itinakdang petsa ng pagdating ng 525,600 doses ng AstraZeneca sa bansa.


Saad pa ni Galvez, "We understand the challenge COVAX is facing because they are supplying the global community. Ang pagkakasabi nila, indefinite [ang date of arrival] pero hopefully first quarter.”


Samantala, base sa tala ng Philippine Food and Drug Administration, ang efficacy rate ng AstraZeneca ay aabot sa 70% para sa unang dose at tataas pa ito diumano pagkatapos ng ikalawang dose pagkalipas ng 4 hanggang 12 weeks.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page