top of page
SPECIAL - KIM, TAMEME SA KASAL DAW NILA NI PAULO SA US-IG _chinitaprincess.jpg
Search

Dear Roma, Ako si Lai, short for Lailani. May asawa at isang anak na ako at nagtatrabaho sa kilalang firm sa Makati and fortunately, may magandang position. I can say na nasa middle class ang family namin at maalwan ang buhay kaya sa private school nag-aaral ang anak kong babae. Ang husband ko ay employee sa isang factory at sa first five years naming mag-asawa ay talagang napakasaya at maayos ang aming samahan, pero habang tumatagal ay dumadalas ang aming pagtatalo. Umaabot na minsan sa sigawan ang simpleng usapan lang namin at palagi niyang sinasabi na mag-resign na ako sa trabaho kung hindi rin lang ako magkakaroon ng time sa kanya at sa anak namin. Aaminin kong masyado akong concentrated sa trabaho ko dahil sa work load na ibinigay sa akin. Sa tingin n’yo, dapat kong sundin ang sinasabi niya na mag-resign sa trabaho at mag-focus na lang sa family namin? Maraming salamat! —Lai

Lai, Mahalaga ang pamilya natin dahil ibinigay ito ng Diyos para may makasama tayo. Importante rin ang trabaho dahil ito naman ang pinagmumulan ng kabuhayan natin para sa ating pamilya. May mga pagkakataong maayos ang career, pero magulo ang pamilya o vice-versa at kapag ang mga ito ay hindi nagkakasundo o nagtatagpo, magkakaroon talaga ng problema. Dapat sigurong humingi ka muna ng bakasyon sa iyong trabaho at paglaanan ng oras ang iyong mag-ama. Mag-out of town kayo ng family mo para makausap mo rin nang masinsinan ang iyong mister. Ipaliwanag mo sa kanya ang maaaring mangyari kung magre-resign ka sa trabaho at siguradong maiintindihan ka niya. Gayundin, kailangan mo ng time management sa work at family at makikita mo na magiging maayos din ang lahat. Good luck!

 
 

Dear Roma, Ako si Kayla, 23 at kamakailan, sumubok akong gumamit ng dating apps. May naka-chat akong lalaki and I assumed na single siya kaya itinuloy ko lang ang pakikipag-usap sa kanya hanggang sa nalaman ko ang buong pangalan niya at hinanap ko siya sa Facebook. Nagulat ako sa nalaman ko dahil may GF pala siya at buntis pa ito. Hanggang ngayon ay nakakausap ko pa si guy, pero nakukonsensiya ako kaya gusto ko nang ipaalam sa GF niya ang ginagawa nitong pakikipag-chat sa dating apps. Tama ba ang gagawin ko? Natatakot kasi ako dahil baka mag-cause pa ito ng gulo at worse, madamay pa ako. — Kayla

Kayla, Naku, besh, ngayong alam mo na ang relationship status ni guy, mabuti pa ngang komprontahin mo siya kesa naman sa iba pa malaman ni girl na nagkakausap kayo at madamay ka pa. Gayundin, sa halip na ‘yung GF niya ang kausapin mo, si guy na lang dahil baka ma-stress si girl, gayung buntis pa siya. Huwag mo na ring pahabain pa ang koneksiyon mo sa lalaking ‘yan dahil kung ang GF nga niyang buntis na, nagawa pa niyang lokohin, ikaw pa kaya ang hindi? Kaya ngayon pa lang, simulan mo nang umiwas bago pa lumala ang sitwasyon. Okie? Good luck, besh!

 
 

Dear Roma, Tawagin mo na lang akong Rina, 26 years old at may stable job na. Hindi naman ako pangit at sa tingin ko, maganda naman ako. Kaso, hanggang ngayon ay walang nanliligaw sa akin, kaya wala rin akong boyfriend. Minsan, naiisip ko tuloy, ako yata ang may problema, pero hindi naman ako mapili o naghahanap ng mayaman o anuman. Ang gusto ko lang ay mabait, responsable at mahal ako. Ano ang dapat kong gawin, kailangan ko bang maging aggressive para lang magka-boyfriend? Thank you! — Rina

Rina, Maaaring sa una, naiisip mong may mali sa iyo, pero ang bawat isa sa atin ay may kani-kanyang itinakda sa buhay o tinatawag na destiny. Hindi mo kailangang magpakita ng motibo sa isang tao para lang mapansin o mahalin ka. Marahil, hindi pa panahon para magka-boyfriend ka at kusang darating ang lalaking nakatakda para sa iyo kung ‘yun ang destined na mangyari sa buhay mo. Mas maganda sigurong kilalanin mo munang mabuti at mahalin ang iyong sarili bago ka magmahal ng iba. Higit sa lahat, maging masaya ka kahit wala ka pang boyfriend dahil nand’yan naman ang iyong pamilya. Okie?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page