top of page
Search

ni Rohn Romulo @Run Wild | February 24, 2024




Inaabangan namin ang magiging Instagram post ng premyadong aktres at face ng Beautederm na si Sylvia Sanchez tungkol sa engagement ng anak na si Ria Atayde at ng aktor na si Zanjoe Marudo na kanilang ini-announce nu’ng February 20.


Nag-post na nga si Sylvia ng kanyang reaction at labis-labis ang kaligayahan nito para sa anak at mapapangasawa.


“Happy ako sobra para sa iyo Potpot @ria [red heart emoji],” caption niya kasama ang video ni Ria na naka-black one piece swimsuit na umaahon sa isang beach.


Dagdag-mensahe pa niya kay Ria, “Deserve mo 'yan dahil napakabuti mong anak [red heart emoji].”


Sa kasunod na IG (Instagram) post naman ni Ibyang (Sylvia), ibinahagi niya ang photo na magkasama ang celebrity couple. 


Makikita rin ang photos na nag-video call sila ni Ria kasama si Zanjoe at kitang-kita na happy silang lahat sa magandang balita na engaged na ang magkasintahan. 


Damang-dama nga sa caption niya ang nag-uumapaw na kasiyahan, “My heart is overflowing with Joy [red heart emoji]. 


"Perfectly Matched [three ring emojis].”


Matatandaan na nag-comment ang sister ni Ria na si Gela Atayde matapos ang proposal ni Zanjoe ng, "No I'm gonna cry again. Ily both."


At sa Instagram Story ng nakababatang kapatid ni Ria, nagbilin si Gela sa brother-in-law-to-be na alagaang mabuti ang kanyang kapatid.


“Please take care of her, kuya @onlyzanjoemarudo [white heart emoji],” sey ni Gela.


Sa naging interview namin kay Sylvia sa 1st anniversary ng Beautederm Headquarters sa Angeles, Pampanga, isa sa mga naitanong namin ay kung handa na ba ang pamilya Atayde sa isa pang bonggang kasalan.


"Hindi ko alam kay Zanjoe, kay Zanjoe 'yan," sambit niya.


Dagdag pa ni Ibyang, "Nasa kanya ‘yun, wala sa akin. Hindi ko para pangunahan si Zanjoe, maghihintay ako, kung ano ang gusto nilang dalawa. 


"Sila 'yan, eh, bilang nanay o magiging mother-in-law, ayaw makialam, ayokong pasukin ang relasyon nila, bahala sila.


"Basta ito ang sasabihin ko sa inyong lahat, mahal ko si Maine (Mendoza) at mahal si Zanjoe, napakabait nilang dalawa."


At kapag naging lola na raw siya sa anak man ni Ria o ni Arjo, ang gusto niyang itawag sa kanya ng magiging apo ay 'Mommy La'.


Marami pang celebrity friends at netizens ang bumati sa engagement nina Ria at Zanjoe, na tuwang-tuwa rin dahil bagay na bagay daw ang dalawa.


Puring-puri rin si Sylvia ng mga netizens dahil nakikita raw nila ang pagiging mabait na mother-in-law nito.


Komento nila, "Kung ganito lahat ng mother-in-law, this world will be a better place [three red heart emojis]."


"Ms. Sylvia, Zanjoe is so lucky, you are such a good and loving mother-in-law, congratulations."


"Inantay ko talaga 'yung post mo Ma'm, you are such a loving and sweet mom to your kids."


"'Pag kagaya ni Ma'am Sylvia ang magiging biyenan mo, napakasuwerte mo na [heart eyes emoji]. Congratulations to the newly engaged couple."


"Congrats... Suwerte ng mga anak ni Madam Sylvia, ang bait n'yo po."


"Parang napakasarap maging mother-in-law ni Ms. Sylvia."


"Sana all, ganito ang mother-in-law."


Congrats again to Zanjoe and Ria!


 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | February 8, 2024



Inamin ng kilalang fashion designer na si Avel Bacudio na hiyang-hiya siya sa First Family dahil nadadamay ang mga ito sa mga alegasyon at paninira ng dati niyang matalik na kaibigan at vlogger na si Claire Contreras a.k.a. Maharlika.


Kabilang sa mga paratang na itinanggi ng kampo ni Bacudio ay ang sinasabing sinuhulan niya ng mamahaling relo si Presidential Son at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos para makakuha ng proyekto ng gobyerno.Itinanggi rin nila na si First Lady Liza Marcos ang dahilan kung bakit nakakuha ng Schengen at US visa ang kanilang pamilya. 


Pinabulaanan din nila ang sinasabing tumanggap daw ng kickback ang fashion designer na taga-Bicol mula sa Philippine Department of Public Works and Highways (DPWH).


Itinanggi rin ng kampo ni Bacudio ang mga pasabog na pahayag ni Maharlika sa kanyang YouTube channel na bumili kaagad ang fashion designer ng milyun-milyong halaga ng ari-arian matapos manalo si Pangulong Bongbong Marcos sa halalan.


“We categorically deny all of those allegations. And we will prove in the court of law that those are all false,” ayon kay Atty. Oliver Baclay, Jr., ang lead counsel ni Avel Bacudio.


Pareho palang sinuportahan nina Avel at Claire ang Uniteam ni Pangulong BBM at Vice-President Sara Duterte noong 2022 elections. 


Kaya nagtataka rin si Avel kung bakit ginawa ito sa kanya ni Maharlika na kilala na ngayon bilang kritiko ng administrasyong Marcos.


Kuwento ni Avel, "Nagkakilala kami sa campaign, dahil pareho kami ng sinusuportahan.


"Nagkaroon kami ng communication, tapos biglang nagbago, hindi ko alam.


"Nagkukuwentuhan kami about buhay-buhay. So, doon nga lumabas 'yun, noong bata pa ako, ang hirap ng buhay, nawawalan ng pambayad sa kuryente, parang ganu'n.


"So, 'yun ang inilalabas niya ngayon. But that's my story before, at siyempre, iba na ngayon.


"Pero hindi ko talaga alam kung saan siya nanggagaling," ani pa ni Avel Bacudio.


Dahil dito, nagsampa si Bacudio ng $2-M cyberlibel case noong Enero 24 laban kay Maharlika sa US Central District sa Los Angeles at nai-serve na ang summons simula noong isinampa ang kaso.


Ayon sa complainant, hindi sana siya magsasampa ng reklamo kasi ayaw niya ng gulo, ngunit marami ang naapektuhan sa mga batikos ng vlogger.


“Sabi nga niya, BFF, siyempre, nakakalungkot. So, sabi ng pamilya ko, sabi ng sister ko, ipagdasal na lang natin. 


"Kaya lang ngayon, may mga tao na hindi dapat kasama dito, nadadamay na kasi sila.


"'Yung First Family nga, nadadamay, eh, client ko lang sila. Kaya medyo nakakahiya naman sa kanila,” ayon pa kay Avel.


Naninindigan siya na ang kanyang relasyon sa mga Marcos ay limitado lamang sa mga ginagawa niyang pananamit, at doon nagtatapos ang kanilang koneksiyon.


Naitanong namin kay Avel kung ano ang nakukuha niyang suporta sa showbiz friends and clients niya.


"That's good question. Well, 'yung mga taong matagal ko nang kaibigan sa showbiz, kilala naman nila kung sino ako.


"So they're sending me prayers. Nakakatuwa kasi lahat halos sila, 95% sumusuporta sa akin, punumpuno, kasi ever since naman, kilala na nila ako at wala akong itinatago.


"May mga negative ring nagse-send sa akin, pero parang 1% lang sila ng 31 million."


Samantala, hinihintay naman nila ang magiging sagot ni Maharlika sa isinampa niyang kaso.



 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | February 4, 2024



Ikinuwento ni Ruby Ruiz kung paano niya unang nalaman na nakuha niya ang role sa Expats series bilang Essie, ang nanny at housekeeper ng family ni Margaret na ginagampanan ni Hollywood star Nicole Kidman.


Nasa taping sila noon ni Maja Salvador ng seryeng Nina, Nino sa Dolores, Quezon na mahina ang signal, pero may nakapasok na international call.


Noong una'y ayaw daw niyang sagutin dahil baka raw sa credit card at hindi naman ganu’n ka-urgent. Pero paulit-ulit daw itong tumawag, kaya si Maja na ang nagsabi na,


"Gagutin mo, Tita, nakakairita 'yang phone mo.”


Mula pala ito sa Hong Kong at sinabihan siyang i-open ang cellphone and in ten minutes ay tatawagan siya ng direktor na si Lulu Wang.


Ito nga ang nag-break ng news na nakuha niya ang role na kanyang in-audition.


“Tapos, nandoon kasi si Maja sa tabi ko, tinanong niya kung sino ang kausap ko at nag-i-English pa ako. Meron daw ba akong boyfriend?


"Sabi ko ‘Wala.’ So, si Maja ang unang nakaalam. Noong una, parang hindi niya ako pinapansin."


Doon din niya nalaman na ang magiging amo niya na si Margaret ay si Nicole nga, na ikinagulat niya.


"Kaya una kong ikinuwento kay Ms. Maja Salvador. Sabi niya, 'Ah, ganu’n, ipagpapalit mo ako, Lola Belen, kay Nicole Kidman?’”


Akala raw niya ay three months lang siya mawawala, kaya nakiusap siya kung puwede pa ring ibalik-balik ang kanyang karakter kahit multo na lang matapos siyang patayin sa serye. 


Pero na-extend ng six months at ‘yung sa Hong Kong ang shooting, naituloy sa Los Angeles, kaya na-extend ng total of 11 months of shooting.


Forever grateful din si Ms. Ruby sa indie actress na si Chanel Latorre. Noong nagkatrabaho sila noon sa pelikula, nagalingan na siya rito, kaya inire-recommend niya ito sa mga direktor.


Nag-audition din pala ito sa Expats, naka-dalawang callbacks din, pero hindi nakuha dahil mas matanda pala ang kanilang hinahanap, between 50 to 60 years old.


Kaya sinabi nito sa casting director na meron siyang kakilala at ibinigay niya ang e-mail ni Ruby, na noong una'y ‘di interesado, dahil palagi na rin siyang shortlisted lang. 


Kaya hindi niya ine-expect na makukuha siya. Gulat na gulat ang mga co-stars niya sa Nina Nino dahil tahimik lang siya sa ginawang audition.


Tungkol sa lawak ng kanyang role, nalaman lang niya ito na crucial pala ito sa story, na hindi niya inasahan, kaya kinilabutan siya habang binabasa ang script na ipinadala habang nasa 21 days quarantine siya sa Maldives bago nag-shooting sa HK.


Pinaka-highlight ng role niya at favorite niya ang Episode 5 na may title na Central, kung saan may confrontation scenes sila ni Nicole Kidman, kaya ito ang dapat abangan sa Prime Video na nagsimula nang mag-streaming.


Ano naman ang masasabi niya sa Hollywood A-lister na si Nicole?


"Napakabait niya, natural na natural at taung-tao," sabi ng aktres.


"May mga anecdotes nga ako. During the first day of our shoot, 'yung shooting chair ko, itinabi sa kanya.


"Ayokong umupo ru’n, kasi nosebleed, pero doon ako pinaupo sa tabi niya, para ma-establish daw ang rapport namin ni NK (tawag nila sa premyadong aktres) at maging at ease kami.


"She was very friendly and very warm. Sa set, ‘pag nakikita na niya ako, yayakapin na niya ako.


"Kaya minsan, inaagahan na nila ang pagpasok ko sa set para sumaya si Nicole. Kasi naaaliw siya sa akin, hindi ko alam kung bakit."


Kuwento pa niya sa emotional scene nila sa Episode 5, sinabihan siya ni Nicole ng, "You were so good!"


Sabi raw niya sa sarili, "Echosera itong si Nicole, siya nga itong sobrang galing. Parang tuod ka na lang kung hindi ka nadala. Sobrang powerful!"


"Her eyes as an actress, is really her asset. Nagsasalita kahit walang linya and you feel her energy. At marami akong natutunan sa kanya."


Galante rin daw ang Hollywood actress. 


Nagtanong din daw si Nicole tungkol sa pandesal, kaya nag-order siya ng pinakamasarap at natikman ito ng co-star.


Anyway, grabe raw ang pagtrato at respeto na natikman niya habang nagsu-shooting.


Feeling niya, akala raw nila ay sikat na sikat siya sa Pilipinas.


Say pa raw sa kanya ni Nicole, "Thank you for accepting this role. We know you're an actress in the Philippines."


Kaya gulat na gulat siya, siya raw itong nagpapasalamat for approving na gumanap bilang Essie, na once in a lifetime experience para sa kanya.


Kaya noong natapos ang shooting nila na tumagal nga ng 11 months, sinabi ni Nicole na, "I'm going to see again Ruby."


Sagot niya, “When?”


Sobrang sarap daw kasing katrabaho ni Nicole at napakasuwerte nga ni Ruby.


Ang Expats ay may 6 episodes, at may 2 episodes na sa Prime Video na nagsimulang mag-streaming noong January 26.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page