top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 15, 2023



ree

Walang preno at matapang na pinuna ng mga lider at mambabatas sa House of Representatives ang dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa umano'y paninira sa Kongreso at mga banta nito nu'ng Oktubre 14, Sabado.


Pahayag ng mga lider, dapat na itigil ni Duterte ang mga patutsada nito at pagpuntirya sa isa sa kanila na si Rep. France Castro.


Labis ang pagtutol at ikinalungkot nga ng mga ito ang mga pahayag ni Duterte laban sa institusyong mismong kumalinga at sumuporta sa kanya nu'ng mga panahong nakaupo siya sa puwesto.


“Our institution, the House of Representatives, has been unwavering in its dedication to the Filipino people,” ani ng mga House leaders.





 
 

ni Mylene Alfonso @News | September 12, 2023



ree

Kinumbinse ni dating Pangulo at ngayo'y House Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo si dating Pangulong Rodrigo Duterte na maging aktibong muli sa pulitika.


Ito ang inihayag ni Senador Christopher "Bong" Go matapos mag-post ng litrato sa Facebook ng pagpupulong nina Arroyo, Duterte, dating Senate President Vicente Sotto III at dating Executive Secretary Salvador Medialdea noong Sabado.


"Isang simpleng kamustahan at masayang pagkikita ang nangyari kasama ang mga pinunong naglingkod sa bayan sa iba’t ibang posisyon o kapasidad noong mga nakaraang administrasyon. Nagbalik-tanaw sila sa mga panahong nagkasama sila sa gobyerno," ani Go.


"Sa nasabing pagkikita, kinukumbinse rin ni Arroyo si Duterte na maging aktibo muli sa pulitika," saad pa ng senador.


Inimbitahan umano ni Arroyo si Duterte sa isang ‘informal meeting’ sa pamamagitan ng isa sa mga staff at nagkataon namang nasa Maynila ang dating Pangulo.


"Nagkataong magkasama kami ni Tatay Digong noon matapos ko siyang samahan sa kaniyang medical check up sa hospital, gaya ng dati kong ginagawa sa kanya," paliwanag pa ni Go.


"At dahil bihira lang naman na pumunta sa Maynila sa ngayon si dating Pangulong Duterte, sumabay na rin sa pagkikitang iyon, sa tulong ni dating executive secretary Salvador Medialdea, si dating Senate President Tito Sotto na gusto ring makumusta nang personal ang kanyang itinuturing na kaibigan na si Tatay Digong," ayon kay Go na dating aid ni Duterte.


"Sabi ko nga, magkaiba man ng pinanggalingan, iba’t iba man ang hinawakan nilang posisyon sa gobyerno, iisa lang ang kanilang hangarin — ang paglingkuran ang sambayanan,” pagtatapos ng senador.




 
 

ni Mylene Alfonso @News | September 8, 2023



ree

Naniniwala si dating Pangulong Rodrigo Duterte na "daydreaming" lamang ang presyo na P20 kada kilo ng bigas dahil sa batas ng supply at demand sa pandaigdigang merkado.


Sinabi pa ni Duterte na maaaring umabot pa sa P90 kada kilo ang retail price ng bigas sa gitna na rin ng pagtaas ng presyo ng mga pataba at iba pang kagamitan sa sakahan.


"In the fullness of God’s time aabot talaga ito ng mga nubenta, walang bumaba, ang inflation will always go up as the years would come. Wala ng bumaba 'yan," ani Duterte.


Dapat aniyang tanggapin ng mga Pilipino ang katotohanan na walang paraan para bumaba ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo, na masyadong mababa at hindi makatotohanan, kung ikukonsidera ang kasalukuyang sitwasyon sa merkado.


"By our standard, P20 is masyadong mababa ‘yan and rice-producing countries have also limited the volume of rice they could export as they also do not have enough land to plant rice on. It is development, from forestal to agriculture, then to commercial," sabi ni Duterte.


Dagdag pa ni Duterte, kailangan na maging handa ang gobyerno na mawalan nang hindi bababa sa P3 bilyon para makabili ng bigas ng mas mataas na presyo at maibenta sa mga tao sa mas mababang halaga para maiwasan ang posibleng “rebolusyon” na bunga ng krisis sa pagkain.


Matatandaang noong panahon ng kampanya isa sa mga campaign promise ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang P20 kada kilo ng bigas.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page