top of page
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | Marso 17, 2024


Mapapalaban ng todo si Worshipful Master pagsalang nito sa 2024 PHILRACOM 3-Year-Old Maiden Stakes race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, ngayong araw.


Rerendahan ni veteran rider MM Gonzales si Worshipful Master upang harapin ang pitong batang kabayo na kasali sa distansyang 1,400 meter race.


May nakalaan na P1.2M na garantisadong premyo na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Makakatagisan ng bilis ni Worshipful Master sina Regalberto, Da Compolsive,Wuteri Kanyon, The Dream, High Dollar, Bolt Champ, Hans City at Primavera.


Ayon sa komento ng mga karerista sa social media, posibleng magbigay ng magandang laban kay Worshipful Master sina Primavera at High Dollar.


Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P720,000, mapupunta sa pangalawa ang P240,000, ibubulsa ng tersero ang P120,000 habang tig P60,000, P36,000 at P24,000 ang fourth hanggang sixth placers ayon sa pagkakasunod. Magbubulsa rin ang breeder ng mananalong kabayo ng P60,000 habang tig-P36,000 at P24,000 ang second at third.


Samantala, walong races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Linggo kaya naman tiyak na masaya ang mga karerista sa kanilang paglilibang. 


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Batang Kankaloo (5), May Ten (4)

Race 2 - Pharoahs Treasure (7), Bombay Nights (2)

Race 3 - Worshipful Master (8), High Dollar (5), The Dream (4), Primavera (9)

Race 4 - Arrogante (4), Lucky Strike (9), California King (12), Louiseville (11)

Race 5 - Hakeem/Charm Campaign (4/4A), King Tiger (7), Tugatog (8), Orange Bell (6)

Race 6 - Sinag (1), Raxa Bago (3), Christiano (5), Golden Buzzer (7)

Race 7 - Super Earth (1), Magandang Dilag (11), Caring Melody (10), Savawani (5)

Race 8 - Matikas (6), Work From Home (1), Yabadabadur (13), Oradas Gray (2)

 

 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | Marso 8, 2024


Kikilatisin ng mga karerista ang husay ni War Chief na sasabak sa 3-Year-Old & Above Maiden race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, ngayong araw.


Gagabayan ni class A rider Kelvin Abobo si War Chief upang makipagtagisan ng bilis sa 12 tigasing kabayo sa distansiyang 1,400 meter race.


May P22,000 added prize na hahamigin ng winning horse owner, ang ibang kasali ay sina Animo La Salle, Mink Coat, Creation Of Adam, Spirit Of Might, Leviathan, Anyah Anyah, Victorious, Chiller, Footloose at magkakamping Lyn's Pride at Black Diamond.


Base sa mga karerista, posibleng magbigay ng magandang laban kay War Chief ay sina Creation Of Adam, Spirit Of Might at Wild Is The Wind.


Pakakawalan sa Race 1 ang nasabing karera na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Paniguradong markado sa mga liyamadista si War Chief na pag-aari ni Melaine Habla.


Ibubulsa naman ng breeder ng mananalong kabayo ang P4,500 habang tig-P1,000 at P500 ang second at third ayon sa pagkakasunod.


Samantala, 9 na races ang ilalarga ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Biyernes kaya mahaba-haba ang paglilibang ng mga karerista. 

Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - War Chief (6), Creation Of Adam (4), Mink Coat (3), Footloose (13)

Race 2 - Dont Stop Believin (2), Kindra (3)

Race 3 - Queensland (2), Gee's Song (4)

Race 4 - Money For Biffany (6), I Tell You (4), Mabuhay (8)

Race 5 - Jacqueline (7), Oh Rootie (4), Red Hawk (6)

Race 6 - Lord Luis (4), Sir Jason (1), Kahit Sino Ka Pa (6)

Race 7 - Magnolia Yana (8), Malibu Bell (7), Valued friendship (1), Stand In Faith (2)

Race 8 - Early Bird (6), Static (5), Lemon Bell (1)

Race 9 - California King (11), Tawi Tawi (14), Real Equity (8), Papa Ohh Mamaw (6)

 

 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | Pebrero 13, 2024


Binulaga ni Carmela's Love ang mga liyamadista noong Linggo ng hapon matapos nitong sikwatin ang panalo sa 2024 PHILRACOM "3-Year-Old & Above Maiden Race" na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Nirendahan ni jockey Pabs Cabalejo, tinutok lang nito si Carmela's Love sa nangungunang si Calendar Girl habang nasa tersero puwesto ang naliyamadong si Boss Lady.


Pagdating ng far turn ay bumigla si Boss Lady ng kapitan nito si Calendar Girl sa unahan at papasok ng home turn ay kumuha na ng bandera pero nakasunod sa kanya si Carmela's Love.


Kaya naman sa rektahan ay nagkapanabayan sa unahan sina Boss Lady at Carmela's Love at nakapanood ang mga karerista ng magandang bakbakan ng dalawang nabanggit na kabayo.


Pagsapit sa huling 75 metro ng laban ay naungusan na ng Carmela's Love ang Boss Lady at tinawid nito ang meta ng may isa't kalahating kabayong agwat.


Inilista ng Carmela's Love ang tiyempong 1:28.2 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si JA Zialcita ang P22,000 added prize.


Terserong tumawid sa meta ang Sky Dance habang pang-apat ang Calendar Girl sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Hinamig ng breeder ng nanalong kabayo ang P4,500 habang tig-P1,000 at P500 ang second at third ayon sa pagkakasunod.  


Samantala, masaya ang pangangarera ng karerista noong Linggo dahil halos lahat ng karera ay maiinit ang naging labanan sa rektahan. Walong races ang inilarga ng Metro manila Turf Club Inc. (MMTCI)


 
 
RECOMMENDED
bottom of page