top of page
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | Pebrero 6, 2024


Nagpasiklab si Bombay Nights matapos manalo sa 2024 PHILRACOM "Japan Cup Trial Race noong Linggo ng gabi sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Kahit hindi opisyal na labanan ay ipinakita pa rin ni Bombay Nights ang galing nito sa karerahan.


Ginawang trial race ang nasabing event dahil hindi natuloy ang karera noong Linggo, nagkaroon kasi ng shutdown sa kable ng United Tote sa Cebu.


Kaya walang betting ang magaganap at napagpasyahan ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) officials sa pamumuno ni Chairman Reli de Leon na ipagpaliban ang nasabing iskedyul ng karera kasama ang nasabing stakes race.


Pinakawalan ang Japan Cup bilang trial na lamang para hindi masayang ang oras ng mga racing aficionados na nagpunta sa karerahan para saksihan ang magandang bakbakan.


Ayon sa ibinigay na abiso ng PHILRACOM, patatakbuhin pa rin ang Japan Cup kung saan ay pareho pa rin ang lineup.


Pinakitaan ni Bombay Nights ang mga karerista sa husay nito sa rematehan kaya naman tinawid nito ang meta ng may kalahating kabayo ang agwat sa pumangalawang si Pharoahs Treasure.


Sinakyan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez, inirehistro ng Bombay Nights ang tiyempong 1:39.8 sa 1,600 meter race.


Orihinal na distansiya ng karera ay 1,800 meter race, binawasan na lang ito dahil trial lang naman.


Tumersero ang Senshi Spirit habang pang-apat ang Speed Fantasy.


Humingi naman ng pasensya sa mga karerista sa pamunuan ng PHILRACOM.


Samantala, tiyak na aabangan ng mga karerista ang iskedyul ng Japan Cup at posibleng mag-iba ang pili ng mga karerista pagkatapos na masilayan ang laban.


 

 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | Pebrero 4, 2024


Nakatuon ang mga liyamadista kay Senshi Spirit pagsalang nito sa pista sa magaganap na 2024 PHILRACOM "Japan Cup"na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas ngayong araw.

 

Makakaharap  ni Senshi Spirit ang anim na tigasing kabayo sa distansiyang 1,800 meter race.

 

May nakalaan na P1-M guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, ang ibang kalahok ay sina Darleb, Bombay Nights, In The Zone, Kazachan, Pharoahs Treasure, Senshi Spirit at Speed Fantasy.

 

Magtutulungan sina In The Zone at Speed Fantasy upang silatin ang pinapaborang si Senshi Spirit na sasakyan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patricio Ramos Dilema.

 

Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P600,000, mapupunta sa second placer ang P225,000 habang tig- P125,000 at P50,000 ang third at fourth ayon sa pagkakasunod.


Ayon sa komento ng mga karerista sa social media, posibleng magpakitang-gilas ang magkakamping sina In The Zone at Speed Fantasy.

 

Samantala, si Righteous Ruby ang defending champion sa nasabing event pero hindi na nito maipagtatanggol ang kanyang korona dahil nagretiro na ito sa karera ngayong taon. Walong races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Linggo kaya medyo masaya ang paglilibang ng mga karerista. 

 

Mga Pili ni Green Lantern:

 

Race 1 - Boss Lady (1), Beltuna (4)

Race 2 - Catsinthecradle (3), Namaskar (2), Humble Strike/Raxa Bago (1/1A)

Race 3 - Saoirse (2), Apollo (1), Express Lane (4)

Race 4 - Don Pedro (1), Boss Nova (2)

Race 5 - Senshi Spirit (1), Speed Fantasy/In The Zone  (3/3A)

Race 6 - Batang Cabrera (6), Diversity (2), Orange Bell (1)

Race 7 - Step Bell (4), Manila Boy (3), Boni Avenue (5)

Race 8 - Miney For Gabriel (6), California King (4), Domsat Seven (2)


 


 

 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | Pebrero 2, 2024


Patok sa karera tipsters sa programa si Added Haha pagsalang nito sa 3-Year-Old & Above Maiden race na ilalarga ngayong araw sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Rerendahan ni reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee John Alvin Guce, makakalaban ni Added Haha ang anim na tigasing kabayo na kasali sa nasabing event.


Paglalabanan ang added prize na P22,000 para sa winning horse owner, ang ibang kasali ay sina Summerlin, Tanging Ikaw, Unconditional Love, Golden Jaraywa, Moment Like This at Road Safety.


May distansiyang 1,200 meter race sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Base sa komento ng mga karerista, posibleng maging hadlang kay Added Haha sa asam nitong panalo ay ang kalahok na Road Safety at Golden Jaraywa. Kukubrahin ng breeder ng nanalong kabayo ang P4,500 habang tig-P1,000 at P500 ang second at third ayon sa pagkakasunod.


Pakakawalan ang nasabing karera sa unang race sa alas-5 ng hapon, simula rin ito ng Pick 5.


Samantala, walong races ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Biyernes kaya naman tiyak na masaya ang mga karerista sa kanilang paglilibang.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Added haha (1), Road Safety (7), Unconditional Love (4)

Race 2 - Black Star (5), American Dream (7), Artsev (3)

Race 3 - Queen Margaux (7), Maki Boi (1), Sunny Side (6)

Race 4 - Sun Dance (6), Eyeshot (5), Money For Biffany (2)

Race 5 - Work from Home (6), Magnolia Yana/Lucky Noh Noh (10/10A), Take A Chance (11)

Race 6 - Tell Bell (1), Streisand (10), Magandang Dilag (3), Runway ten (5)

Race 7 - Spoiled Brat (8), Kentucky Rain (6), Iris (5), Rhaegal (4)

Race 8 - Grand Monarch (10), La Republika (11), Noir (4), Go Gee Go (8)

 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page