top of page
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | Pebrero 9, 2024


Magtatagisan ng bilis sina Louiseville at Captain Bob pagharap nila sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, ngayong araw.


May distansiyang 1,400 meter race, makakalaban din nina Louiseville at Captain Bob ang pito pang batang kabayo na kasali sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Paglalabanan ang added prize na P22,000 para sa horse owner ng mananalong kabayo, ang ibang kasali ay sina Sunshine Jeune, Great Samaritan, Animo La Salle, Dynamic Dyna, Star Of The Future, Naughty Angel at Summerlin.


Gagabayan ni class A jockey Kelvin Abobo si Louiseville habang si Andreu Villegas ang rerenda kay Captain Bob.


Inaasahang magbibigay ng magandang laban kina Louiseville at Captain Bob ang mga kalahok na sina Summerlin at Animo La Salle. "Magandang laban panigurado, magagaling daw mga kasali kaya dapat mapanood para maabangan at makita ang kanilang husay," saad ni Emilio Ventura, veteran karerista.


Makakatanggap din ang breeder ng winning horse na P4,500 habang tig-P1,000 at P500 at second at third ayon sa pagkakasunod. Pakakawalan ang nasabing karera sa unang race simula din ng Pick 5, magsisimula ang bakbakan sa alas-5 ng hapon.


Samantala, walong races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Biyernes kaya tiyak na masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.

 

 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | Pebrero 8, 2024


Handang-handa na si Authentikation sumabak sa pista dahil nagsaad ito ng pagsali sa 2024 PHILRACOM "3-Year-Old Maiden Stakes Race" na ilalarga sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas sa Pebrero 18.

 

Kahit hindi pa nakitaan ng pruweba ay posibleng makakuha ng maraming suporta sa karerista si Authentikation na sasakyan ni reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee John Alvin Guce.

 

Bukod kay Authentikation, ang ibang nominado sa nasabing karera ay sina Astig, Caring Melody, Creation Of Adam, King Edward, Matilda, Sandstorm, Spirit Of Might, Sting at War Chief.

 

Base sa komento ng mga karerista, malaki rin ang tsansang manalo ng magka-kuwadrang Creation Of Adam at Spirit Of Might sa distansiyang 1,400 meter race.

 

May nakalaan ang P1.2M guranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.

 

Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P720,000, mapupunta ang P240,000 sa pangalawa, P120,000 sa third at tig-P60,000, P36,000 at P24,000 ang fourth hanggang sixth placers ayon sa pagkakasunod.

 

Magbubulsa rin ang breeder ng nanalong kabayo ng P60,000 habang tig-P36,000 at P24,000 ang second at third.

 

Paniguradong naghahanda na ang trainers at hinete ng mga sasaling kabayo upang masikwat ang inaasam na premyo.

 

Samantala, patuloy na nagtatanong ang mga karerista kung kailan pasisibatin ang naudlot na labanan ng mga tigasing kabayo sa Japan Cup. 

 

 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | Pebrero 7, 2024


Nakaabang ang mga karerista sa muling pag-iskedyul ng na-postpone na labanan sa 2024 PHILRACOM "Japan Cup" race na ilalarga sana noong Linggo sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Usapan sa karerahan na ngayong Pebrero din pakakawalan ang nasabing stakes race ayon sa mga usap- usapan sa social media.


Bukod sa Japan Cup, abangers din ang racing aficionados sa Commissioner's Cup III na ikakasa ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) at tiyak na sasalihan ito ng mga tigasing kabayo sa bansa.


Ilalarga ang Commissioner's Cup sa Pebrero 24, (Sabado) sa parehong lugar na nabanggit.


May nakalaan sa Commissioner's Cup na P500,000 guaranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta.


Wala pang mga nagsaad ng paglahok sa karerang may distansiyang 1,600 meter race pero umaasa ang pamunuan ng karerahan na sa susunod na Linggo ay maipa-paskil na nila ang mga tatakbong kabayo.


Ang mga puwedeng sumali sa karera ay mga kabayong apat na taon pataas na local born.


Samantala, mananatili ang orihinal na lineup sa Japan Cup pag larga nila sa pista.


Nasa listahan pa rin sa line up ang Senshi Spirit, Bombay Nights, Speed Fantasy, In The Zone, Darleb, Kazachan at Pharoahs Treasure.


Nagkaroon ng shut down sa system ng United Tote sa Cebu at hindi sila magkakaroon ng betting doon kaya kinansela ang karera noong Linggo. Humihingi naman ng paumanhin ang PHILRACOM sa mga karerista na nais maglibang. 

 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page