top of page
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | Pebrero 12, 2024

Napabilib ni Manila Boy ang mga karerista matapos sikwatin ang makapigil-hiningang panalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na nilarga noong Sabado ng hapon sa Metro Turf - Malvar sa Tanauan City, Batangas.

Kumaripas sa largahan ang Sinag para hawakan ang bandera habang kalmadong nagmasid sa segundo puwesto ang Manila Boy at hinete nitong si Mark Angelo Alvarez.

Pagdating sa kalagitnaan ng karera ay abante si Sinag ng tatlong kabayo kay Manila Boy habang nasa tersero puwesto si Queen Margaux.

Nakalapit sina Manila Boy at Queen Margaux kay Sinag sa unahan pagsapit ng far turn at papalapit ng huling kurbada ay nakihalo na rin sa tatlo si Happy Maggie.

Pagsungaw ng rektahan ay nagkapanabayan na ang apat sa unahan, nasa gitna si Manila Boy nasa bandang labas si Queen Margaux, katabi ng winning horse si Sinag habang sa balya dumaan si Happy Maggie.

Sa huling 100 metro ng karera sina Manila Boy at Happy Maggie na lang ang nagbabakbakan pero umiral ang tikas ng una kaya tinawid nito ang meta ng may isang kabayo ang agwat sa pangalawa.

Inirehistro ni Manila Boy ang tiyempong 1:29.6 sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner ang P11,000 added prize.

Terserong dumating sa finish line si Queen habang pumang-apat si Sinag sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.

Kinubra naman ng breeder ng winning horse ang P45,000 premyo habang tig-P1,000 at P500 ang second at third ayon sa pagkakasunod. 

Samantala, inaabangan pa rin ng mga karerista ang re-schedule ng Japan Cup.

ni Green Lantern @Renda at Latigo | Pebrero 11, 2024

Sasalang  sa pista si Superhawk para sabakan ang PHILRACOM Rating Based Handicapping System na gaganapin sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, ngayong araw.

Panigurado na mapapalaban si Superhawk sa limang tigasing kabayong kasali sa distansiyang 1,400 meter race. Rerendahan ni jockey ME De Ocampo, makakatagisan ng bilis ni Superhawk sina Sinag, Happy Maggie, Manila Boy, Queen Margaux at Honey Ryder.

May added prize na P15,000 na ikakalat sa unang tatlong kabayong tatawid sa meta sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.

Ayon sa komento ng mga karerista, posibleng maging karibal ni Superhawk sa asam na panalo ay sina Sinag at Happy Maggie na gagabayan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate.

Hahamig din ang winning horse owner ng karagdagang P11,000 premyo, habang P4,500 ang ibubulsa ng breeder ng mananalong kabayo at tig- P1,000 at P500 ang second at third ayon sa pagkakasunod. Pasisibatin sa unang race ang nasabing karera, simula rin ng Pick 5.

Isa pang aabangan ng mga karerista ang labanan ng pitong kabayo sa isa pang PHILRACOM Rating Based Handicappng System na ikakasa sa pangalawang karera.

Ang mga maglalaban ay sina Ruby Bell, Full Control, Ano Noventa Y Seis, Top Grosser, King Hans, Savawani at Magandang Dilag.

Samantala, may walong races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Biyernes kaya medyo mahaba ang paglilibang ng mga karerista. 

Mga Pili ni Green Lantern:

Race 1 - Superhawk (2), Happy Maggie (3), Manila Boy (4)

Race 2 - Ruby Bell (1), Magandang Dilag (7), King Hans (5)

Race 3 - Sapin Sapin (1), Isla Puting Bato (3), Noh Sen Young Yana (6)

Race 4 - Captain Det Det (5), Seychelles (4), Eyeshot (2)

Race 5 - Double Time/Gold N Silver (1/1A), Etnad (7), Spoiled Brat (4)

Race 6 - Sky Lover (1), Pendant (2), Jambo (7)

Race 7 - Mandatum (8), Spaghetting Pababa (1), Antonio Delamugis (4)

Race 8 - Hakeem (10), Great Britain (1), Kaboom (12), Matikas (7)

ni Green Lantern @Renda at Latigo | Pebrero 10, 2024

RECOMMENDED
bottom of page