top of page
Search

ni Thea Janica Teh | November 23, 2020




Umabot na sa lima ang bilang ng evacuees na nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina City matapos sumailalim sa swab test. Agad na isinailalim sa quarantine ang mga nagpositibo habang hinihintay pa ang resulta ng 100 pang evacuees.


Samantala, nakapagtala rin ng 3 evacuees na nagpositibo sa COVID-19 sa Quezon City at 600 residente pa ang sumailalim sa rapid test.


Dinala agad ang mga nagpositibo sa community care facilities upang sumailalim sa quarantine.


Naka-monitor na rin ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa iba pang evacuation centers upang maiwasan ang pagkalat ng virus.


 
 

ni Twincle Esquierdo | November 11, 2020



Patay sa pamamaril ang isang mangangalakal sa Martan St., Bgy. Commonwealth, Quezon City kaninang ala-una ng madaling araw ng hindi pa nakikilalang suspek.


Kinilala ang biktima na si William Razon na may tama ng bala sa leeg at ulo na nagresulta ng kanyang pagkamatay.


Ayon sa mga residente, hindi bababa sa 6 na putok ng baril ang kanilang narinig.


Batay naman sa pamilya nito, nakulong na dati ang biktima sa kasong murder.


Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa likod ng pamamaril.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page