top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 30, 2023




Inanunsiyo ng pamahalaang Lungsod ng Quezon ngayong Huwebes, na kasalukuyang nag-o-operate sa limitadong oras ang Route 6 at 7 ng Q City Bus service mula sa city hall patungong Gilmore at C-5 o Ortigas Extension.


May walong ruta ang Q City Bus na nagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero. Ayon sa local government unit (LGU), apektado lamang ang mga ruta 6 at 7, habang may karaniwang operasyon ang iba.


Samantalang sinabi ng pamahalaang lungsod na inilabas sa mga ruta 6 at 7 ang mga bus mula sa iba't ibang ruta upang magbigay ng serbisyo sa mga apektadong pasahero, lalo na sa rush hour.


"Internal issues" sa pagitan ng kanilang partner na bus operator at ng kanilang mga drayber at konduktor ang naging sanhi ng limitasyon sa operasyon


Binanggit ng operator ng bus na may mga patuloy na talakayan sa pagitan ng mga partido para harapin at lutasin ang isyu.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 11, 2023




Opisyal nang pinangalanan ng pamahalaan ng Quezon City bilang Sen. Miriam Defensor-Santiago Avenue ang BIR at Agham roads ngayong Sabado, bilang pagpupugay sa mga ambag ng yumaong senador sa bansa.


Dumalo sa seremonya ng pagbabago ng pangalan sina VP Sara Duterte, Mayor Joy Belmonte, Rep. Arjo Atayde, kasama ang balo ni Sen. Santiago na si Narciso Santiago, at kapatid na si Linnea Evangelista.


Nagmumula ang Sen. Miriam Defensor-Santiago Avenue sa North Avenue, na dumadaan sa Quezon Avenue, patungo sa East Avenue.


Sa seremonya, pinuri ni VP Duterte si Santiago bilang isa sa mga "most distinguished and admired" na lider ng bansa.


"This is a tribute to her incredible achievements and a reminder of her unwavering dedication and love of country," pahayag ni VP Duterte.


Unang nahalal si Santiago bilang senador noong 1995 at bumalik sa Senado noong 2004 at 2010 kung kailan nagsilbi siya bilang chair ng Foreign Relations Committee at Constitutional Amendments Committee sa panahon ng kanyang termino.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 11, 2023




Nakilahok ang Quezon City sa Global Diabetes Walk na may temang 'Walk for Change,' alinsunod sa paggunita ng World Diabetes Day (WDD), ngayong ika-11 ng Nobyembre.


Nakipagtulungan ang lokal na pamahalaan ng QC sa Novo Nordisk Philippines, Royal Danish Embassy Manila, South Star Drug, at iba pang medical organizations, na pangunahan ang Global Diabetes Walk sa Pilipinas na idinaos sa Quezon City Hall Grounds, Risen Garden.


Itinuturing na global initiative ang Global Diabetes Walk upang palawakin ang kaalaman sa diabetes at itaguyod ang malusog na pamumuhay.


Nagbibigay din ito ng pagkakataon para bumuo ng koneksyon sa komunidad at ipahayag ang suporta para sa mga apektado ng nasabing kondisyon.


Tiniyak naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na lahat ay kasama sa healthcare initiatives ng lungsod.


"Our dedicated Quezon City Health Department is the frontline for public health, taking concrete steps not only in diabetes prevention but also in detection, screening, and treatment. With 66 health centers providing free medicines for indigent citizens dealing with high blood pressure, hypertension, diabetes, and high cholesterol, we ensure that no one is left behind in their healthcare journey," pahayag ni Balmonte.


Ipinagdiriwang ang World Diabetes Day tuwing Nobyembre 14 kada taon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page