top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | September 13, 2021



Sa inisyal na anunsiyo ng Department of the Interior and Local Government, simula Setyembre 16 ay babaguhin na ang community quarantine sa Metro Manila at gagawing COVID-19 alert levels 1 to 5.


Nakadepende sa alert level kung ano ang mga industriyang papayagang magbukas at kung ilan ang kapasidad, ayon kay Interior Undersecretary Epimaco Densing.


Sa pilot implementation ng bagong patakaran ay nagkaisa raw ang mga mayor ng NCR na isang alert level lang sila.


"Whether we like it or not, paano kung magkaroon ng panibagong variant [ng COVID-19] na naman? Mahirap ang ganitong buhay," sabi naman ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos.


Nilinaw din ni Densing na mananatili ang pagpapatupad ng granular lockdowns ng bawat local government unit (LGU).


Iba rin ang alert level ng mga LGU sa alert level na idinedeklara ng Department of Health (DOH).

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 11, 2021



Provisionally approved" na ang mga panuntunan sa quarantine alert level system na ipatutupad sa Metro Manila simula Setyembre 15.


Ito ay matapos muling isailalim sa modified enhanced community quarantine ang Kamaynilaan.


Dalawang quarantine classification lang ang gagawin sa mga lugar na sakop ng Metro Manila; ang ECQ at GCQ, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.


Magkakaroon daw ng apat na alert level ang pagpapatupad ng GCQ:


Sa Alert Level 4, o pinakamataas na alert level, bawal ang mga sumusunod:


* Mass gathering

* Indoor dining

* Personal care services

* Paglabas ng mga nasa edad 18 pababa at mga 65 pataas, mga may comorbidity at buntis.


20% lang din ang magiging kapasidad ng mga opisina ng gobyerno sa level na ito.


Sa Alert Level 3, papayagan ang "three C activities" o ang mga aktibidad na gagawin sa crowded na lugar, may close contact, at nasa closed o indoor areas nang may 30% capacity.


Nasa 30% naman ang papayagang capacity sa mga government office sa level na ito.


Kung Alert Level 2 naman ay papayagan ang 50% capacity, at full capacity naman kung Alert Level 1.


Nasa 50% naman ang papayagang capacity sa government offices sa alert level na ito.


Minimum onsite capacity naman ang paiiralin sa mga pribadong negosyo. Pero papayagang pumasok ang mas maraming empleyado sa Alert Level 1.


Mayroon daw option ang IATF na magdeklara ng mas mahigpit na lockdown sakaling tuluyang lumala ang sitwasyon.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 10, 2021



Marami ang nadismaya nang biglang bawiin ang desisyon na ilagay na sa GCQ ang Metro Manila at panatilihin sa MECQ.


Kabilang na rito ang mga may trabaho at negosyo dahil sa pag-aakalang luluwag na ang community quarantine status at makapagbubukas o makapagtatrabaho na nang mas maluwag.


Dapat kasi'y ilalagay na noong Miyerkoles ang Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) with alert level system pero binawi ito at pinalawig pa ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa capital region hanggang Setyembre 15.


Dahil dito, ipinanukala ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion sa Inter-Agency Task Force na simplehan na lang ang quarantine restrictions para madaling maintindihan at maipatupad.


"If you can keep it to GCQ 1 and GCQ 2, but if you really have to, then you limit to 3 [alert] levels... huwag muna ilagay 'yong 4," ani Concepcion.


"What will determine [a] restaurant to operate at 20 percent, at 40 percent? So I think let's simplify it," dagdag niya.


Iminungkahi rin ni Concepcion na subukan na ang "bakuna bubble" sa Metro Manila kahit pa palawigin ang MECQ hanggang katapusan ng Setyembre.


Sa ilalim ng "bakuna bubble," bibigyan ng pribilehiyo ang mga bakunadong indibidwal na makapasok sa ilang establisimyento at transportasyon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page