top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 11, 2021



Ilalagay na sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang NCR Plus Bubble simula bukas, Abril 12 hanggang sa ika-30 ng Abril, ayon sa kumpirmasyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong Linggo.

Kabilang din ang Santiago City, Isabela, Quirino province at Abra sa mga lugar na ilalagay sa ilalim ng MECQ.


Matatandaang ibinalik sa enhanced community quarantine (ECQ) ang buong NCR at mga probinsiya ng Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna nu’ng ika-29 ng Marso na dapat ay nagtapos noong Abril 4, subalit na-extend nang isa pang linggo.


Ngayong araw, Abril 11, nakatakdang magtapos ang dalawang linggong ECQ sa NCR Plus at simula bukas hanggang sa katapusan ng Abril ay ipapatupad na ang bagong quarantine classifications sa ilalim ng MECQ.


Ayon din kay Roque, bukas niya sasabihin ang mga bagong guidelines sa ilalim ng bagong quarantine classifications.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 10, 2021




Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa ipinadalang text message na matutuloy sa Lunes ang ‘Talk to the People Address’ ni Pangulong Rodrigo Duterte, matapos mabahala ang ilang mamamayan sa kalusugan niya dahil sa hindi pagpapakita nitong mga nakaraang araw at mga na-postpone niyang public address.


“Monday,” iyan ang reply ni Roque bilang kumpirmasyon sa muling appearance ng Pangulo sa publiko.


Pinatotohanan naman ng video at mga larawan na in-upload ni Senator Bong Go ang aktibong pagdya-jogging ng Pangulo, taliwas sa mga espekulasyong mahina na siya dahil umano sa sakit na Barrett’s esophagus.


Ipinaliwanag din ng Palasyo na nag-iingat lamang ang Pangulo, matapos magpositibo sa COVID-19 ang mahigit 120 na miyembro ng Presidential Security Group (PSG).


Sa ngayon ay kumpirmadong nagpositibo muli sa COVID-19 si Spokesperson Harry Roque at kasalukuyang naka-admit sa Philippine General Hospital (PGH). Gayunman, tiniyak niyang siya pa rin ang mag-aanunsiyo ng bagong quarantine classification sa NCR Plus Bubble, katuwang ang Inter-Agency Task Force (IATF).


"I am now admitted in a hospital for Covid treatment. This is to say that COVID-19 is more transmissible now so we have to do extra precaution," sabi pa ni Roque.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 10, 2021




Dinala sa Philippine General Hospital (PGH) si Presidential Spokesperson Harry Roque dahil umano sa COVID-19, batay sa isang source ng ABS-CBN News ngayong araw, Abril 10.


Unang nagpositibo sa COVID-19 si Roque nitong ika-15 ng Marso at kalauna’y gumaling din. Maliban dito ay mayroon din siyang diabetes at sakit sa puso na iniinda.


Sa huling tala ng PGH ay mahigit 224 na COVID-19 patients ang naka-admit sa ospital, kung saan may 2 na probable case at isang suspected case sa naturang virus.


Sa ngayon ay hindi pa kinukumpirma ng kampo ni Roque ang kasalukuyan niyang kondisyon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page