top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 16, 2021




Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases nitong Huwebes ang bagong listahan ng Priority Group A4 na prayoridad mabakunahan kontra COVID-19.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong araw, kabilang ang mga sumusunod na empleyado sa inilatag na listahan ng IATF:


• frontline vendor sa pribado at pampublikong palengke

• frontline worker sa groceries, supermarkets at delivery services

• frontline workers sa food manufacturer, beverage, medical at pharmaceutical products

• frontline workers sa food retail, kasama ang food service delivery

• frontline workers sa private at government news media

• frontline workers sa private at government financial services

• frontline workers sa hotels at accommodation establishments

• mga pari, rabbis, imams, at iba pang religious leaders

• frontline personnel sa basic education/higher education institutions at mga ahensiya nito

• mga security guard na naka-assign sa bawat nabanggit na establisimyento

• mga nagdi-distribute ng bill ng tubig, kuryente, cable, landline at internet provider sa bawat bahay

• frontline workers sa law/justice, security at social protection sectors

• frontline government workers na nag-o-operate ng government transport system, quarantine inspection; worker safety inspection at iba pang COVID-19 response activities

• frontline government workers na in-charge sa tax collection, assessment of businesses for incentives, election, national ID at data collection personnel

• mga diplomatic community at Department of Foreign Affairs (DFA) personnel sa consular operations

• Department of Public Works and Highways (DPWH) personnel na in-charge sa pagmo-monitor ng infrastructure projects ng gobyerno

• overseas Filipino workers na naka-schedule ma-deploy in 2 months

• mga biyahero (land, air, and sea), kasama ang logistics


Matatandaang nagsimula ang vaccination rollout sa ‘Pinas noong ika-1 ng Marso sa pangunguna ng mga frontline healthcare workers at pulis na sinundan ng mga senior citizens at may comorbidities. Kabilang din sa naging prayoridad sa bakuna ang mga mayor at governor na nasa high risk areas.


Sa ngayon ay lumagpas na sa isang milyon ang mga nabakunahang indibidwal kontra COVID-19.


Sa kabuuang bilang nama’y 3,025,600 doses na ang mga nai-deliver na bakuna sa bansa, kung saan Sinovac at AstraZeneca pa lamang ang nakararating. Gayunman, patuloy pa rin ang pakikipagnegosasyon ng pamahalaan sa mga international manufacturers para sa ibang brand at mas mataas na efficacy rate ng bakuna.


Sa kabilang banda, pinagpaplanuhan na rin ng ‘Pinas na gumawa ng sariling COVID-19 vaccines.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 13, 2021


Dinepensahan ni Manila Bishop Broderick Pabillo ang publiko, partikular na ang reporter na nabansagang ‘unchristian’ ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos kuwestiyunun ang pagkaka-admit nito sa Philippine General Hospital (PGH) gayung maraming COVID-19 patients ang naghihintay ding ma-admit at nananatiling nasa waiting list ng mga ospital.


“I think that’s an unchristian question. Ang aking assurance lang sa administrasyon po ni Presidente Duterte, lahat ng merong pangangailangang medikal, eh, mabibigyan po ng tulong. At ‘yun naman po ay dahil sa ating isinulong na Universal Healthcare nu’ng 17th Congress,” matatandaang sagot ni Roque sa virtual conference kahapon, na kaagad ding umani ng batikos sa social media.


Paliwanag ni Pabillo sa naging panayam sa kanya ngayong umaga, "It was uncalled for na bansagan mo ang mga taong nagtatanong nang maayos naman at legitimate naman ang question. Hindi. Papaano naging 'unchristian' 'yun? It was an innocent question."


Dagdag niya, "Ang public figures dapat, maging transparent sila sa pagsagot sa mga tao. 'Yan ang problema. ‘Pag nagtatanong, sa halip na sagutin ang tanong, ad hominem ang kanilang sagot, titirahin ang nagtatanong. Hindi naman tama 'yun."


Tumanggi namang magkomento ang Department of Health (DOH) sa prioritization na naganap.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 11, 2021




Tatlong araw nang naka-confine sa ospital si Presidential Spokesperson Harry Roque dahil sa COVID-19 at maayos naman ang kanyang kondisyon, batay sa ibinahagi niyang Facebook post ngayong araw, Abril 11.


Aniya, “I do feel normal already on my 3rd day of confinement, enough to do my thrice a week briefings. Will check into a TTMF on Friday to complete my 14 days of isolation. Thx again for all your well wishes and prayers.”


Nakumpirma kahapon na muling nagpositibo sa COVID-19 si Roque, gayunman patuloy pa rin ang pagtatrabaho niya bilang tagapagsalita ng Pangulo.


Sabi pa niya sa kanyang post, “I am better after only one vial of remdesivir and steroids. I came in at the right time since pneumonia was caught early on. Doctors won’t discharge me though until 4 more vials of remdesivir which means I will be confined until Thursday.”


Mula sa ospital ay maayos niyang naiparating sa publiko ang bagong quarantine classifications sa NCR Plus at iba pang lugar, kung saan simula bukas hanggang sa April 30 ay isasailalim na ang mga ito sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

 
 
RECOMMENDED
bottom of page