top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 9, 2023



ree

Maaari ng binyagan, maging ninong at ninang, at maging saksi sa mga kasal ang mga transgender, ayon sa Vatican nu'ng Miyerkules, Nobyembre 8.


Nananatili namang walang malinaw na pahayag ang Dicastery of the Doctrine of the Faith kung maaaring magpabinyag sa loob ng simbahan ang anak ng mga mag-partner na may parehas na kasarian.


Nilagdaan ni Argentine Cardinal Víctor Manuel Fernández at aprubado ni Pope Francis nu'ng Oktubre 3 ang tatlong pahina ng anim na tanong at kasagutan na nanggaling kay Bishop Jose Negri ng Santo Amaro, Brazil.


Inilabas ito sa website ng departamento kamakailan gamit ang salitang 'transsexuals' na nasa salitang Italyano.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 2, 2023



ree

Dadalo sa magaganap na pagpupulong para sa klima ng COP28 na gagawin sa Dubai sa Nobyembre 30 si Pope Francis.


Ito ay matapos niyang magbigay ng babala na nauubos na ang oras upang kumilos sa pandaigdigang pag-init ng klima.


Unang beses na dadalo ang isang Santo Papa sa isang pagpupulong ng COP nang personal.


Pagpapahayag ng Santo Papa, magtatagal siya sa Dubai ng tatlong araw, simula Disyembre 1 hanggang 3.


Matatandaang isa sa mga pangunahing adhikain ng pamamahala ni Pope Francis ay ang kalagayan ng kapaligiran at ng mundo mula nang maitalaga siyang Santo Papa.


Nagkita ang Santo Papa at si Sultan Al Jaber, itinalagang pangulo ng COP28, sa Vatican nung Oktubre 11.



 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 29, 2023



ree

Ginanap ang synod ng Vatican kung saan pinag-usapan ang lagay ng Katoliko at ito ang unang beses na binigyan ni Pope Francis ang kababaihan ng karapatang bumoto hinggil sa usapin ng Simbahan nu'ng Sabado, Oktubre 28.


Inilabas ng komite ang naging huling dokumento ng pagpupulong kung saan nakatanggap ang bawat talata ng umaabot sa 2/3 na boto.


Tinalakay dito ang posibilidad na pagtanggap ng Smbahan sa mga babaeng ministro ngunit marami pa rin ang tumututol sa ideya at posibilidad nito.


Naipasok din sa usapin ang pagtanggap ng Simbahan sa LGBT at kung ano ang magiging pananaw ng Simbahan dito.


Ang pagpupulong na tumagal ng halos isang buwan ay natapos nang walang posisyon ang Simbahan sa usapin ng mga babaeng ministro at ang dati ng isyu sa LGBT.






 
 
RECOMMENDED
bottom of page