top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 4, 2024



ree

Mariin na kinondena ni Pope Francis ang anti-Judaism at anti-Semitism at itinuturing ang mga ito bilang kasalanan laban sa Diyos, dahil sa pagtaas ng mga atake laban sa mga Hudyo sa buong mundo.


"(The Church) rejects every form of anti-Judaism and anti-Semitism, unequivocally condemning manifestations of hatred towards Jews and Judaism as a sin against God," saad ng Santo Papa sa isang liham sa Jewish population ng Israel na may petsang Pebrero 2 at inilabas noong Sabado.


"Together with you, we, Catholics, are very concerned about the terrible increase in attacks against Jews around the world. We had hoped that 'never again' would be a refrain heard by the new generations," dagdag niya.


Nagbigay ng kritisismo si Francis sa Hamas para sa pagsalakay mula sa Gaza patungong timog ng Israel noong Oktubre 7. Binigyang-diin din niya ang pangangailangan ng isang two-state solution upang malutas ang alitan sa pagitan ng Israel at Palestine.


In his letter, the pope also called, once again, for the release of those hostages still being held by militants.


Sa kanyang liham, muling nanawagan ang Santo Papa para sa pagpapalaya ng mga bihag na patuloy na hawak ng mga militanteng grupo.


Sinabi rin ni Francis na siya'y nanalangin para sa kapayapaan. "My heart is close to you, to the Holy Land, to all the peoples who inhabit it, Israelis and Palestinians, and I pray that the desire for peace may prevail in all"

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 19, 2023



ree

Ipinahayag ng Vatican sa isang makasaysayang pasiya na inaprubahan ni Pope Francis ang pagbibigay ng basbas ng mga pari ng Simbahang Katoliko sa mga same-sex couple, basta't hindi ito bahagi ng karaniwang ritwal o liturhiya ng Simbahan.


Sa kaibahan mula sa pahayag noong 2021, isang Vatican doctrinal office document ang nagsasabi na ang basbas para sa mga same-sex couple ay hindi nagbibigay-katuwiran sa mga 'di normal na sitwasyon kundi naglalarawan ng malugod na pagtanggap ng Diyos.


Hindi ito dapat aniyang ikalito sa sakramento ng “heterosexual marriage”, dagdag pa nito.


Sinabi rin nito na dapat magpasya ang mga pari nang case-by-case basis at "hindi dapat hadlangan o ipagbawal ang pagiging malapit ng Simbahan sa mga tao sa bawat sitwasyon kung saan maaaring hilingin ng mga ito ang tulong ng Diyos sa pamamagitan ng simpleng basbas."


Noong Oktubre, nagpahiwatig ang Santo Papa na may opisyal na pagbabagong ginaganap bilang sagot sa mga tanong mula sa limang konserbatibong kardinal.


Inilabas ang isang walong-pahinang dokumento noong Lunes, na may pamagat na "On the Pastoral Meaning of Blessings." Pinamagatan ang isang 11-point section na “Blessings of Couples in Irregular Situations and of Couples of the Same sex.”


Ipinapahiwatig dito ang turo ng Simbahan na hindi makasalanan ang same-sex attraction, bagkus ang mga gawaing homosexual ang itinuturing na kasalanan.


Mula nang mahalal noong 2013, sinikap ni Francis na gawing mas bukas ang higit sa 1.35 bilyong miyembro ng Simbahan sa mga LGBT nang hindi binabago ang kanilang moral na doktrina.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 12, 2023



ree

Pinatalsik ni Pope Francis si Obispo Joseph E. Strickland ng Tyler, Texas, ayon sa Vatican nitong Nobyembre 11.


Hindi pangkaraniwan na ang isang obispo ay pinatatalsik ng Santo Papa.


Isa si Strickland sa pinakamahigpit na kritiko ng mga Katolikong Romano sa bansang US at bumatikos sa desisyon ni Pope Francis na maging bukas ang simbahan sa komunidad ng LGBT.


Kontra rin siya sa nangyari sa synod kamakailan kung saan sinikap ng Santo Papa na mas mabigyan ng malaking responsibilidad ang mga layko sa simbahan.


Sinundan ng imbestigasyon ang nangyaring pag-alis sa obispo kasama ang pagsusuri sa kanyang pamamahala sa mga gawaing pinansyal.


Sabay na nag-anunsiyo ang Vatican at U.S. Bishops Conference sa naging desisyon ng Santo Papa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page