top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | March 7, 2022



Nakatakdang magsagawa ng limang araw na mobile vaccination ang Red Cross para sa mga bedridden sa Navotas simula ngayong araw, March 7.


Layon ng programang ito na makapagbigay ng bakuna kontra- COVID-19 sa mga residente lalo na sa mga bedridden at sa mga nahihirapang umalis ng bahay.


Ito ay bukas sa lahat ng residente o empleyado ng Navotas.


Unang pupuntahan ng PRC vaccination bus ang Bagumbayan North, ang North Bay Blvd., North, at Bangkulasi Nuestro Senior sa Marso 8, NBBS Proper sa Marso 9, NBBS Dagat-Dagatan sa Marso 10, at NBBS Kaunlaran at San Rafael Village sa Marso 11.


Puwede ang walk in pero pinapayuhan na magpalista sa kanilang barangay o health center ang mga nais magpabakuna.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | August 29, 2021



Inilipat na ngayong Linggo ang mahigit 30 COVID-19 patients ng Hospicio de San Jose Orphanage sa kabubukas lang na isolation facility ng Philippine Red Cross sa Adamson University.


Noong nakaraang Linggo ay humingi ng cash donations ang orphanage dahil sa 80 Covid patients dito kabilang ang mga bata at ilang personnel.


Ayon sa presidente ng Hospicio de San Jose na si Sister Maria Socorro Pilar Evidente, mabilis na lumaganap ang Covid sa kanila nitong Agosto.


"'Di ma-trace. It's quite rapid 'di tulad noong April to June, dahan-dahan ang pagtaas ng bilang ng cases. Ito, in a matter of weeks, 80 na," ani Evidente.


Dagdag pa niya, sa 80 kaso na ito ay dalawa ang severe cases na agad namang dinala sa ospital habang ang 78 naman ay kasalukuyan pang nagpapagaling.


Nitong Sabado, umabot na sa 1,817 ang kaso ng COVID-19 cases sa Maynila, ayon sa Public Information Office ng siyudad.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | June 6, 2021




Naiturok na ang 85% sa 1.5 million doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines na nakatakdang mag-expire sa ika-30 ng Hunyo, ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje.


Aniya, "Halos wala na kaming ituturok. We have set the guidelines, sana wala nang expiry ng June 30.” Ilalaan naman aniya sa second doses ang natitirang 500,000 doses na nakatakdang mag-expire sa Hulyo.


Samantala, iginiit ni Philippine Red Cross Chairman Senator Richard Gordon sa publiko na ‘bawal ang tanga’ pagdating sa bakuna kontra COVID-19.


Sabi pa ni Gordon, "Kailangan talaga, magpabakuna kayo. Bawal ang tanga. Kung 'di kayo magpapabakuna, du’n na lang kayo sa bahay habambuhay, 'wag kayong lalabas."


"Kailangang gampanan n'yo ang tungkulin n'yo sa inyong sarili at kamag-anak sa bahay n'yo, at mga makakausap ninyo kung kayo ay lalabas... I’m not going to pull my punches. Bawal ang tanga, bawal ang tamad, magpabakuna kayo," dagdag pa niya.


Sa ngayon ay iba’t ibang pakulo na ang ginagawa ng lokal na pamahalaan para lamang mahikayat ang publiko na magpabakuna. Maging ang mobile at drive-thru vaccination ay isinasagawa na rin upang mapabilis ang rollout.


Tinataya namang 5.38 million indibidwal na ang nabakunahan laban sa virus. Kabilang dito ang 1.2 million na fully vaccinated o nakakumpleto sa dalawang turok, at ang 4,088,422 indibidwal na nabakunahan ng unang dose.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page