top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 21, 2021




Patay na nang matagpuan ang 3 trabahador na naiulat na nawala matapos gumuho ang bahagi ng isang gusali sa may UN Avenue at Maria Orosa Street, Manila noong Sabado na kasalukuyang dine-demolish.


Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), na-rescue ang 2 pang trabahador na sugatan sa insidente na kaagad namang isinugod sa ospital.


Ang naturang gusali ay dati umanong Philam Life Building. Ayon din sa MDRRMO, bandang 8 AM ngayong Linggo nang matagpuan ang unang bangkay at nagpatuloy ang kanilang retrieval operations.


Hindi kaagad nakuha ang katawan ng iba pang biktima dahil gumagalaw o hindi stable ang gusali, ayon sa Bureau of Fire Protection. Samantala, patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad sa insidente.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page