top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | March 24, 2022



Dumating na sa bansa ang mahigit 900,000 doses ng COVID-19 vaccine nitong Miyerkules ng gabi, ayon sa National Task Force (NTF) Against COVID-19.


Ang 942,000 reformulated Pfizer COVID-19 vaccines para sa mga kabataang edad 5 hanggang 11 ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, via DHL Express flight LD456, bandang 9 p.m.


Ayon sa NTF, ang mga naturang vaccine doses ay binili ng national government sa pamamagitan ng loan sa World Bank.


Mayroon pang shipment na may dalang 936,000 doses ng reformulated COVID-19 Pfizer vaccine na darating ngayong Huwebes, March 24.


Nauna nang ibinahagi ni NTF COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na nasa 593,708 kabataang edad 5 to 11 ang ngayon ay fully vaccinated na laban sa coronavirus.


Target ng gobyerno na mabakunahan ang 15 milyong kabataan sa nasabing age group.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 8, 2022



Mahigit 5.1 milyong doses ng US-made Pfizer COVID-19 ang dumating sa bansa nitong Lunes.


Naunang dumating ang 3,999,060 doses sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bandang 12 p.m., ayon sa livestream ng state-run PTV.


Ang mga naturang bakuna ay donasyon ng US government sa pamamagitan ng World Health Organization-led initiative COVAX facility.


Kasunod nito ay dumating naman ang 1,167,600 sa NAIA Terminal 3 bandang 9:45 p.m.


Ang mga bakunang ito ay binili naman ng gobyerno, ayon sa National Task Force against COVID-19.


Nitong Lunes, sinabi ni Secretary Carlito Galvez Jr. na nasa 232 million COVID-19 vaccine doses na ang nai-deliver sa Pilipinas simula 2021, kung saan 136 million dito ang naiturok na.


Sa ngayon, ang Pilipinas ay nakapagtala na ng 63.6 million fully vaccinated adult individuals, at nasa 10.5 million naman ang nakatanggap na ng kanilang booster dose.


Nasa 8.5 million minors edad 12 hanggang 17 habang 900,000 bata edad 5 hanggang11 naman ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna.


Gayunman, inihayag ni Galvez na mababa pa rin ang bilang ng mga Pilipino na nagpa-booster shot.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 4, 2022



Dumating na sa bansa ang karagdagang 804,000 doses ng COVID-19 vaccine ng Pfizer-BioNTech na nakalaan para sa mga batang edad 5-11 nitong Huwebes ng gabi.


Ayon sa National Task Force Against COVID-19, ang bagong shipment na ito ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport pasado alas-9 ng gabi.


Ito ay kasunod ng 804,000 pediatric shots na naihatid sa bansa noong Miyerkules.


Binili ng pamahalaan ang mga naturang bakuna sa pamamagitan ng pautang mula sa World Bank.


Sa pangkalahatan, nakatanggap na ang bansa ng 1.6 milyong bakuna laban sa COVID-19 para sa mga bata.


Umabot na sa 736, 880 mga batang 5-11 years old ang nabakunahan mula nang magsimula ito noong Pebrero 7, ayon sa Department of Health.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page