top of page
SPECIAL - KIM, TAMEME SA KASAL DAW NILA NI PAULO SA US-IG _chinitaprincess.jpg
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 5, 2023




Nag-alok ang pamahalaan ng India ng pitong helikopter upang makatulong sa pagpapalakas ng Philippine Coast Guard (PCG), ayon sa Malacañang nitong Linggo, Nobyembre 5.


Ginawa ang mga helikopter para sa mga hukbong pandagat ng India at sinasabing para 'to sa mas aktibong operasyon at seguridad ng mga tao at kargamento.


Batay sa mga ulat, hindi man tinukoy kung ano ang model ng sasakyang panghimpapawid, isang representante naman mula sa PCG ang nagtungo sa India upang suriin ang uri ng naturang helikopter.


Sinabi ng Indian Ambassador na si Shambhu Kumaran sa Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na isang mahalagang solusyon ang kanilang alok para mas magampanan nang maayos at epektibo ng PCG ang kanilang mga tungkulin.


Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang presidente ukol sa alok ng India sa mga ahensyang kasali sa usapin.


 
 

Filni Angela Fernando - Trainee @News | November 3, 2023




Magkakaroon ng pag-uusap ukol sa seguridad ng mga maritime sina Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Adm. Ronnie Gil Gavan, Japanese counterpart (JCG) Commandant Admiral Shohei Ishii at Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Maynila, bukas.


Ayon sa tagapagsalita ng PCG na si Rear Adm. Armand Balilo ngayong Biyernes, inaasahang ang kasalukuyang sitwasyon sa seguridad sa marine sa rehiyon ang laman ng magiging pag-uusap at kung paano pagtutulungan ng PCG at JCG ang pagpapaunlad ng kaalaman at palitan ng personnel.


Inaasahang dadating ng bansa si Kishida, 2:00 p.m., sakay ng Japan-made PCG vessel.


Kasalukuyang may Memorandum of Cooperation ang PCG at JCG na naglilingkod bilang gabay sa gawain ng isa't isa.



 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | October 29, 2023




Naihanda na ang lahat ng mga hakbang sa seguridad upang tiyakin ang ligtas, malaya, at maayos na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Lunes, Oktubre 30.


Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG), handa silang tumulong sa Philippine National Police (PNP) sa pag-aasikaso ng mga presinto ng botohan, mga tauhan ng halalan, at mga botante.


Kabuuang 117,000 military personnel at 20,000 coast guardians ang itinataguyod sa buong bansa, lalo na sa 361 na mga lugar ng halalan na tinukoy ng Joint Peace and Security Coordinating Council (JPSCC).


Nauna nang inihayag ng PNP na may kabuuang 187,600 pulis ang inatasan para sa mga responsibilidad sa halalan.


Samantala, sinabi ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan na bahagi ng kanilang pagkakatalaga ang mga intelligence operative, K9 units, mga tauhan ng PCG at PCG Auxiliary na may tungkulin na magpatupad ng mahigpit na seguridad sa mga pantalan at mag-asikaso ng mga helpdesk na itinayo ng Department of Transportation (DOTr).


Itinaas ng PCG ang kanilang status sa "full alert" mula Oktubre 25 hanggang Nobyembre 5 upang tiyakin ang maayos na operasyon ng mga pasilidad ng transportasyon sa dagat at ang maginhawang paglalakbay ng mga biyahero.


Mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-6 ng umaga ng Linggo, mino-monitor ng PCG ang 27,530 na mga pasahero na palabas at 28,532 na mga pasahero na pabalik sa lahat ng mga pantalan sa buong bansa.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page