top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 22, 2023



ree

Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police Maritime Group ang 17 Vietnamese mula sa lumubog na barko sa Palawan nitong Nobyembre 21.


Tumugon ang PCG sa tawag ng tulong mula sa Viet Hai Star, isang cargo ship mula sa Ho Chi Minh City na may dalang 4K toneladang bigas patungo sa Cagayan de Oro.


Ayon sa ulat, nakapasok ang tubig sa loob ng nasabing sasakyang pandagat at binaha ang loob nito na nauwi sa pagtigil ng barko 800 metro mula sa Balabac Port.


Inabandona nila ang barkong sinasakyan bandang 4:00 ng umaga, Miyerkules, at matagumpay silang nasagip ng mga coast guard at pulis.


Maayos namang narating ng 17 dayuhang miyembro ng tripulasyon ang Balabac Port.



 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 17, 2023



ree

Patay ang isang kawani ng Philippine Coast Guard (PCG) sa distrito ng Palawan habang nasa gitna ng pagsasanay sa water search and rescue (WASAR) nu'ng Nobyembre 15, ayon sa PCG nitong Biyernes.


Pahayag ng PCG, nawalan ng malay ang isang 27-anyos na personnel sa kanilang 100-meter swim.


Agad namang umaksyon ang kanilang training staff nang mapansin ang pangyayari ngunit idineklara itong walang buhay bandang 9 p.m.


Napag-alamang "hypoxic ischemic encephalopathy secondary to a submersion injury (drowning) and subsequent arrest" ang naging sanhi ng pagkamatay nito.


Sinuspinde ni PCG chief Admiral Ronnie Gil Gavan nitong Huwebes ang kanilang mga pagsasanay na may kinalaman sa WASAR.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 12, 2023



ree

Napasok nang ligtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Ayungin Shoal nu'ng Biyernes matapos nilang matagumpay na maiwasan ang 15 barkong China Coast Guard at barkong militia.


Dalawang bangka na magsu-suplay sa BRP Sierra Madre ang binantayan ng PCG.


Isang barkong pandigma nu'ng World War II din ang naka-ground mula pa ng taong 1999 ang nagsisilbing simbolo ng pangangalakal ng 'Pinas sa West Philippine Sea.


Kinumpirma ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan na nagging maayos ang nangyaring misyon kahit na sinubok ng China na manggulo at harasin ang routine resupply sa BRP Sierra Madre.


Sa nasabing pangyayari, tinignan at sinuri din ng PCG-AFP ang apat na People Liberation Army Navy vessels, kasama na ang isang barkong ospital at bangkang misayl na nasa teritoryo ng Ayungin Shoal.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page